Chapter Thirteen

1.3K 30 0
                                    


NAGULAT pa siya nang hawakan siya ni Adrian sa likod ng siko at akayin palapit sa portico kung saan nakatayo si Virgilio. Ang init mula sa kamay nito na naglandas sa braso niya'y nakabawas kahit paano sa kabang nararamdaman.

"Damn it, but your teeth are chattering!" puna nito at sandali silang huminto sa paglakad at tinitigan siya nang matagal. "What are you so nervous about?"

"I hate dining with strangers without my designer's gown," she said cheekily. "That must be it."

He breathed harshly. Humigpit ang mga daliri nito sa likod ng siko niya at ipinagpatuloy ang paglakad. Nang mula sa likod ni Virgilio ay lumitaw si Catherine na kumawala mula sa yaya at patakbong lumapit sa kanila.

"Daddy!"

"Hi, honey." He ruffled the girl's hair.

Catherine's eyes were on Michelle. "She's the lady that looked like Auntie. You brought her back!"

"Nangako ako, hindi ba?"

"Hello," bati ni Michelle.

"My name's Catherine. What's yours?"

Yumuko siya. "Mine's Michelle."

Kumislap ang mga mata ng bata. "I'm glad you came. Sabi ni Daddy sa cottage ka nakatira. Ayaw mo ba sa hotel?"

Michelle swallowed. "No. I-it's just that I... I love the seaside."

"Nakita mo na si Miss Michelle, honey," ani Adrian. "Doon ka na muna kay Yaya Henny."

"Daddy, please, I want to—"

"A promise is a promise."

The girl pouted. Matamang tinitigan nito ang ama. "Bukas pupunta ako sa cottage." The girl raised a determined chin as if challenging her father.

Umangat ang mga kilay ni Adrian sa amusement. "And how are you going to do that?"

"I will ask Yaya Henny to take me there. I wanna see Michelle again tomorrow."

"All right, I'll take you to the cottage," Adrian promised and wondered why he did.

"Promise?"

"Cross my heart and hope to die."

Catherine smiled widely. Muling bumaling kay Michelle. "Kiss kita."

"Oh, sure." Naiilang na tumingkayad si Michelle at tinanggap ang yakap at halik nito.

"Goodnight, Miss Michelle. 'Night, Daddy." Pagkatapos nitong humalik sa ama ay tumakbo na ito pabalik sa yaya na nasa likod ni Virgilio. "'Night, Uncle Vir."

"'Night, pumpkin."

Sinundan ni Michelle ng tingin ang bata sa pagpasok nito sa loob ng bahay dahil hindi niya alam kung saan niya itutuon ang paningin. Nang tumikhim si Virgilio ay napilitan siyang tumingin dito, sapat upang manumbalik ang kabang nararamdaman niya.

"Salamat sa pagpapaunlak mo sa aking imbitasyon, Miss Verano," anito.

"Like I have a choice," wika niya sa sarili na napalakas. She always bubbled when nervous.

Umangat ang mga kilay ni Virgilio, kumibot ang mga labi sa pagngiti at inilahad ang kamay sa kanya na tinanggap naman niya. "Adrian did a little arm twisting?"

Ikinulong ni Virgilio sa dalawang palad nito ang kanyang mga kamay. It warmed her. "Not exactly, sir," she said, embarrassed. "It's nice meeting you, though."

All-Time Favorite: El ParaisoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora