Chapter Two

1.5K 32 2
                                    


NASA ibaba na ng building si Michelle at tinungo ang pinagparadahan ng sasakyan. Pumasok siya sa loob ng kotse at binuhay ang makina at inilabas iyon sa parking lot.

She must have fainted for a few seconds. Naisip niya ang malaking lalaking tumulong sa kanya. She felt so ill that she didn't care who had been there to help her. Kahit paano'y ipinagpapasalamat niyang hindi ito masamang tao. Though he was rude and impertinent.

Subalit hindi niya maikailang ang init mula sa katawan nito'y tila nagbigay sa kanya ng kaginhawahan. She really had purposely leaned on him, reveling his warmth and male scent. That surprised her. Paano niya nagawa iyon? May kasintahan siya at nagpaplano nang magpakasal!

Ang tanging dahilan niya para sa ginawa'y ang pagsama ng katawan niya. She knew he was tall and big but she hadn't expected him to be good-looking, too. And young. He must be around twenty-nine or thirty.

At kamamatay lang ng mga magulang niya at kasalukuyan siyang namimighati. At sa pangyayaring hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa buhay niya ngayong kahit ang sariling bahay nila ay hindi niya pag-aari.

And that must be the reason. She was vulnerable. Human needing human. She sighed miserably. Ano man ang dahilan, tapos na iyon. Hindi na sila magtatagpong muli. May mas mabigat siyang suliraning kinakaharap.


NANG hapong iyon ay bisita ni Michelle ang kasintahang si Dexter. Ipinagtapat niya rito ang resulta ng naging pag-uusap nila ni Attorney Moral.

"It is just money, Michelle," wika ni Dexter sa kanya at kinabig siya payakap. "I will provide for you. Palilipasin lang natin ang babang-luksa sa pagkamatay ng mga magulang mo at mamamanhikan kami nina Papa't Mama sa Lola Digna mo. Nabanggit ko na sa kanila iyan at wala silang tutol."

Puno ng pasasalamat at pagmamahal ang tinging ibinigay niya sa kasintahan at humilig sa balikat nito. Ikinagalak niya ang pagdating nito sa araw na iyon. Nabantuan niyon ang pamimighating nararamdaman niya. Hindi niya gustong lubusang iasa sa kasintahan ang lahat. But looking at it now, she really had nothing. Her parents gone. She had no money. She only had Dexter, his love and his support.

"It wasn't even a will, Dexter," she said in a weary voice, "kundi pagbibigay impormasyon sa akin ni Attorney Moral ng mga ari-arian ni Papa at kung saan napunta ang mga iyon."

"Don't worry yourself about that," anito. "Kapag nakasal tayo'y hindi mo kailangan kahit ang bahay na ito. Magtatayo tayo ng sarili natin."

Kahit paano ay napangiti siya roon. Subalit ang atensiyon nila ay nakuha sa paghinto ng isang sasakyan sa tapat ng bahay. Nasa balkon sila at agad na nakita ang pagbaba sa taxi ng isang pamilyar na bulto.

"Here comes your grandmother," usal ni Dexter sa kanya. "Maliliwanagan natin ang lahat."

Sinundan nila ng tingin ang pagpanhik ni Digna Verano sa balkon. Nakatiim ang anyo nito, na hindi na pinagtatakhan ni Michelle. Wala siyang natatandaang nakita niya itong ngumiti.

"Good morning, Mrs. Verano," bati ni Dexter.

Bahagya nang tinanguan ni Digna si Dexter. Ang mga mata nito'y diretso kay Michelle. She had expected her grandmother to be sympathetic, dalawa na lang silang natitira. Pero kahit sa tatlong araw na burol ng mga magulang ay ni hindi siya nito nilapitan. Her grief was for her son only.

Digna Verano was a retired government employee and was living on her pension in an expensive apartment in the vicinity of Marikina. She was tall and bony and must be in her early seventies. Ang buhok nito ay mahigpit na nakabanat patalikod at nakapusod. She always wore dark colored blouses and skirts, the style was as old and austere as this old woman.

All-Time Favorite: El ParaisoWhere stories live. Discover now