Chapter 16

68 1 0
                                    

Marianne POV

Bumalik na si Xyrex dito sa salas na parang sobrang saya. Sobrang lapad ng ngiti niya eh!

"Oh dre! Nasan na si Jane? Lapad ng ngiti natin diyan ah! Parehas na tuloy tayong gwapo!" Biglang sabi ni Nathan..

"Ang hangin mo!..Nagtapon lang ng basura si Jane" Xyrex said.

"Eh bakit ang tagal naman ata niya?" Nagtatakang sabi ni Eathan.

Napatingin ako sa bintana matapos niyang sabihin iyon. Nagbabaka-sakaling makita ko si Berniz........pero, iba ang nakita ko! Tatlong anino sa may puno!?

Napatayo ako sa gulat ng dahil sa nakita ko! Alam kong nagulat ang royalties sa inasta kong iyon! Eh anong magagawa ko kung isa sa abilities ko ang sharp eyes?

Agad-agad akong tumakbo papalabas dahil iba talaga ang pakiramdam ko!

"Ah eh guys, dito na muna kayo ha? Susundan ko lang yun" Rinig ko pang sabi ni Celline. Naramdaman ko namang sumunod nga siya sakin!

Pagkalabas ko ng mansion ay nakita ko agad si Berniz na nakatingin din sa puno kung saan may tatlong anino! Nagtataka ang mukha niya na ewan!

"Berniz! Nandito ka lang pala! At bakit nandiyan ka pa!? Tara na don sa loob!" Sabi ni Celline.

Inalis ko na ang paningin ko kay Berniz at tinitigan ko nalang ang puno na ngayon ay may mga anino parin na gumagalaw! Pinanliitan ko ng mata ang punong yun para makita ko pa lalo pero nakakasilaw talaga ang liwanag na nanggagaling sa araw!

Isang saglit pa ay may nakita akong kamay na lumampas sa pagkakatago sa punong iyon at sobra sobra talaga ang gulat ko ng makita ko ang half agila at half paniki na tattoo doon!

SILA ANG MGA TAGA- BLACK ORGANIZATION NA MORTAL NA KAAWAY NG MAFIA NAMIN!!!!!

May tattoo din ang mga taga-Devangels Org. at yun ay ang espadang may pakpak at may dalawang sungay na nakalagay sa tagiliran ng tao. Pero kaming apat, eh wala nang tattoo dahil may singsing naman kami at kwintas diba? Pero wag na muna nating isipin yan! May kalaban dito eh!

'This can't be!' Sigaw ko sa isip ko!

"Bakit!? Anong this can't be---this can't be ka diyan!? Ano bang tinitigan niyo diy---- O MY GOD!!" Gulat na sabi ni Celline habang nakahawak ang dalawang kamay niya sa bibig!

Nagkatinginan kaming tatlo na halata na ang kaba sa mukha namin! Hindi kami kinakabahan ng dahil lang sa may kalaban kami! Kinakabahan kami dahil baka malaman na ng royalties ang katotohan lalo na't isa ring mafia sila Caspher!

Alam ko ang tunay na katauhan ni Caspher at kami lang ni Rixia ang nakakaalam non! Pero ang pagiging mafia nilang apat ay alam na naming mga magkakaibigan. May darkest hidden secret kasi si Caspher eh. Pero nextime na yan hehe!

"Tatawagan ko si Rixia" Sabi ko saka lumayo sakanila ng kaunti.

Dinial ko na ang number niya at nilagay ang cellphone sa tenga ko habang nakapamewang ang isa ko pang kamay.

("What do you need Marianne") Cold na sagot niya!

"Look Rixia! We're have a problem!" Sagot ko.

("What's that") Tamad na tanong niya pa.

"Where are you now?" Tanong ko.

("In my restaurant. Why?") Cold paring sagot niya!

"Please Rixia! Come back here! We need you!" Nagmamaka-awang sabi ko.

("W-why!? What's the matter Marianne?") Nag-aalala naring tanong niya. Huminga na muna ako ng malalim bago sumagot.

"Our enemies are going to attack us! They are hidding from now but i know that-----" Hindi ko na natapos pa ang pagsasalita ng bigla niyang pinatay ang tawag! Kainis!

The Long Lost Powerful Princess was the Gangster and Mafia Heiress Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang