Chapter 6

282 4 0
                                    

Berniz POV

Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa kusina...

Yung parang may naghahaluhog..

Bumangon ako sa kama ko at tinignan ang alarm clock ko sa bedside table ko..

Laking gulat ko nalang dahil sa nakita ko...Sino ba naman ang hindi magugulat eh ang aga-aga pa...2:47 a.m palang tapos may ingay na sa kusina??

Imposible namang si Marianne or Celline yun dahil hindi naman nila ugaling gumising ng ganito kaaga at tsaka pagod din kami kagabi dahil sa battle.....Ahmmm baka si Queen lang...

Pero ang alam ko kapag nagising siya at alam niyang natutulog pa kami ay hindi siya gumagawa ng ingay....

Hindi naman din pwedeng magnanakaw yun dahil may guards parin kaming nagbabantay at isa pa may inaactivate lagi si Queenn na lazer sa bawat bakod namin..

May CCTV Camera din kami bawat sulok ng mansion na ito...at pag may nahagilap ang cctv na yun na hindi pamilyar na tao o hayop ay agad-agad itong maglalabas ng lazer at ipapatama sa tao na yun....

Wala naman kaming maids dito...imposible din na ang mga guards ang nagiingay sa kusina dahil alam na nila ang mangyayari sakanila...

Di kaya...............Oh no!!!!!

Nagmadali akong tumayo at binuksan agad ang pinto ng kwarto ko kasabay ng pagbukas ng pinto ni Celline na halatang alam na rin ang nangyayari sa baba...

Bumukas rin ang pinto nila Marianne at Queen na walang mababakas na emosyon.

Nauna ng bumaba si queen kaya sumunod na kami sakaniya...
.
.
Huminto kami sa kalagitnaan ng pagbaba.

Tumingin si queen kay Marianne na para bang nagtetelepath sila??

Di nagtagal ay tumango si Marianne at pumikit... Nakita ko namang kumuyom ang kamao niya at kumunot ang noo....

Pagkadilat niya ng mata ang siyang pagkagulat namin...maliban kay queen na ngumisi lang.

Grabeh besh!!!! Nakakatakot ang mata niya...Naging pula ang mata niya pero di nagtagal ay bumalik na din sa pagiging itim..

"Darkians" walang emosyong sabi niya..

"Anoo!!!----" Tinakpan ko ang bibig ni Celline dahil sa lakas ng boses niya.

"Tumahimik ka..baka marinig nila tayo" bulong ko sakaniya. Tumango siya kaya tinanggal ko na ang kamay ko sa bibig niya.

Nagulat naman ako ng hinila kaming tatlo ni queen sa isang pader at saka doon nagtago.

"Tsk!" asik niya ng makatago na kami.

Sumilip ako sa likod nitong pader at nanlaki ang mata ko ng makita ko ang dalawang babae at tatlong lalake na para bang may hinahanap...

Lahat sila nakaitim yung dalawang babae ang hahaba ng itim na buhok tapos straight na straight pa. Nakasuot sila ng Black t-shirt at mini skirt na black, tapos may leather boots din na black ang color...

May kapa na itim na hangang paa at may lipstick na itim din...

Yung sa mga lalake naman ay black t-shirt, black slacks, at black shoes. May kapa din sila na black tapos may eye liner na black. At pansin ko lang ha.....May tattoo sila na malaking itim na dragon sa braso...Ayyyy naku! Confirm! Mga darkians nga sila..Pano ko nalaman?? Eh yung tattoo palang eh halata na...tapos yung suot nila puro itim pati yung kapa itim..Isipin mo nga, meron bang matinong tao dito sa mortal world na magkakapa ng ganyan??? Parang nasiraan lang ng bait? Ganon?

"Stop thinking nonsense Spirit!" madiing sabi ni Queen kaya nabalik ako sa wisyo..

Tinignan ko silang lahat at nagulantang naman ako ng nakikipaglaban na sila sa mga darkians...Naku naman kasi Berniz eh!!!

The Long Lost Powerful Princess was the Gangster and Mafia Heiress Where stories live. Discover now