Chapter Twelve

1.4K 30 0
                                    


NILINGON ni Michelle ang pinagmulan ng tinig. Sa gilid ng bundok, sa dulo ng mga batong pinanhik niya ay naroon si Adrian. Ang suot ay kupas na maong, blue and white striped retro polo shirt na hapit sa matipunong dibdib at nakatupi ang maiiksing manggas, showing muscled forearms. His arms akimbo. Halos magdikit ang mga kilay nito.

Michelle felt the sudden lilting of her heart. How could this man have the power to take her breath away?

Tumayo siya at gilalas na pinanood ang walang kahirap-hirap nitong pagtawid sa mga bato papanhik sa kinatatayuan niya. Samantalang siya kanina ay halos gapangin ang pagpanhik sa mga batuhan.

"Ano ang ginagawa mo rito?" he asked without preamble, bahagya lang nitong sinulyapan ang digi-cam at binoculars niya.

Ang may kahabaan nitong buhok ay inililipad ng hangin, tulad din ng suot nitong polo shirt na halos magtanggalan ang mga butones sa lakas ng hangin. Sa pagkakatayo nito roon, his long and sinewy legs wide apart, ay tila ito diyoses ng karagatan.

"Shouldn't I be the one asking that?" she countered.

"Hindi mo ba alam na mapanganib ang lugar na ito sa isang dayuhang tulad mo?" sunud-sunod nitong tanong. His nose flared in anger. And something crossed his eyes—fear?

Umangat ang mga kilay niya. "Ow? Sa bayan bang ito'y pinipili ni Mr. Panganib ang mga dayuhan?"

"Hindi mo kabisado ang bahaging ito ng—"

"Oh, for Pete's sake!" she cut him off. "Why are you so angry? Para akong may ginawang krimen kung maningkit iyang mga mata mo!"

"Don't be stupid, Michelle," he said furiously. "Unti-unti nang tumataas ang tubig at mamaya lang, itong tinatayuan nating bato na lang ang matitirang nakalitaw. Hindi mo na matatanaw ang alinman sa mga batong tinawid mo patungo rito. At paano ka uuwi? Maghihintay ka nang magdamag?"

Nabitin sa lalamunan niya ang pagsinghap at luminga sa paligid at pagkatapos ay sa mga batong pinanggalingan niya. He was right!

Natitiyak niyang wala pa siyang kalahating oras na nakaupo roon pero malaki na ang itinaas ng tubig. Ilang sandali pa at aabutin na ng tubig ang mga batong tinulay niya patungo roon.

"B-but surely the rocks would still be there and—"

"Hindi mo kakayanin ang puwersa ng tubig. At lahat ng hindi nakakaalam sa takbo ng tubig sa bahaging ito ng karagatan ay gagawin ang nasa isip mo at tatawirin ang nakalubog na mga bato, thinking it would be safe. And unless you are a very good swimmer, you will not make it to the shore."

Nanlaki ang mga mata niya sa pagkakatitig sa mga batuhan sa ibaba. At nararamdaman niyang tinatakasan ng kulay ang mukha niya sa sinabi nito. Hanggang swimming pool lang ang kaya niyang languyin at iyong abot pa ng mga paa niya ang tiles.

She paled as she gazed up at him, her lips parted in horror.

"Oh, shit!" Adrian muttered to himself. Tila nahuhulaan nito ang laman ng isip niya. "Hindi mo ba nakita ang babalang nakalagay sa may bukana nitong lugar na ito?"

She lowered her eyes guiltily. Again, Adrian muttered an oath. "Ni hindi ka marunong lumangoy pero matapang ang loob mong huwag sumunod sa mga babala! Tayo nang bumalik bago pa lumubog ang mga batong dadaanan natin."

Tinalikuran siya nito at tinalon ang ibabang bato na humigit-kumulang ay isang metro ang lalim mula sa kinatatayuan niya. Napakurap siya at tinunghayan ang tinalon nito. Hindi siya makapaniwalang ganoon iyon kataas. Kaninang pumanhik siya'y ginamit niyang baitang ang mga nakausling maliliit na bato at ni hindi niya naisip na mas mahirap ang bumaba.

All-Time Favorite: El ParaisoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon