Chapter 13

424 18 7
                                    

Reichelle's POV

Nandito kami sa Dorm namin habang nanonood ng T.V. Kung nagtataka kayo dahil may mga gadgets at iba pa dito like t.v. Yun ay dahil meron din dito sa immortal world ng electricity. Mas malakas pa nga dito eh. Lalo na yung internet? Hehe! At lahat ng iyon ay galing sa Lightning Kingdom.

"Bwahahahahahahahahahahahahahaha!!" Tawanan nila dahil comedy ang pinapanood namin. Pero syempre! Mga immortal parin ang uma-acting..

"Hahahahaha nakita niyo yun!? Hahaha lampa!! Hahaha!" Tatawa-tawang tanong ni Ivan.

"Hahaha oo nga!! Parang ikaw! Hahahahaha!!" Natigilan naman sila sa pagtawa dahil sa sinabi ni Sirene. Napatingin ang lahat sakaniya at natawa ulit! Pero ako......lutang!

Iniisip ko si Lesley. Ewan ko ba! Pilit kong binabasa ang nasa loob ng utak niya pero.....Bakit ganon? Hindi ko magawa? Nakakapagtaka lang...

At ang isa pang nakakapagtaka eh bakit ganon nalang ang nararamdamam ko sakaniya? Feeling ko kasi.....matagal ko na siyang kilala? Yung parang nagkakilala na kami pero hindi ko lang matandaan ang pangalan niya? Tapos parang natutuwa pa ako na nakikita ko siya. Nag-alala pa nga ako nung makita ko siyang sakal-sakal ang mean girls eh! Ang weird! Hindi ko maintindihan! Ang sarap sa pakiramdam kapag nakikita ko siyang okay kahit walang emosyon ang itsura niya..

"Ate Rei!!" Nagulantang ako ng sabay-sabay nilang sinigaw ang pangalan ko.

"A-ah b-bakit?" Utal kong tanong.

"Ano bang nangyayari sayo bes!? Kanina ka pa namin tinatawag dahil tapos na ang palabas! Tapos eto ka namang parang si astronaut na nakalutang sa kalawakan!" Inis na saad ni Airen.

"Ha? Eh kasi......May naalala lang" Pagdadahilan ko.

"Who?" Biglang singit ni Thunder. Napatingin naman sakaniya ang lahat. Salubong ang kilay niya at kunot ang noo. Pero cold parin ang mukha.

"Ah w-wala yun! S-sige na. Halina kayo matulog na tayo.." Sagot ko nalang dahilan para mapunta naman sakin ang atensyon nila. Nginitian ko naman sila pero hindi nawala ang pagtataka sa mukha nila.

"Sabihin mo nga samin Ate Rei. Anong problema??" Nag-aalalang tanong ni Sirene.

"Rei, sabihin mo na samin. Kasi, kanina ka pa namin napapansing lutang eh. Oh diba? Ang talino talaga ng gwapong ako?" Pagmamayabang ni Nathan kaya binatukan siya ni Eathan.

"Puro pangarap nasa utak mo! Hindi naman natutupad!" Sabi pa ni Eathan.

"Hoy! Tumahimik na nga kayo! Si Rei ang intindihin niyo!" Sigaw naman ni Ivan.

"Ano bang problema Ate?" Takang tanong ni Ion.

Bumuntong hininga na muna ako. Hindi naman siguro masamang mag-share ng iniisip diba?

"N-nagtataka lang kasi ako eh. Si Lesley, hindi ko mabasa ang isip. Kahit anong gawin ko, laepek parin" Paliwanag ko.

"Hmmmm ako rin! Hindi ko mabasa isip nun!" Airen..

"Kaya nga!" Nathan.

"Bakit kaya??" Taka ring tanong ni Windy. Nagkibit-balikat naman kami.

"Ayy teka teka! May nabasa ako sa library eh. Ang sabi daw..........Kapag hindi mo mabasa ang isip ng isang immortal, ang ibig daw sabihin non ay ang kanyang mga magulang ay dating immortal na nawalan lamang ng kapangyarihan kaya naging mortal! O di kaya.....Isa talaga siyang mortal pero binigyan siya ng kapangyarihan ng diyos at diyosa.." Mahabang paliwanag ni Sirene.

"Edi malakas at makapangyarihan din si Lesley dahil galing sa mga gods and godesses ang powers niya?? Edi dapat isa siyang royalties?" Takang tanong din ni Ion.

The Long Lost Powerful Princess was the Gangster and Mafia Heiress Where stories live. Discover now