Chapter Twenty-two

1.4K 23 2
                                    


SHE STIFFENED. She felt her lungs constrict, preventing her from breathing. She stared unblinkingly at Virgilio. Iba't ibang emosyon ang nag-uunahang dumaloy sa dibdib niya.

"Virgilio's your biological father, Michelle," Adrian said.

She couldn't even utter a word. Not if her life depended on it. Nananakit ang dibdib at lalamunan niya sa matinding damdamin. In stunned silence, she was staring at this man who was her father!

Virgilio's eyes misted. Ang tinig nito ay gumagaralgal. "Bago pa man kami nagpakasal ay walang panahong hindi ka namin hinanap ni Harriet, Michelle. If you could only know your mother's anguish. And the terror she felt when she learned of Emmaline's betrayal. And my pain for not knowing you.

"All those years, Harriet blamed herself. Hindi ka niya dapat iniwan kay Emmaline. Dapat ay dinala ka niya sa Donsol pag-uwi. Wala namang nakatitiyak kung talagang mangangahulugan iyon ng kamatayan ng kanyang ama. Your name's Anna Vida." Pagkuwa'y kinapa nito ang bulsa ng pantalon. "I have here Emmaline's letter to Harriet..."

Mula sa pantalon ay inilabas nito ang isang sulat. Ang papel ay naninilaw na halos. Iniabot nito iyon sa kanya sa nanginginig na kamay.

"Iyan ang kahuli-hulihang komunikasyon namin mula kay Emmaline. You couldn't know what your mother had been through after reading that letter."

Inabot niya ang sulat, tulad ni Virgilio ay nanginginig ang mga kamay niya habang binubuklat iyon. She recognized the handwriting. It was Emma's.

Dear Harriet,

Alam kong nagkakasala ako sa iyo dahil tuluyan ko nang ilalayo sa iyo si Anna Vida. Isang taon na magmula nang ipagkatiwala mo siya sa akin. At hindi ko na kakayaning mawalay pa siya sa akin, Harriet.

Magugulat kang malamang nagpakasal ako sa sa isang lalaking mayaman kahit na wala akong pag-ibig sa kanya. Iyon ay dahil mahal na mahal niya ako. His kind of love was suffocating and obsessive. Pero ang mahalaga ay mahal niya ako at gagawin niya ang lahat para sa akin.

Pagkatapos ng paglapastangang ginawa sa akin ng kriminal na iyon at mahantad iyon sa publiko, sino pa sa palagay mo ang lalaking magtototoo sa akin?

He doesn't care for the child. Ako lang ang mahalaga sa kanya. But it doesn't matter. My love for Anna Vida was more than enough. At gagam-panan ng lalaking ito ang tungkulin ng isang ama nang dahil sa akin. Tatamasahin ni Anna Vida ang buhay na hindi ko dinanas.

Dahil sa ginawa ng kriminal na iyon ay tiniyak ng mga doktor na hindi na ako magkakaanak, Harriet. Sinira ng kriminal na iyon ang pangarap kong magkaroon ng anak... ng maraming anak! Wala na akong magagawa roon. Ang mahalaga ay ang pagpuno ni Anna Vida sa kakulangan ko bilang babae.

I love her, Harriet, as if she were mine. Sa bawat araw na nagtatagal ang pagbabalik mo para bawiin siya ay lalo lamang nagpapatindi ng aking pagmamahal sa aking anak.

Yes, Harriet, she's my daughter now. Patawarin mo sana ako. Alam kong hindi sapat ang mga salitang iyan. Pero hindi mo siya dapat iniwan.

Pinangatawanan mo sanang harapin ang bunga ng pagkakamali ninyo ni Mac.

Dahil kung ako ang nasa katayuan mo, si Anna Vida ang magiging pinakamahalaga sa buhay ko. All else are secondary. Tulad ng kung paanong iginiit ko sa lalaking pakakasalan ko na ampunin at pag-aralin si Anna Vida.

Pangakong hindi ko pababayaan ang anak mo... natin.

Muli ay humihingi ako ng tawad.

All-Time Favorite: El ParaisoWhere stories live. Discover now