Continuation

94 0 0
                                    

Rixia's POV

Ano tong nasa harapan namin! Hulaan niyo kung ano.....Di joke lang! Ang dami kasing tao ang nakapalibot samin! May mga reporters at may mga....Sa tingin ko taga-hanga...Nakakasilaw na flash ng camera, nakakabinging sigawan, at maraming nag-uunahang malapitan kami! May mga bouncer namang pumipigil sakanila kaya hirap sila saming makalapit pero sadyang madami at malakas ang pwersa nila kaya nakatakbo at nakalapit sila samin!

"Tara na bilis!" Sigaw ko sa mga kaibigan ko kaya sabay-sabay kaming tumakbo  papasok ng mansion nila Sunshine Unnie! Hindi kasi pinasok yung van namin sa loob dahil walang garahe doon at puro damo, bulaklak, at halaman lang ang nandon dahil mahilig mag-alaga ang mommy nila Sunshine Unnie ng mga plants!   

Kaya walang garahe don sa loob dahil ayaw na ayaw ng mommy ni Sunshine Unnie na masira ang mga alaga niya
ng dahil sa gulong ng kotse....Kaya yung garahe nila eh nasa labas ng mansion....

Pagkapasok namin sa loob ay mabilis na sinara ni Marianne ang gate para wala ng makasunod pa samin! My goodness! Ang dami kaya nila! At tsaka, sino ba ang nagsabi na babalik kami dito sa korea!?

"Grabe naman kayo! Ang dami niyong fans ha!?" Airen said.

"Nakakahingal yun ah?" Ion..

"My gosh! Sikat talaga kayo mga besh!" Steph.

"Anong kami lang!? Hoy! Baka nakakalimutan mo!? Sikat din kayo!" Celline.

"Ayy oo nga pala! Ngayon na lang kasi ulit kami nakaranas ng ganon eh! Kaya nanibago kami haha!" Kyle.

"Oh!? Nandiyan na pala kayo eh! Masarap bang makipagrambulan sa mga fans niyo??? Haha!" Napatingin kami sa nagsalita at dun ko nakita si Abby na tumatawa kasabay sila Oppa, Unnie at Miracle! Kilala ko na kung sino ang nagkalat na babalik na kami dito!

"Abbygail Stanford! Ikaw ba ang nagsabi sa lahat na babalik na kami dito!? Ha!?" Galit na sigaw ko kaya napatigil sila sa pagtawa at napayuko!

"S-sorry na Ate couz! H-hindi ko naman sinasadyang m-masabi sakanila eh!" Nakangusong paumanhin niya na nag-puppy eyes pa!

"Pano mo sinabi?" Seryosong tanong ko kaya bagsak balikat siyang nagpaliwanag..

"Eh nung nasa airport kasi ako...Maraming nakakita sakin kaya vinideohan nila ako! Tapos nung makarating sa social media, sinugod ako tapos, tinanong ng kung ano-ano! Eh wala pa naman akong kasama nun para mapigilan sila! Edi sinagot ko nalang! Wala akong magawa non kasi pinalibutan nila ako!"

"Eh bakit kasi nauna ka!? At hindi ka pa talaga nagsama ng kahit sino ha!? Kahit isang assasins lang!?" Tanong ni Celline.

" *Huk* Sorry na nga eh! Huhu! *sobs* G-gusto ko lang namang matutuong m-magbyahe mag-isa eh! *sniff* Lagi nalang kasi a-akong binebeybi ni Daddy! L-lagi niya a-akong pinagbabawalan sa mga g-gusto ko! *sobs* Huhu! Ngayon nga lang ako magbabyahe m-mag-isa hindi niyo pa ako s-sinusuportahan! A-akala ko, kayo ang k-kakampi ko! Huhu!" Umiiyak na sabi niya kaya hinagod ko ang likuran niya at niyakap.

"Sshhh...Tahan na couz. Sige na! Sinusuportahan ka na namin! Mali parin kasi ang ginawa mo eh! Dapat nagpasama ka parin! Pano kung may nangyari sayong masama? Sinong magliligtas sayo??" Mahinahon nang tanong ko..

"Eh ate couz, kaya ko naman ang sarili ko eh! Ako pa nga ang tagapagmana ng Organization namin sa mafia diba?" Naka-pout na tanong niya. Ay siya nga pala. Kilala si Abby ng lahat ng mafia bilang tagapag-mana ng org. nila. Hindi niya tinatago ang mukha niya kaya kilala talaga siya.

"Oo nga...Pero masiyado ka pang bata Abby. Meron ka pang hindi nalalaman at kelangan pang malaman. We doing this for your own safety. Not for me and not for your daddy....It's only for you okay? Just listen  to your father okay cousin?" Tanong ko sa mapagsumamong paraan. Tumango siya kaya hinalikan ko siya sa noo at tinap ang ulo..

The Long Lost Powerful Princess was the Gangster and Mafia Heiress Where stories live. Discover now