PBTYML (season 2) Episode 33

491 20 4
                                    

~Evelyn Eva Kyla POV~

P*tang*na ang sakit sakit ng paa ko gusto kung umiiyak nang malakas dahil sa sakit, gusto kung magmura nang magmura habang sumigaw dahil sobrang sakit ng sugat ko. Kaya lang limang batok at dalawang kirot sa tagiliran na ang natanggap ko mula sa aking napakabait na ina.

Napaka ingay na naman niya galit na galit pa sa akin dahil napaka tigas daw nang ulo ko,  tang*na talaga.

"Sege magmura kapa isa nalang Evelyn Eva Kyla, isa nalang"banta pa ni nanay sa akin habang maingat na ginagamot ni itay ang sugat ko sa paa,  si nanay yung kumuha nang bala sa paa ko at dahil gigil o galit si nanay ay mas lalo akong nagmumura sa sakit dahil didiinan niya yung sugat ko kapag narinig niya akong magmura sa harap niya, buti nalng napakabait ni tatay sa akin kaya maingat niyang ginamot ang sugat ko, pero masakit parin talaga. Tahimik nalang akong nagmura sa isipan ko dahil masakit mamalo iyang magaling at napakabait kung ina,  napaka supportive grabe.

"Ano? sasagot ka? papakainin kita nang napaka anghang na sili yang bunganga mo at tusukin ko yang mata mo, ang sama ng tingin mo sa akin ah? "tila umuusok ang ilong nang nanay ko with matching big eyes.

Ngumuso ako "Nay naman masakit lang itong mata ko"katwiran ko.

"sorry na nay naiinis lang ako kanina kaya ako nakisali, pwedeng tumahimik ka na muna nay? natamaan po ako oh, hindi kaba naawa sa akin nay? ako ang biktma dito,sinabihan pa ko ng pandak"nakanguso kung sagot kay nanay, nakita ko ang pag igting ng panga niya at aakmang pipingutin ako sa tenga, buti nalang nag salita si itay hehe.

"aba aba.... "

"mahal lumabas ka muna nang kwarto...."sabad ni tatay kaya napangiti ako ng lihim.

hehe the best talaga ang itay ko.

"Aray"daing ni tatay nang batukan ni nanay sa braso.

"parehas kayong mag ama hindi kayo nakikinig....."

"mahal mamaya mo na kami pagalitan okay? kita mo nang namumutla itong anak natin, kaya kuna tong gamutin, mamaya na tayo mag usap, hindi makapagpahinga ang anak natin kung nandito ka, galit din ako sa batang to dahil napakatigas ng ulo, pahinga-in na muna natin siya"padabog naman si nanay na lumabas ng kwarto ko.

Tapos na akong gamutin ni tatay, buti nalang magaling si tatay magamot ng sugat, sabagay sanay naman na si tatay dati pa, sanay siyang maglinis o magamot ng mga sugat dahil ayon ni tatay palagi siyang may tama nang bala kahit nong una palang na maging butler siya ni tita Hanna.

"Anak sa susunod huwag kang makisali sa mga barilan, hindi mo gawain yun, huwag mo nang ulitin yun ha? baka sa susunod hindi lang yan ang aabutin mo, baka ikamatay mo pa, at yun ang di ko kakayanin anak, minsan makasira ka rin ng plano o kaya may mapahak dahil sayo"napayuko ako sa sinabi ni tatay, tumango nalang ako at hindi na sumagot pa, nanghihina din ako kasi maraming energy ang nawala sa akin dahil sa sugat ko na sobrang sakit.

"Magpahinga ka nalang muna anak, pasensya na at napagsabihan kita,  sana sa susunod huwag kang makigulo sa mga gawain ng mga Fernando, muntik kanang makuha ng kalaban nina Keven, kahit gusto kung lumayo tayo sa pamilyang to para iwasan ng kaguluhan pero wala akong magawa dahil tungkulin ko ito, basta anak parang awa muna huwag kang makialam, hindi ko kakayanin kung may mangyari sa pinakamamahal kung anak"tumango-tango ako sa litanya ni tatay pinahiga niya ako sa kama ko inaantok narin ako.

Obsession Of The Young Mafia Boss (PBTYML-season2 'Keven Gregory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon