Chapter Eighteen

1.4K 30 1
                                    


THE WATERFALL was romantic. Ang kumikislap na daloy ng tubig na tila silver ribbons ay bumabagsak sa maliit na pond na napapaligiran ng makakapal na mga halamang-gubat. The air, fresh and green, at minsan ay malalanghap ang maalat-alat na hanging-dagat. At ang damo sa paligid ay basa dahil sa patuloy na ambon.

Gayunma'y walang dahilan upang hindi ilatag ni Adrian ang picnic blanket at ang laman ng basket sa ilalim ng isang mayabong na puno. Pritong manok, vegetable salad, sandwiches, chocolate cake, at fresh buko juice.

"Inihanda ni Manang Selma ang mga iyan."

"Sino si Manang Selma?"

"Siya ang housekeeper," sagot ni Catherine na nakabihis na ng pampaligo, a tiny flowery two-piece swimsuit. "Mommy, do you like my bikini?" tulad ng karaniwan na sa babae mula pa ng lalangin ito, bata man o matanda, Catherine asked and smiled flirtatiously.

Inayos niya ang napilipit na strap. "Oh, yes.

They're pretty on you, sweetie."

"Not pretty on me, Mommy. I am sexy on it."

Pinigil niya ang mangiti at sumulyap kay Adrian na nasa tabi niya lang. "Definitely sexy, honey. Wrong choice of adjective. Anyway, malamig ang tubig sa pond, kaya mo ba?"

"The water's warm. Subukan mo, Mommy. Magpalit ka ng pampaligo."

Alanganin siyang ngumiti. "Wala akong dalang pampaligo, Catie. Hindi ko inaasahang maaaring maligo."

Nilinga ni Catherine si Adrian na naaaliw na nakatingin sa kanila. Nakasandal ito sa puno, bukas lahat ang mga butones ng polo shirt at inililipad ng malakas na hangin. Sa kamay nito ay ang lata ng beer.

"Hindi n'yo ba sinabi, Daddy, na maaari siyang maligo sa pond?"

"No, hija. Nawaglit sa isip ko."

"Kami ni Daddy, we always take a plunge. But it's okay, Mommy. Next time, you bring swimsuits." Pagkasabi niyon ay hinatak na ng bata ang plastic nitong salbabida at lumusong sa pond.

Nanatili siyang nakaluhod sa blanket at pinagmasdan ang paglalaro ni Catherine sa tubig sa kabila ng mga ligaw na halaman.

"Magkakaroon ka ng stiff muscles sa ginagawa mong iyan," Adrian teased.

Her face warmed as she turned. Maliit lang ang picnic blanket na ang kalahati ay okupado na ng basket at ng mga nakalatag na pagkain. Kung uusog siya nang kaunti ay magdidikit na ang katawan nila. But she refused to think about the kiss they shared last night and a while ago. Sa pagkain niya itinuon ang pansin. Naglagay siya ng chocolate cake sa platito, kumuha ng tinidor at nagsimulang kumain.

"Hmm... this is good."

"Had I not known better, sasabihin ko sa iyong ngayon ka lang nakakain niyan." He chuckled.

Michelle sighed nervously. Ibinaba niya ang platito. Napakislot pa siya nang lumapit si Adrian.

"Do I make you nervous?" His voice low and sexy.

Bago pa niya makuhang magsinungaling ay inalis nito ang distansiya sa pagitan ng mukha nila. His tongue was tracing the buttons of her blouse. Sinisikap nitong tanggalin sa pamamagitan ng ngipin ang ibabaw na butones. He succeeded unbuttoning one. And then the second button, all the while Michelle was holding her breath.

Then his teeth tried to tug down the cup of her bra. Walang kahirap-hirap nitong nagawa iyon. Then he nibbled one nipple, kissed, and licked it.

Michelle's mind went blank. Tila mauubusan siya ng hangin sa ginawang sunud-sunod na paghinga. "D-don't do that..."

All-Time Favorite: El ParaisoWhere stories live. Discover now