Chapter 9

268 9 0
                                    

Rixia's POV

Nag-aasikaso na kami ngayon dito sa mansion naming mga magkakaibigan. Aalis na nga kasi kami diba.....

Oo masaya kami na makakabalik na kami sa pinanggalingan namin. Pero at the same time malungkot. Kasi may maiiwanan kami dito eh. Kung pwede ko lang talaga silang isama, pero alam ko namang hindi pwede eh....Hayyss..

Bumaba na ako ng makita kong ayos na ang dalawang maleta ko at black backpack. Nagpalit na ako ng suot siyempre....Alangan namang pumunta akong Immortal World ng nakagown diba??

Okay......nakasuot lang ako ng plain white t-shirt. Naka maong na pantalon at white rubber shoes. Sooooo okay na lahat!

Bumaba na ako papuntang salas at tumpak! Ako nalang ang hinihintay! Sabi na eh...

Lumabas na kaming magkakaibigan ng mansyon ng tahimik. Pagkalabas namin ay nakita agad namin yung Rolls-Royce Sweptail nila mom and dad. $12.8 M. naman ang halaga. Pero hindi kami ang sasakay diyan. Dahil itong mga dala namin. Si Butler Jun ang magdadrive ng kotse samantalang kami ay nakamotorbike.

Alam kasi nila Marianne kung saan yung Forest daw kung saan yung puno ng lagusan. Kaya susundan nalang nami sila ni Butler Jun.

Ipinasok na ni Butler yung mga bagahe namin sa kotse at kami naman? Hinanda na ang mga motorbike namin. Yung kay Celline ay ang Icon Sheene niya. $172, 000 Ang halaga. Kay Berniz naman na yung Legendary British Vintage Black niya. Na ang halaga ay $400,000. Si Marianne ay ang Ecosse ES1 Spirit. At ang halaga naman nun ay, $ 3.6 M. At ako siyempre.....Ang aking Neiman Marcus Limited Edition Fighter ko. Na nagkakahalaga naman ng $ 11M. Nice!

Unang umalis si Marianne, sunod si Berniz, si Celline, Ako at si Butler Jun. Pinaharurot namin yung motorbike namin ng napakabilis. Haha naiwan nga si Butler Jun eh. Pero alam naman naming nakakasunod siya...

Sinundan lang namin ni Butler sila Marianne hanggang makarating kami sa forest na tinutukoy nila. Bumaba kami sa motorbike namin kasabay ng pagbaba ni Butler Jun. Nandito lang kami sa may kalsada na walang ni isang sasakyan ang dumadaan. Parang once in  the blue moon lang ito nadadaanan eh.. Tahimik, madilim, at nakakatakot! Grrr.. Pero siyempre joke lang yun. Hindi ako natatakot noh! Baka kapag yung ibang tao ang pumunta dito ay manigas na sa takot...haha.

"Ah-ah y-young ladies....D-dito ba t-talaga ang p-punta niyo?" Nanginginig na tanong saamin ni Butler Jun. Tinanguan namin siya kaya lalo siyang nanginig. Lalake ba talaga toh!?

"Bakit po? natatakot ka po ba butler Jun?" Takang tanong ni Berniz.

"Ah-eh h-hindi naman po s-sa ganon. K-kasi po m-may Phobia po kasi ako sa d-dilim eh" Nanginginig paring tugon niya.

"Ahhhh ganon po ba? Sige po kukunin nalang po muna namin yung mga gamit sa kotse para makaalis ka na po. Baka himatayin ka pa po dito eh. Hehe.." Natatawang sabi ni Celline...

"Eh? D-dito po t-talaga ang punta n-niyo? B-baka po mamaya m-mapahamak kayo d-dito.." Nag-aalalang sabi samin ni Butler..

"Ahmm hihintayin po namin dito yung mga friends namin. Kaya wag na po kayong mag-alala okay? Sige po Butler Jun. Kunin na natin yung mga bagahe.." Pagdadahilan ni Berniz. Tumango nalang si Butler kahit nagtataka parin..

Kinuha namin yung mga gamit namin sa kotse at pagkatapos nun ay umalis na si Butler Jun.

"Hayyy akala ko buking na tayo ehh" Celline.

"Ang sabihin mo, magaling talaga akong magdahilan. Tsk! Halina nga kayo!" Berniz said tapos kinuha na niya yung mga bagahe niya...

Umalis na kami doon at sinimulan ng tahakin ang gubat. Ang sabi saakin ni Marianne kanina ay malapit lang naman daw dito yung puno ng lagusan..

The Long Lost Powerful Princess was the Gangster and Mafia Heiress Where stories live. Discover now