PBTYML (season 2)- Episode 14

3.4K 112 7
                                    

~Evelyn Eva Kyla's POV~

Unti-unti kung minulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang kulay puting kisame.

"ang anak ko! gising na siya"hindi ko pinansin ang ginoong kamukha ng tatay ko na nasiyahan ng minulat ko ang mga mata ko.

"Thanks god! your finally awake....."

Maraming anghel na nagsasalita na di ko pinakinggan, ang gaganda at ang gagawapo nila.

Nasan ako?

Sino sila?

Mga anghel? bakit ang liwanag ng mukha nila? nasisislaw ako.

Hala?

Nasa langit naba ako?

Hindi sila malinaw sa paningin ko, basta alam kung gwapo at gaganda nila, nag-alala sila habang nakatingin sa akin.

Lumingon ako sa gilid ng maramdaman ko na may pumisil ng mahina sa mga kamay ko.

Isang pinakagwapong anghel na kamukha ni Keven mylabs ang nakita ko, nag-alala ang mukha nito habang nakatingin sa akin, walang reaction naman ang mukha ko habang tumitig sa anghel na kamukha ni Keven.

Naramdaman kung may yumakap sa akin siya yung ginoong kamukha kamukha talaga ng tatay kung gwapo, para siyang maiiyak sa saya na may halong pag-alala ng makita niya ako.

"Anak ko! Salamat sa dyos gising kana, pinag-alala mo ako anak! kamusta ang pakiramdam mo? ayos lang ka lang ba? Gusto mo ng tubig? Gusto mo ng prutas? Anak magsabi kalang, ayos kana ba? Huwag kang mag-alala kay William ayos na siya ngayon. Anak magsalita ka naman nag-aalala na ako sayo"salita ng gwapong ginoo na kamukha at kaboses ng itay kung gwapo din.

Pumikit ulit ako dahil naliliwanagan talaga ako.

Parang nasa langit na ata ako.

Huminga ako ng malalim at napagpasyahang imulat muli ang aking mga mata, naramdaman ko ang sakit ng kaliwang balikat ko at parang namamanhid ang dalawang braso ko, parang mabigat din ang boung katawan ko, para akong pinagbagsakan ng langit at lupa? pakiramdam ko ay binugbug ako ng bongga dahil masakit ang boung katawan ko, unti-unting sumasakit ang katawan ko.

"Fvck Evelyn please say something"salita pa ng anghel na kamukha ni.... pero teka? nasan ba talaga ako? nasa langit? anong nangyari sa akin?

Nasan ako?...

Teka....

Kumurap-kurap ako at mariin na napapikit ulit saka dumilat.

At sa wakas ay nalinawan na ang mga mata ko, kanina kasi nasilawan ako pero ngayon malinaw na, lumingon ako kay itay na hawak ang cellphone at parang may katawag, naglakad-lakad pa ito parang di mapakali?

Hindi parin ako nagsalita dahil hindi pa nasisink sa utak ko kung ano ang nangyari sa akin, bakit parang bugbug sarado ako?

Napatingin ako sa kamay ko dahil may na kunikta ito na parang.....

Dextrose?

Bumulis ang tibok ng puso ko dahil unti-unti nang nagsisink sa utak ko ang nangyari at mas lalo pang bumulis ang tibok ng puso ko dahil ayoko sa mga dextrose at mas lalong bumulis ang tibok ng puso ko dahil ayoko sa hospital.

Obsession Of The Young Mafia Boss (PBTYML-season2 'Keven Gregory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon