Chapter Eleven

1.3K 28 0
                                    


NORIEN gave her a long look. Nasa anyo nito ang pag-aatubili. Pagkuwa'y, "Well, I might as well tell you the whole story. Kung mahigit isang linggo ka pang mananatili rito sa cottage ay malalaman mo rin naman mula sa ibang mga tagarito na makakausap mo." Tinungo nito ang bamboo bench at naupo na tila ba gugugol ng mahabang oras ang sasabihin nito.

Michelle held her breath. Sinikap niyang huwag makita sa mukha niya ang excitement. But her knees were buckling. Tinungo niya ang hagdanan at naupo sa unang baitang.

"Mahigit nang tatlong buwan mula nang mawala si Harriet."

Kung hindi sa may dagat nakatingin si Norien habang nagsasalita ay malamang na nakita nito ang matinding pagkamangha sa mukha niya.

"A-ano ang ibig mong sabihing 'mula nang mawala'?"

"Sa mismong araw ng ikalimang taong anibersaryo ng kasal nila ni Mr. de Alegre ay umalis si Harriet at mula noon ay hindi pa siya bumabalik."

She was stunned. Nag-uunahan ang mga tanong sa isip niya. She opened her mouth to say something but couldn't find the right words. Kung may inaasahan man siyang marinig tungkol sa biological mother niya ay hindi ang ganito.

"Virgilio was devastated," patuloy nito kasabay ng malalim na paghinga. "Tatlong buwan na itong walang humpay sa pagparoo't parito sa Maynila at karatig-lugar upang hanapin ang asawa subalit parang bulang biglang naglaho si Harriet."

"M-Mrs. de Alegre left her husband?" For another man? she thought sourly.

"Kung ang ibig mong sabihin ay kung sinadyang iwan ni Mrs. de Alegre ang asawa niya at sumama sa ibang lalaki," Norien said as if reading her thoughts, "ay walang makapagsabi. Pero hindi ako, o ng kahit na sinong nakakakilala sa kanya, ang naniniwalang gagawin ni Harriet iyon. She'd loved her husband to distraction."

"So... what happened?"

"Hanggang ngayon ay isa pa ring malaking palaisipan ang pagkawala ni Mrs. de Alegre.

Maliban sa suot niya nang araw na iyon ay wala itong dala kahit na ano."

"H-hindi ba ipinahanap ni Mr. de Alegre ang asawa niya?"

"Investigators were hired. Just a few days ago, Adrian went to Manila to hire a new bunch of investigators. Mga bagong imbestigador na kahalili ng dati na walang mai-report. Nonstop ang paghahanap kay Mrs. de Alegre at nakahandang magbayad kahit magkano si Virgilio sa makapagtutukoy sa asawa niya, buhay o patay. Araw-araw ang anunsiyo sa mga peryodiko sa nakalipas na tatlong buwan."

She closed her eyes tightly. Sinisikap alalahanin ang mga artikulo sa peryodikong binasa ni Emma nang araw na iyon na atakehin ito. Ngayon niya naalala na hindi kailanman nagbabasa ng peryodiko si Emma. Ayon sa ina ay puro patayan at krimen lang naman ang laman niyon. Now she realized it was because of what happened to her many years ago.

Pero nang araw na iyon ay nagkataong nakalatag ang peryodiko sa mesa at marahil ay may nakita itong naging dahilan upang atakehin.

Hindi kaya ang anunsiyo sa pagkawala ni Harriet ang dahilan ng atake ni Emma? She would never know that now.

"Are you all right?" nababahalang tanong ni Norien.

Her eyes snapped open. Umiling. "Nagbabadyang sumumpong ang migraine ko. But it's okay. Ituloy mo ang sinasabi mo." "Sa una'y inisip ni Virgilio na nagtungo lang si Harriet sa Maynila tulad ng lagi nitong ginagawa. Halos buwan-buwan na nagtutungo sa Maynila si Harriet."

"Why?" wala sa loob niyang tanong. "I mean, bakit madalas siyang magtungo sa Maynila?"

Nagkibit ito ng mga balikat. "Oh, shopping most probably." She shrugged her shoulders. "Who knows. Baka dinadalaw kaya ang mga dating kaibigan doon."

All-Time Favorite: El ParaisoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora