Epilouge

2.5K 51 7
                                    


HINDI natuloy ang kasal nina Michelle at Adrian sa itinakda nilang dalawa. Sa halip ay makalipas pa ang tatlong buwan. Hinintay nila ang tuluyang recovery ni Harriet, both from physical and psychological. Ang presensiya niya ay nagpadali sa tuluyang paggaling ni Harriet.

Ginugol ni Michelle ang tatlong buwan sa piling ng ina, iyon ay kung nabibigyan siya ng pagkakataon ng ama na hindi rin gustong lumayo sa tabi ng asawa.

Ginanap ang pribadong kasal sa mismong yate ni Adrian. Walang pagsidlan sa kaligayahan si Catherine para sa bago niyang ina. Harriet and Virgilio stared at their daughter with happiness.

Kasabay ng honeymoon nina Adrian at Michelle sa yate ay ang pag-alis naman ang mag-asawang Virgilio at Harriet upang maglibot sa buong mundo.

"Saan tayo patungo?" tanong ni Michelle nang naglalayag na sila.

"Kahit saan mo gusto. Sa dulo man iyon ng mundo."

Mula sa wheelhouse ay tumingin sa karagatan si Michelle habang patuloy sa pagna-navigate si Adrian.

"Kung anu-anong kaisipan ang pumapasok sa isip ko nang matiyak kong nawawala ka. Lalo na nang matanaw kita sa mga batong iyon, Michelle," he said in a tight voice. "I was thinking of putting you over my knees for being stubborn. Pero nang sabihin mong naroon sa kuweba si Harriet ay gusto kong panawan ng malay. Nang makita ko si Harriet habang kinakalas namin ni Virgilio ang kadena ay halos madurog ang puso ko. Sinisisi ko ang sarili ko dahil hindi kita pinaniniwalaan. At kung nagkataong nawala ka sa akin ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko."

His voice was filled with so much emotion that Michelle turned and look at him and smiled. "That is too intense an emotion you felt for your employee, Adrian."

"Damn you, wife," he said a little bit angrily. "Sinasabi mo iyan dahil hindi mo naramdaman ang nararamdaman ko."

She chuckled. "What is it exactly that you want to tell me, Adrian?"

"Hindi ko kayang danasin ang dinanas ni Virgilio sa pagkawala ni Harriet. Catherine would be devastated. I would be devastated. And—"

"Wouldn't it be simpler if you will just tell me that you love me, instead of bubbling?"

His hands stilled on the wheels. "Hindi ko pa ba nasasabi?"

Men. She almost rolled her eyes. Then she walked toward the door. Hinawakan siya ni Adrian sa braso. "Okay, kung iyon ang gusto mong marinig. I love you, Michelle. I truly do."

Umangat ang mga kilay niya. Pinakawalan ang sarili at ngumiti. "Matagal ko nang alam. Pero mahirap bang bigkasin?"

Bago makasagot si Adrian ay tuluyan siyang lumabas at tinungo ang railings. She could hear Adrian's laughter from the wheelhouse. She smiled. Sabi nga nila, kapag totoong mahal mo ang isang tao ay napakahirap bigkasin ang mga katagang "mahal kita" kaysa sa yaong hindi naman totoong nagmamahal na kay daling manulas sa bibig ang "I love you."

She knew Adrian loved her as she loved him. Sa nakalipas na tatlong buwan ay sa bahay ng mga magulang siya naglagi at nagpaubaya si Adrian. Though he had her during the nights.

Tinanaw niya mula sa barandilya ang guho. Nangako si Adrian na papatagin ang kagubatang nakapaligid doon. At magkakaroon na ng permanenteng tauhang maninirahan sa parola.

She couldn't care less for historical landmarks. All she wanted was to pave the damn ruins. But she wasn't that unreasonable. Maligaya na siya sa pagkakatagpo sa mga magulang. At lalong maligaya sa piling ni Adrian at Catherine.

Naramdaman niya ang paglabas nito sa wheelhouse. Then his arms went around her, warming her. Inihilig niya ang ulo sa dibdib nito.

"I love you, Adrian," she whispered. "Hindi ka maniniwala sa akin kapag sinabi kong natagpuan ko ang paraiso sa—"

"Oh, I believe you. You've found paradise in my arms, my darling."

Her smile widened. He was right. El Paraiso was Adrian. Humarap siya rito at tumitig sa mga mata nito. "Catherine's going to have a baby sister or brother soon. How do you think she will take it?"

"Delighted naturally—what?"

His astonishment earned an unladylike bark of laughter from her.


                                                           ••• WAKAS•••

All-Time Favorite: El ParaisoWhere stories live. Discover now