Chapter 17

71 3 0
                                    

Rixia's POV

Katatapos ko lang ayusin ang mga cctv ng mansion at sa ngayon ay naka-upo ako sa sofa dito sa salas. Sobrang nakakapagod!

 
Inihiga ko ang batok ko sa sandalan ng sofa na toh kaya medyo narelax ako. Ipinikit ko ang mga mata ko dahil damang-dama ko parin ang pagod! Hindi pa naman masyadong malalim ang gabi. Siguro mga nasa 8 p.m palang?

Naramdaman kong lumubog ang sofa kaya alam kong may umupo sa tabi ko. Iminulat ko ang mga mata ko at saka tinignan kung sino yun pero nagulat ako sa loob-loob ko dahil hindi ko akalain na si Caspher yun!

Nginitian niya ako kaya nginitian ko din siya...AWKWARD!!!

"Anong ginagawa mo dito? At isa pa.....Bumait ka ata sakin ah?" Nakangiting tanong ko na itinatago ang pagka-ilang.

"Alam mo.....Sobrang nagalit talaga ako sayo nung malaman kong ikaw ang dahilan kaya kami nagkahiwalay ni Sophia. At ang mas malala pa eh kriminal ka pa" Paliwanag niya habang deretchong nakatingin sakin.

"H-hindi naman ako k-kriminal eh" Sabi ko habang umiiwas sa mga tingin niyang nakakatunaw!!!

"Alam ko" Biglang sabi niya kaya napatingin ako sakaniya na ngayon ay nakatingin naman sa kawalan!

"What do you mean?" Takang tanong ko.

"Alam kong hindi ka kriminal Lesley. Alam kong mabuti kang anak at kaibigan. Nung una nalilito parin ako siyempre. Pero nung marinig ko ang mga sinabi mo kanina? Kitang-kita ko sayo ang pagka-totoo. At nung makita ko ang ginawa mong kabutihan sa kaaway mo? Nakita ko sayo ang pag-aalala. Namangha ako sa mga inasal mong yon" Nakangiting paliwanag niya.

"Hindi naman kasi sa lahat eh masama ako. Oo. Cold and no expression girl ako. Pero hindi ibig-sabihin non ay wala na akong awa sa mga inosenteng tao" Sabi ko din habang nakatingin sa tinitignan niyang kung saan!

"Napakabuti mo Lesley" Nagulat ako ng bigla siyang lumingon kaya napalingon din ako! Medyo malayo naman ang mukha namin sa isa't isa pero nagulat kami dahil nagtama ang mga paningin namin at pakiramdam ko ay nakuryente ako ng ilang beses! At inaamin kong bumilis ang tibok ng puso ko!!!

Iniiwas ko ang paningin ko sakaniya at saka ulit nagsalita.

"Kaya wag kang mang-husga agad ng iba kung wala ka namang patunay na may ginawa nga siyang masama. CASPHER" Pagdidiin ko sa pangalan niya kaya natawa siya.

"Haha! Opo! Sorry nga pala ah?" Sabi niya.

"Saan naman?" Tanong ko.

"Sa lahat ng mga pinag-sasabi ko sayo noon. Sorry" Kita ko ang sensiridad sakaniya kaya tinanguan ko siya.

"Apology accepted!" Masayang sabi ko habang nakathumbs-up! Hehe!

"Friends?" Tanong niya na inilahad pa ang kamay sakin. Iniabot ko naman iyon at sinabing.....

"Friends!"
.
.
*Fast Forward*
.
.
Nakabihis na ako ng pang-alis dahil nga pupunta kami ng ospital..

Nakasuot lang naman ako ngayon ng white rubber shoes, black t-shirt, black skinny jeans, at leather jacket.

Pagkababa ko sa salas ay nakita kong lahat sila ay nakatingin sakin. Halos lahat sila eh naka-pomal suit maliban kay Marianne na walang emosyon ang mukha. Wala na din kasing expression ang mukha ko eh...

"Seriously lead!? Yan ang isusuot mo!? Aba't sa Underground ka nalang pumunta!" Sigaw ni Celline sakin.

"Hindi ka ba naiinitan sa suot mong yan Lesley?" Tanong sakin ni Ate Rei.

"Oo nga! Tignan mo oh! Para kang timang!" Sabi naman ni Sirene.

"Pagkakamalan ka pa ng mga pasyente niyang sindikato" Sabat ni Michael.

The Long Lost Powerful Princess was the Gangster and Mafia Heiress Where stories live. Discover now