Chapter 4

340 9 0
                                    

Rixia's POV

"Hayyyyyy.....salamat naman at uwian na. Nakakainip na kasi eh!" Kilala niyo naman na siguro kung sino ang reklamadora saamin diba???? Si Celline lang naman yun. Uwian na kase at tsaka totoo naman ang sinabi niya, nakakainip. Puro naman kami pakilala eh yung ibang teachers nagdidiscuss pag may time pa pero nakakaboring naman din ang tinuturo nila.

"Halina kayo queen. Gusto ko ng----"

"Kumain!!!" putol ni Celline sa sasabihin ni Berniz.

"Grabe ka naman, kumain agad? Hindi ba pwedeng magpahinga lang?" nakangusong sabi ni Berniz.

"Edi Wow!!" Celline at inikutan pa ng mata si Berniz. Tsk! ang taray niya talaga kahit kelan...

"Wag mo nga akong mataray tarayan diyan Celline ha!! Baka gusto mong dukutin ko yang mata mo!!" Inis na ani Berniz.

"Tsk! let's go!" Cold kong sabi sakanila saka nauna ng maglakad palabas ng room.

Nga pala..back to the cold and no expression na kami ni Marianne simula kanina.

Habang tumatawa kasi kami dahil sa Pasabog ni Marianne bigla nalang tumunog yung bell kaya back to the normal na ulit. Pero di ko ipagkakaila na nabitin ako sa tawanan naming apat nun. Sobrang saya namin kanina, pero alam ko naman na may darating pang araw na makakagawa ulit kami ng mga happy memmories namin.

Pagkarating namin sa parking lot sasakay na sana kami sa kotse namin ng biglang sumulpot ang Queen bee nila kasama ang tatlo niyang alipores.

"Hi Weaks!!!" bati ni Amber yung queen bee nila dito.

"Ahmm sorry miss hindi po namin kailangan ng mga clowns. Try niyo nalang po sa iba baka kailangan nila kayo sa birthday party ng mga bata. At para narin may pakinabang naman yang mga nakalagay sa mukha niyo ha?" pagsusungit ni Celline.

"Shut up!!!" sigaw ni Ericka ba ito??? yung hindi pamilyar sakin kanina.

"At sino ka naman para utusan kami?" Nakisawsaw pa si Berniz......

"Hindi niyo pa rin ba naiintindihan na ako ang queen bee dito!?" sigaw ni Amber.

"Amber right?........Alam mo Amber, saamin walang rereyna reyna. Kaya kung ako sayo, umalis ka nalang sa harap namin kasi baka hindi ako makapagpigil at masaktan ko kayo ng di oras..." mahinahong paliwanag ni Celline habang naniningkit ang mga mata.

"Ito ang tatandaan niyo mga weak. WE. ARE. NOT. YET. DONE!!" madiing sabi ni Amber.

"okay...." pang iinis pa ni Celline sabay talikod ng marahas kaya natamaan si Amber sa mukha ng buhok niya. Nagpigil naman ng tawa si Berniz dahil sa mukha ni Amber ngayon. Mukha na siyang sasabog na bulkan ano mang oras.

Iniwanan na namin sila doon ng nakatunganga at pumasok na ako sa front seat and as usual nasa driver seat nanaman si Marianne at yung dalawa nasa likod nag tatawanan dahil sa mukha ng Amber na yon pati yung mga kasama niya. Haha parang ako din gusto ko ng matawa. Ganun lang ba sila kabilis magalit???

After meanwhile nakarating na kami sa mansion. Pinagbuksan kami ng gate nung guard namin saka pinasok na ni Marianne ang kotse sa garahe. Lumabas na kaming apat sa kotse at sinalubong naman kami ng butler nila mom and dad na si Butler Jun. Si butler Jun ay matipunong lalake, matapat, mabait, may itsura naman din at higit sa lahat ang pinakagusto namin sa mga butler ay yung magaling sumabak sa laban.

"Good afternoon young ladies" bati niya sabay yuko.

"Oh butler jun, bakit ka naparito?? May sasabihin ka ba??" Berniz asked.

"Meron po lady Berniz..." Butler Jun.

"What's that?" walang emosyon kong tanong.

"Pinapatawag po kayong apat nila Madam Trixie at ni Master Jerome sa mansion po ninyo lady Rixialyn" magalang nitong sabi. Huh? sina mom and dad, pinapatawag kami sa mansion namin? But why?

The Long Lost Powerful Princess was the Gangster and Mafia Heiress Onde histórias criam vida. Descubra agora