Chapter Five

1.4K 31 0
                                    


TWENTY minutes later she was out of the bank. Inilagay niya ang chocolate box sa dashboard at pagkatapos ay inilabas ang kotse sa parking lot.

Habang nagmamaneho ay pasulyap-sulyap siya sa kahon ng tsokolate. May hinala siyang ang laman niyon, kung ano man, ay may kinalaman sa lihim ng pagkatao niya. Kung sino ang totoong ama niya. Why else would her mother keep a box in a bank without her and Amador's knowledge?

Sinulyapan niya ang relo sa dashboard. Alas-dos. Ni hindi siya nakapaghapunan kagabi at wala rin siyang almusal maliban sa isang tasang kape kaninang umaga. Nakaramdam na siya ng gutom. Wala siyang ideya kung saan siya patungo.

Isa-isang gumuhit sa isipan niya ang mga kaibigang maaari niyang matuluyan kahit ang magpalipas man lang ng magdamag. Pero siya na rin ang kusang tumatanggi. She couldn't impose. Maliban pa sa hindi niya gustong malaman ng iilan niyang kaibigan ang tungkol sa kinahinatnan ng buhay niya. She couldn't take their pity.

With a pain in her heart, she tried to erase Dexter's image from her mind. She just felt so empty and maudlin every time she thought of him. Pero kailangang tanggapin niyang nagkamali siya ng lalaking minahal. Hindi matatanggap ng mga magulang ni Dexter ang pagkatuklas sa lihim ng mama niya.

Itinuloy niya ang sasakyan sa SM North Edsa at ipinasok sa covered parking lot. Nang maiparada iyon ay hinayaan niyang buhay ang makina para sa air-condition. Pagkatapos ay inabot ang chocolate box at kinalas ang tali at binuksan iyon habang tila mababasag ang dibdib niya sa lakas ng tambol niyon.

Tatlong sobre ng sulat ang laman ng kahon. Ang isa ay birthday card. At mga larawan. She counted them. Limang mga lumang larawan ng isang bata. Binasa niyang isa-isa ang sulat-kamay na nakalagay sa likod ng mga larawan.

Anna Vida at one month old; Anna Vida at six months; Anna Vida at one year old; Anna Vida at two years old; Anna Vida at three and a half years old.

Tinitigan niya ang mga larawan. Ang isang larawan ng bata sa edad na tatlong taon at kalahati ay hindi nalalayo ang anyo sa mga larawan niya noong apat na taong gulang siya.

Sino ang batang ito?

Ang mga sobre ay naninilaw na sa matagal na pagkakatago. Naka-address ang mga sulat sa mother niya sa maiden name pa nito. Nangangahulugang dalaga pa ang mama niya nang ipadala ang mga sulat na iyon sa isang lugar sa Sampaloc.

Bawat sulat ay may iisang return address sa left corner. Harriet Palermo, Donsol, Sorsogon...

Sino ang Harriet Palermo na ito? Had she heard the name before? It sounded familiar. At sino ang mga nasa larawang ito? Sino si Anna Vida?

Sa nanginginig na kamay, inilabas niya ang card mula sa sobre nito at binasa.

DEAREST Emmaline,

Kumusta na ang aking si Anna Vida? I missed my daughter so much. Today's her fourth birthday. I am sending you a little cash through Money Order. Please buy my daughter a small gift from me. I want it to be a small Hello Kitty picture frame at ilagay mo roon ang larawan niya.

Then please buy her the most beautiful cake in the world and tell her that I love her so much....

Michelle sucked in breath painfully. Sinulyapan ang petsa sa kanang bahagi ng card. Ang mismong ikaapat na taon ng kapanganakan niya!

May alaalang kumislap sa isip niya.

"Ingatan mo ang picture frame na iyan, Michelle, hanggang sa pagtanda mo..."

All-Time Favorite: El ParaisoWhere stories live. Discover now