PBTYML (season 2) -Episode 4

5.8K 126 4
                                    

~Evelyn Eva Kyla's POV~

'Pansinin mo naman itong pag-ibig ko, nandito lang akong umiibig sayo,
Gagawin ang lahat para ika'y maging akin, ako'y inlove sayo'

Masigla kung kanta kahit naiiba yung lyrics ay confident parin akong kumanta habang naglalakad dito, papasok na ako sa gate ng school..

Don.Filomeno Guerrero University (DFGU)

Yan ang pangalan ng school nato.

Pangalan ito ng Lolo ng boyfriend ko.

'na, na, na, na, na, naaaaah'

Kanta kupa.

"manong pogi good morning! gumagwapo tayo ngayon ah?"masiglang bati ko kay manong guard, napalingon naman ito sa akin at napangiti sabay kamot sa kanyang ulong kalbo.

Pinagbuksan ako nito ng gate agad naman akong pumasok ng nakangiti.

"Binubola mo na naman ako eha! magandang umaga din sayo"nakangiting bati din nito.

"bye manong pogi"paalam ko kaagad kay manong guard at naglakad na papasok sa building, papaunta ako sa principal's office, ang sabi kasi ni tatay Jhoe ay ako na ang mag-asikaso sa mga papeles ko dito sa school pati narin sa papele's ng dalawa kubg epal na kapatid na sina William Duke at Liam.

Next week na kasi kami luluwas ng manila para doon na manirahan at doon narin kami magpatuloy sa pag-aaral.

Hayzz gusto ko sanang manatili nalang dito sa lugar nato, pero wala namang akong choice.

Bumuntong hininga nalang ako dahil sa kinakabahan ako ngayon, hindi ko alam kung bakit basta parang tinutusok ang puso ko sa sobrang kaba.

Ewan ko ang weird.

Nagpatuloy nalang ako sa pagkanta kahit wala sa tamang lyrics.

'pake-sabi nalang na mahal ko siya, dibale nang may mahal siyang iba...'

Napatigil ako sa pagkanta ng may marinig akong pamilyar na boses at halatang nagtatalo kaya dahil tsismosa ako ay hinanap ko kung saan galing ang mga boses nayon.

"Kurt? Kathy?"mahinang bulong ko, nagtatalo sila ngayon.

Napa-irap naman ako nong narinig ko ang pinag-usapan ng boyfriend ko at ang ex-girlfriend ng boyfriend ko.

"Love please sakin nalang ulit, please? mahal na mahal parin kita, hiwalayan muna ang pandak nayon"umirap naman ako ng palihim, hindi na bago sa akin ito, sa dami ba namang ex-girlfriend yang si Kurt noon, last year kupa ito nalaman na makipag-kita yung mga ex'es niya dito at magmamakaawang balikan sila.

Napanguso nalang ako dahil nakalimutan ko magdala ng snaks na sweetcorn para sana mag-enjoy sa magaganap na eksina.

Nakita kung umiling-iling si Kurt at galit na galit na sinigawan ang pugad niyang ex na si Kathy, akala mo naman kinaganda niya ang pagiging martyr of the year niya, hindi bagay.

Napanguso ako ulit dahil nabobored na ako sa mga eksina.

"I told you Kathy to stay away from me..."galit sana na sigaw ng boyfriend kung magaling nang bigla itong hinalikan ni Kathy sa labi.

Napangiti naman ako at kinuha ang cellphone ko upang picturan.

Mahal ko siya oo pero kailan may hindi ako nasasaktan sa nakikita ko ngayon, dahil ilang beses kuna siyang nakikitang may katukang iba, kahit magjowa pa kami, nong una oo nasaktan ako pero kalaunan ay nasanay narin ako, dalawang taon kaming magjowa, minsan maghihiwalay, minsan din magkabalikan, nasanay na ako sa kahit papano. Naintindihan ko si Kurt dahil hindi siya ang nauna kundi ang mga pugad niyang mga ex'es na sobrang galit na galit sa akin.

Obsession Of The Young Mafia Boss (PBTYML-season2 'Keven Gregory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon