Chapter 2

462 7 0
                                    

Berniz POV

Nandito na kami sa mansion naming mga magkakaibigan. And yes may mansion kami na nanggaling sa sarili naming pera......At ngayon eto kami nag hahanda papunta sa mall na pagmamay-ari ng pamilya ni Queen (Rixialyn). Well pupunta kami dun para bumili ng mga school supplies namin dahil bukas na ang first day of school sa ANGELS UNIVERSITY na pagmamay ari naming apat. Shhhhh lang kayu ha....kasi secret lang namin na kami ang may ari ng university na yun eh....ayaw kasi ni Lead ipaalam eh...

"hey ready na ba kayoooo???" excited na tanong ni Celline. Psh! basta mall ang pupuntahan hindi niya inaayawan.....eh ano pa bang aasahan ko? si Celline Kloe Alfred kaya yan.

"Wow naman Celline. Kami pa talaga ang tinanong mo ha! eh kanina pa kami naghihintay sayo dito eh......kamusta ka naman?" pamimilosopo ko. 'Akala mo naman gaganda pa, pakiss siya sa prince charming niya para mag mukhang prinsesa siya! ewww FROG!!'

"SINONG FROG!!!!????" sigaw niya. Duhh..sino pa ba edi siya di pa ba obvious?..

"Edi ikaw!!" haha ang sarap niyang asarin ang bilis magalit.

"uugghh! iniistress mo ang beauty ko eh! diyan ka na nga!" ano daw?? beauty niya? bakit di ako nainform na may ganon pala siya? grabe sa buong buhay ko akala ko PANGET siya!

"Hoy ikaw Berniz! hindi ko gusto ang tabas ng utak mo ah!" she said. Why? nagsasabi lang naman ako ng totoo ha?

"ahh ganon----"

"shut up and let's go!" putol ni Marianne sa sasabihin ni Celline at umalis na silang dalawa ni queen. Yan! buti nga sakanya. Feeling maganda kasi!

'be ready Berniz' sabi ni celline sa isip ko.
Tsk! nakipag telepath pa siya..

'okay' pang iinis ko sakanya at nilagpasan na siya..Masanay na kayo saamin guys. Ganyan kami araw-araw nag aasaran pero mahal namin ang isa't isa....Ang sarap niya kasing inisin eh kasi short tempered lang siya. Haha!!

Marianne POV

Before anything else, i would like to introduce myself to all of you. Im Marianne Marie Lustre, 17 years of existence and my power is earth.

Nandito na kami sa mall at alam ko na alam niyo na kung kanino itong mall na ito kaya no need to explain tamad ako eh.

Pumasok na kami sa loob ng mall and as usual nagsisiyukuan nanaman ang mga staff dito para sa pagpapakita ng paggalang. Dumiretso na kami sa bilihan ng mga school supplies dahil yun lang naman ang pinunta namin dito.

"Good afternoon young ladies!" masiglang bati ng mga sales lady dito. Tinanguan lang ni Rixia ang mga bumati. Hindi naman masyadong bastos itong si Rixia noh! kahit papaano may manners din yan.

"Good afternoon lady Rixialyn, how can i help you all?" tanong ng manager nitong store nato.

"ahmmmm hehe wag mo nang tanungin yan, di ka rin niyan sasagutin, promise" sabat ni Berniz. Sinamaan naman siya ng tingin ni Rixia.

"bibili lang naman kami ng school supplies eh. Pwede mo ba kaming tulungan?" maarteng sabi ni Celline.

"of course lady Celline.." magalang na sabi ni miss Kate (manager ng store) sabay yuko.

Bumili na kami ng mga kailangan namin at gaya nga ng sabi ni miss Kate eh tinulungan niya kami sa pagpili at pagbuhat ng mga pinamili namin.

Pagkatapos ng pamimili ay pauwi na sana kami ng biglang magreklamo si Berniz.

"eyyyy gurls I'm already hungry, hindi muna ba tayo kakain?" tsk! kakakain lang namin kanina, gutom nanaman siya.

"sa mansion nalang Berniz, ako magluluto" presinta ni Celline. Wala kasi kaming maid dun sa mansion eh pero guard meron.

"ihhh! ayoko nga, baka mamaya may lason pa yun!" reklamo niya

"alam mo, puro ka reklamo,kung ayaw mo edi wag kanang kumain." naaasar na sabi ni celline. 'Para naman mabawasan yang taba mo,kain kasi ng kain!' basa ko sa isip ni celline. At sigurado akong nababasa rin yon ni Berniz.

"Hehh!!! anong mataba ka dyan. hindi kaya ko mataba noh sadyang malusog lang akong kumain!!" sigaw nya.

"Totoo naman kase ang takaw takaw mo. Kakakain lang natin kanina pagkaalis natin sa UG tapos gutom kana naman" iritang wika ni Celline.

"Hmmpppp! eh kasi nagugutom na naman ako ei" childish na dahilan naman ni Berniz. Ganyan talaga sila kapag gutom, nagiging childish. Lalo na si Berniz

"Lagi naman" bulong na sabi ni celline.

"That's enough! let's go home now to prepare our dinner!" cold kong sabat.

"wow haba nun ha? di ka ba napagod mukhang di ka kasi sanay eh." Berniz said. Hindi ko nalang sila pinansin kasi totoo naman eh.

Pumunta na kami sa parking lot nitong mall, at agad na hinanap ang Mercedes- Maybach Exelero na kotse namin na nagkakahalaga ng $ 8 million. Pumasok ako sa driver seat at siyempre sa passenger seat si Rixia habang ang dalawa ay sa backseat. Ng nakapwesto na ang lahat, pinaharurot ko na ito paalis.
.
.
.
.
.
.
(AT THE MANSION)

Ng makarating na kami sa mansion ay nagsibaba na sila habang ako pinark ang kotse sa garahe at pagkatapos nun pumasok na ako sa mansion.

"i'll cook" cold na presinta ni Rixia. Tumango naman kaming lahat bago siya umalis. Pabagsak naman akong umupo sa sofa dahil sa pagod. Grabe! kapagod tong araw na to ha!

"ahmm akyat muna ako sa kwarto ko ha...call me if the dinner is ready" sabi ni Berniz. Tumango naman ako habang si Celline ay nakapoker face.

"Bakit kaya di mo tawagin yang sarili mo! iuutos mo pa sa iba!" pag susungit ni Celline.

"ikaw ba kinakausap ko!?" sigaw ni Berniz

"eh sino kinakausap mo, multo!?" pamimilosopo ni Celline.

"Malamang si Marianne!" dagdag pa ni Berniz.

"asa ka naman na tatawagin ka niyan!" gatong naman ni celline. Sinamaan ko siya ng tingin kaya napa peace sign siya.

"go to your room. i'll call you later" sabat ko naman. Pero bago siya umalis ay binelatan niya muna si Celline.
.
.
.
.
(After 30 minutes)

"food is ready" malamig na sabi ni Rixia. Tumungo na kaming dalawa ni Celline sa dinning area at umupo na.

"di mo ba tatawagin muna si Berniz?" biglang tanong ni Celline. Wow! concern?
tumayo ako at pumunta sa kwarto ni Berniz.

*Tok* tok* tok*

Katok ko sa pinto. Di nagtagal ay bumukas narin ito.

"the dinner is ready" maikling sabi ko at umalis na. Naramdaman ko namang sumunod siya kaya no probs.

Pagbaba namin ay dumiretso na kami sa dinning area at sinimulan na ang pagkain ng tahimik.

*kringgg* kringgg* kringgg*
(Rixia's phone rangs)

Napatingin kami kay Rixia ng tumunog ang phone niya. Agad naman niya itong kinuha at sinagot. Nakita ko namang niloud speak niya ito kaya maririnig namin ang pag uusapan nila.

"...." Rixia

"[Queen , someones want to have a battle with Bloody Angels Gang]" sabi sa kabilang linya. Which is one of the councils in the gangster world.

"when?" Rixia asked.

"[Wednesday at 8:00 p.m, Queen]" sabi niya ulit.

"K" tipid na sagot ni Rixia. And she hang up the call. Then tumingin sya saamin na parang sinasabing 'be ready'. Tumango naman kaming tatlo bilang pag sang-ayon. Pinagpatuloy na namin ang pagkain hanggang sa matapos at nagsi akyatan sa kanya kanyang kwarto. Nagpresinta naman si Berniz na sya na daw ang bahala sa pinagkainan namin kaya nauna na kami.

Ginawa ko na ang Night routines ko then nahiga na sa queen size bed na kama ko. Unti unti naring bumibigat ang mga talukap ng mata ko kaya napagdesisyunan kong matulog na *yawn* good night readers....

The Long Lost Powerful Princess was the Gangster and Mafia Heiress Where stories live. Discover now