Chapter Twenty

1.5K 30 5
                                    


HANGGANG sa makabalik sila sa daungan sa likuran ng mga bato ay nanatiling walang kibo si Michelle. Habang nasa wheelhouse siya kanina at sinisikap igiya ang yate sa gitna ng malalaking alon ay nanatili ito sa barandilya at hindi alintana ang mahinang ulan na bumabasa rito. Nanatili itong nakatitig sa pinanggalingan nila bagaman halos hindi na iyon matanaw.

Ngumiti lang ito nang mula sa itaas ng wharf ay patakbong bumababa si Catherine sa hagdanang bato.

"Mommy... Daddy..."

Sa gitna ng tila pantalang kahoy ay nagsalubong ang dalawa. Tumingkayad si Michelle at niyakap ang bata. "I miss you, Mommy. Sabi ni Yaya Henny ay naglayag kayo. You didn't wait for me," may tampong sabi nito.

"We haven't been long at the sea, sweetie," Adrian said from behind Michelle. "Lumalakas ang alon at ulan, so we decided to go back. Look at you, sinagasa mo ang ambon. Baka sipunin ka."

The girl smiled sweetly at her father. "Then Mommy would stay home and take care of me, wouldn't you, Mommy?"

"Siyempre naman. But I don't want you to catch cold. So, tara na sa itaas." Nilinga siya ni Michelle and saw her poignant smile that tugged at his heart.

Adrian sighed. Kinarga niya ang anak at inakbayan ito at magkasama silang tatlong pinanhik ang batong hagdan patungo sa itaas. Hindi niya naiintindihan ang nangyari dito kani-kanina lang. Lalo nang nakagulo sa isip niya ang matinding lungkot at tila nagpa-panic nitong kilos.

Dahil na rin kay Catherine kaya inabot ng gabi si Michelle at doon na rin naghapunan. Hinilingan din ito ni Catherine na basahan ito ni Michelle ng paborito nitong kuwento nang nasa silid na nito ang bata.

Adrian watched his daughter and Michelle together. Nakaupo ito sa gilid ng kama at nakahilig sa headboard habang binabasahan si Catherine ng kuwentong pambata.

Hindi niya kayang ipaliwanag ang damdamin niya habang nakamasid sa dalawa. Para bang natural na naroroon si Michelle bilang ina ng anak niya. There were women in the past who had tried to trap him through her daughter. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng kabaitan dito. But Catherine had not shown interest. Maliban kay Harriet, his daughter had never been taken in by any woman.

"Is she asleep?" he asked from the doorway.

"Sshh..." ani Michelle at maingat na tumayo mula sa kama. Kinumutan ang bata at hinagkan sa noo at saka dahan-dahang lumabas. Umatras si Adrian upang makabig nito pasara ang pinto.

Kinabig niya ito payakap. Itinaas ang mukha nito at hinagkan sa ilong. "Would it be too much if I ask politely that you put me to sleep, too?"

She chuckled and gave a playful jab at his chest. "It's almost seven-thirty. Take me home, mister."

"Michelle..." he whispered huskily, his hunger showed in his eyes.

"So I told you I am easy," she said grinning at him. "But not this easy. Let's go, lover boy." Itinulak siya nito at nagpaunang lumakad patungo sa hagdan.

He gave an exaggerated groan and followed her as he watched the sway of her hips.


ALAS-OTSO nang makarating sila sa cottage. "Thank you for a wonderful afternoon, Adrian," she said, smiling softly.

"Did you really have a wonderful afternoon, Mitch?" he asked seriously. "Kanina sa dagat ay parang biglang may nangyaring hindi ko maunawaan."

Pumormal siya at nagbuntong-hininga. "Hayaan mo na iyon. It has nothing to do with you. Sa ibang pagkakataon marahil ay maipaliliwanag ko sa iyo." Binuksan niya ang pinto ng Hi-Lux at bumaba.

All-Time Favorite: El ParaisoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon