Chapter Twenty-Six

1.4K 31 3
                                    


BUMABA si Michelle sa kotse niya at ginalugad ng tingin ang buong paligid. Katanghalian subalit malamig ang dapyo ng hangin sa balat niya. Ni hindi makalusot ang mainit na sinag ng araw sa pagitan ng mga siwang ng malalaking puno.

"The place is eerie," aniya nang matitigan ang guho ng parola. She shivered a little. Nilinga niya ang kasama na nakatayo sa tabi niya at nakangiti. Itinulak nito pasara ang pinto ng kotse sa passenger side.

"Sekondarya lang ang tinapos ko kaya hindi gaanong naiintindihan ang sinabi mo, Michelle. Pero kung ang ibig mong sabihin ay nakakatakot ang lugar na ito ay oo. Iyon ang impresyon ng nakararami noong kabataan ko. At magpasahanggang ngayon."

Napalingon siya rito, gustong mapahiya. "H-hindi ko nais na maka—"

Iwinasiwas nito ang kamay. "Hindi ako madaling mainsulto. Huwag mong bigyan ng halaga iyon. Kayong mga kabataan ay nasanay nang magsalita ng salitang banyaga. Kahit si Norien."

Hindi nakaila sa kanya ang pagkagiliw sa tinig nito nang banggitin ang pangalan ni Norien. Ibinalik niya ang mga mata sa pagsuri sa magubat na paligid. Ang guho ay tinutubuan na ng kung anu-anong damong gumagapang. For all she knew, pinamamahayan na ang lugar na iyon ng makamandag na mga hayop.

"Hindi nabanggit ni Adrian na may daan patungo rito. Akala ko ba'y walang nagtutungo rito?" Humakbang siya patungo sa nakitang kapirasong clearing. Hinawi niya ang mga damong hindi naman kataasan at naghanap ng patag na lugar para maitayo ang easel.

"Alam mo naman ang mga lalaki, gusto lagi tayong pinoprotektahan. Pero kung napansin mo, wala naman talagang daan. Nahawi lang ng kotse mo ang mga damo."

"Kunsabagay nga. Pero sana'y maipinta ko rin ang ibaba ng bangin. Kailangan nga lang na sa dagat ako manggagaling." Inuga-uga niya ang easel at nang matiyak na hindi ito gagalaw ay inilatag ang canvas.

"Santisima!" wika nito na ikinalingon niya rito. "Nalimutan ko ang telepono ko sa bahay. Maaari ko bang mahiram ang telepono mo? Gusto kong tawagan si Virgilio at sabihing hindi ako makakasabay sa tanghalian. Magkasama sila ni Adrian sa munisipyo."

"Sure." Dinukot niya sa bulsa ang telepono at iniabot dito.

She started to dial, then as if she remembered something, she said, "Alam mo bang may daan mula sa guho patungo sa dagat, Michelle?"

Her eyes flew to her. Naisip na niya iyon kanina nang makita niya ang mga larawan. Pero hindi mula sa guho kundi mula sa dagat. But it made sense. Kung may daan mula sa dagat ay lalong mayroon mula sa guho patungo sa dagat.

"Gusto kong makita ang daan patungo roon," she said determinedly and excitedly. Ang dibdib niya'y nagsimula nang kumabog. Natitiyak niyang ito ang lugar sa panaginip niya.

"Aba, eh, di unahin na muna natin ang pagpasok sa guho dahil baka humapon ay wala nang liwanag na makakapasok sa mga siwang."

Nagpauna itong humakbang patungo sa guho, hinahawi ang matataas at makakapal na damo. Michelle did the same thing. Her excitement was too intense that her chest felt like bursting anytime.

Hesitantly, sumunod siya sa loob. Naaabot pa ng liwanag ng araw ang bahaging kinatatayuan nila dahil malapit lang iyon sa guwang. Sarisaring amoy ang nalalanghap niya. Ang amoy ng guho, ng kung anu-anong agiw na karaniwan sa lugar na hindi nagagamit, at ng amoy ng dagat.

"May hagdanang bato sa bandang kaliwa mo patungo sa ibaba," wika nito.

Hagdanang bato!

Of course! She had dreamed that. Seeing the place through the eerie darkness reminded her of a catacomb she had watched in a movie.

All-Time Favorite: El ParaisoOù les histoires vivent. Découvrez maintenant