Chapter 29

33 1 0
                                    

Reichelle's POV

"I'm super excited para mamaya mom and dad!" Masayang sigaw ng kapatid ko habang inaayusan siya ni mommy. Nakaupo lang ako dito sa mahabang sofa katabi si dad.

"Natutuwa kami ng dad mo dahil nandito ka na anak.....Sobrang nagagalak kami dahil sa wakas ay makukumpleto na tayo...." Malapad ang ngiting sabi ni mom.

"Maghanda kayo mga anak. Mamaya ay pupunta dito ang mga lolo at lola niyo para makilala si Rixialyn...." Dad.

"Talaga!? Makikilala ko na ang grandparents ko!?" Masaya ulit na sigaw ni Rixialyn pero nawala ang mga ngiti ko ng sabihin niyang 'Grandparents KO'. Ang totoo niyan....Nalulungkot ako dahil hindi niya ako kinakausap. Bihira niya lang akong kausapin twing may gusto siya o may hiling siya sakin. Parang hangin nalang ako sakaniya. Pero di bale, ayos lang naman....Kaya ko namang tiisin. Kapatid ko parin siya.

"A-ah anak.......Grandparents NINYO ni ate Rei mo" Pagtatama ni mom kaya sakin nabaling ang tingin ng kapatid ko. Nginitian ko lang siya ng matamis.

"Okay..." Sabi lang ni Rixialyn at nanahimik na. Napabuntong-hining nalang ako. Siguro nagalit siya sakin dahil iniwan ko siya sa gubat...Tanggap ko naman yung galit niya. Pero hindi ko parin maiwasang masaktan.

"U-una na po ako mom, dad. Mag-aayos narin po ako ng sarili" Paalam ko at naglakad na palapit sa pinto ng biglang magsalita si mom.

"Aayusan na din kita---"

"No mom. Ang kapatid ko nalang po ang ayusan mo. Kaya ko naman po" Nakangiti kong sabi bago yumuko at lumabas ng kwarto.

Nakatungo kong tinahak ang hallway patungong kwarto ko. Nang bigla kong makasalubong ang iba pang prinsipe at prinsesa kaya napa-angat ako ng tingin.

"Oh bakit parang malungkot ka ata bes?" Tanong sakin ni Airen.

"Wala..Ayos lang ako" Sagot ko.

"Alam na namin yan Rei....Hindi ka nanaman ba pinapansin ng kapatid mo?" Eathan. Huminga na muna ako ng malalim bago tumango ng dahan-dahan.

"Nagkatampuhan ba kayo?" Sirene.

"H-hindi naman" Agad na sagot ko.

"Eh bakit parang bad na si princess Rixialyn? Huhu!" Parang umiiyak na sabi ni Windy. Yun bang childish?

"Wag mo ngang sabihing bad ang prinsesa!" Eathan.

"Oo na!" Windy.

"Dear, wag mo nang intindihin yun okay? Mag-ayos ka na dahil one hour nalang at mag-uumpisa na ang pagpapakilala sa kapatid mo" Sabi sakin ni Thunder at nginitian ako ng matamis. Hinalikan niya ako sa noo kaya napangiti din ako. Ang sweet-sweet talaga ng Dear ko..Nga pala, ang endearment namin ay DEAR. Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa utak niya at yun pa ang naisip niyang endearment namin..

"Uyyy!! Ang sweet nila!" Pang-aasar ni Ivan.

"Kayo ha!? Wag nga kayong magpa-inggit!" Airen.

"Palibhasa walang love life! Hahahaha!" Natawa kaming lahat sa sinabi ni Nathan maliban kay Caspher, Flame at Thunder. Cold kasi ang dear ko twing iba ang kausap niya. Pero pag ako naman ang kaharap niya, napaka-sweet niya na halos langgamin na kami!

Pero kahit na ganon, pakiramdam ko............May kulang parin.
.
.
Sophia's (Princess Lanie) POV

Pagkatapos kong utuin ang hari at reyna ay dumeretsyo na ako sa garden. Dun ko imi-meet ang kuya kong cold pa sa cold!

Pagkarating ko sa garden ay naghintay lang ako sa bench at nag-cross arms! Ang ayoko pa naman ay yung pinaghihintay ako! Pero baka mamatay pa ako pag siya ang pinaghintay ko! Tsk tsk tsk!

The Long Lost Powerful Princess was the Gangster and Mafia Heiress Where stories live. Discover now