Chapter 3

398 7 0
                                    

Rixia's POV

*KRRRRRIIIIINNNNNNGGGG*

Napabalikwas ako sa kama ko ng biglang tumunog ng malakas ang alarm clock ko.

"WHAT THE HELL!!!!!!" sigaw ko dahilan para magsitakbuhan sila papunta sa kwarto ko.

"bakit queen? anong meron? may magnanakaw ba? saan? dali saan at babalian ko ng buto yon!" Berniz.

"anong meron lead bakit ka sumigaw? may ipis ba ha! may ipis ba? saan? saan? waaaaahhhhhhh mommy may ipis help!!!" sigaw ni celline. Lintek na bunganga toh! ang sakit sa tenga!

"tsk!" alam niyo na kung sino yun. Sino pa ba edi si Marianne.

"queen sandali, kukunin ko lang yung baril ko!" Berniz.

"dyan ka lang lead ha! baka kagatin ka ng ipis! kukuha lang ako ng walis tambooo!!" tarantang sabi ni celline. Pffftt seriously? walis tambo? gangster siya tapos walis tambo panlaban niya? hahaha!!

"STOP!!!" sigaw ko at napapikit pa ako nun ha... Napatigil naman silang lahat dahil sa sigaw ko. Ang o-oa kasi eh!

"why queen/why lead?" sabay na tanong nila Berniz at Celline.

"Tsk!" asik ko. Ayaw ko kayang magpaliwanag. Tinatamad ako eh...haha de jowk. Ayaw ko lang talaga, di naman ako masyadong palasalita.

Umalis na ako dun at pumasok sa C.R para gawin ang morning routines ko... Narinig ko naman na sumarado ang pinto ng kwarto ko means umalis na sila.

Hayy salamat naman at umalis na sila....Uhmm guys medyo masanay na kayo na madaldal ako sa POV pero sa reality hindi.....haha ganun talaga ako

By the way nga pala......magpapakilala muna ako sa inyo.

Hi to all of you!! I'm Rixialyn Lesley Stanford, 17 years old, my power is Fire, Lightning, Air, Water, Earth/Nature, Metal and specially my strongest power GOLDEN SPECIAL.

And ohh...I already know about myself with the help of all the gods and godesses. Ganito kasi yan.....when i was 7 years old we met in my dreams and they told me all about myself that time. And they taught me how to use all my powers and abilities. Hindi na nila ako tinuruan kung paano makipag laban ng pisikal dahil my adopted parents already taught me how when I was 5 years old. Kaya no probs na tayo diyan, ang hinihintay ko nalang ang sabihin ng mg gods and goddesses kung kailan kami makakabalik sa immortal world. So, back to the story na tayo....yung iba, next time niyo nalang malalaman. Ganyan kasi kaming magkakaibigan masyadong mga misteryoso.

(Back to the story)

Natapos naakong maligo kaya sinuot ko na yung uniform namin sa AU (Angels University) kasi diba nga first day of school namin ngayon.

(A/N: hehe kayo nalang po mag imagine ng uniform nila kasi po mahirap ipaliwanag baka hindi niyo lang po maintindihan tnks.. :)

Pagkatapos kong mag ayos ay tinignan ko muna ang wall clock dito sa kwarto ko....6:45 a.m palang naman kaya hindi kami late, malalate palang dahil 7:30 pa naman ang umpisa ng klase. Agad na akong bumaba patungong living room at nakita ko naman silang busy sa mga cellphone nila. Tsk!

"let's go" tanging lumabas sa bibig ko.

"ahhh queen, hindi ba muna tayo magbebreakfast? gutom na ako eh..." ani Berniz sabay himas sa tyan.

"kailan ka ba hindi nagutom?" bulong ni Celline na rinig na rinig naman.

"tse! tumahimik ka nga!.......queen please.." pagmamaka awa niya tapos nagpuppy eyes pa at nag pout.

"YUCK!! Berniz, wag ka ngang magpout di bagay sayo! mukha kang duck!" singhal ni Celline. Hayyysss eto nanaman sila..

"wag ka ngang mange alam! di ikaw ang kinakausap ko kaya shut up!!" Berniz shouted. Ugghh! ngayon pa ba sila mag aasaran kung kailan malalate na kami...?

The Long Lost Powerful Princess was the Gangster and Mafia Heiress Where stories live. Discover now