PBTYML (season 2)-Episode 40

1K 23 10
                                    

~Evelyn  Eva Kyla POV~

Tahimik akong naglakad patungo sa sasakyan ni Kier, nabalot ng takot ang puso ko, parang nawala lahat ng energy ko sa mga sinasabi ni tatay kanina, hindi ko na kayang malayo kay Keven, hindi ko na ata kayang magkahiwalay kaming dalawa, hindi ko kaya.

Walang gana akong sumakay sa sasakyang sports car na gagamitin ni Kier sa drag racing ngayon.

Tila nawala ang pansin ko sa malawak na field, nawala ang pansin ko sa maraming tao na nanonood, kahit maingay ay parang nawala na sa akin ang attention ng mga ito, walang gana akong tumingin sa harapan kahit lagpas ang tingin ko doon, tulala lang ako, ni hindi ko na nagawang sagutin ang singhal ni Kier sa akin,  dahil sa lungkot na nararamdaman ko.

"Huwag kang mag-alala anak, hindi na mauulit na makiddap ka ulit, hindi ko na hahayaan na mangyayari ito, tama ang nanay mo, hindi ka ligtas sa mga Fernando, hindi ka kayang protektahan ng taong nangako sa akin na protektahan ka niya sa lahat ng oras, tama ang nanay mo lalayo na tayo, lalayo na tayo sa mga Fernando anak, na dapat noon ko pa ginawa, na sana hindi nalang tayo bumalik sa buhay nila, nag usap na kami ng masinsinan nina Lady Hanna at Lord Carlo, ilalayo na kita sa kapahamakan"natigilan ako sa sinabi ni tatay, kumalas ako ng yakap sa kanya.

"Tay promise ayos lang ako, tay napalapit na ko ulit sa mga Fernando, hindi ko ata kayang lumayo pa sa kanila tay"umiling si tatay sa sinabi ko, iba ang awra ni tatay ngayon, seryosong seryoso siya.

Tumingin ako kay Keven na nakatingin lang sa akin, kita ko ang lungkot sa mga mata niya, siya sana ang gusto kung yakapin at kausapin kanina kaya lang hinila ako ni tatay sa kanya at mahigpit na niyakap, nagtatampo pa pala ako kay Keven, kahit miss na miss ko yang boyfriend kong yan.

Hinawakan ni tatay ang kamay ko.

"Anak umuwi na tayo, wala akong paki-alam kung magkagulo dito ang importante maalis kita dito, dilikado ang lugar na ito"umiling ako kay tatay, gustuhin ko mang takasan si tatay pero ayokong magkagulo sa event nato, binantaan na ako ni Kier tungkol dito, kaya hindi ako tatakas.

"hindi tay, hindi pwede kapag ginawa ko yun ay magkagulo isa pa nangako si Kier sa akin na hindi na niya ako guguluhin kahit kailan , na hindi na siya makakalapit sa akin pagkatapos nito, magtiwala ka sa akin tay ayos lang po ako"

"sege papayag ako, pangako anak ilalayo na kita dito, para hindi na ako mag alala ng ganito, hindi ko kakayanin anak kung mapapahamak ka"lumingon si tatay kay Keven, katabi nito si kuya Kyle at pareng Anthon, katulad ng kay Kier ay nakasout din sila para sa gaganaping drag racing mamaya-maya, nagkatinginan kami saglit ni Keven, malungkot ang kanyang mga mata, mahinang umiling-iling.

Mamalim na napabuntong hininga si tatay.

"Alam ko nong una palang anak, alam kung magkasintahan na kayo ni Keven,  masaya ako sa inyong dalawa dahil alam kung pareho kayong nagmamahalan, alam ko nong una palang may gusto na kayo sa isat isa, alam naming lahat ang relasyon niyong dalawa, naghihintay lang kami na umamin kayong dalawa, galit na galit ang nanay mo nong malaman niya ang yun, pero wala siyang magagawa dahil nakita niyang nagmamahalan kayong dalawa, hinayaan naming kayong dalawa dahil alam naming may isang salita ka, na hindi mo kami bibiguin sa darating na panahon, pero anak kaligtasan mo ang nakataya dito kahit na palaging galit sayo ang nanay mo ay kaligtasan parin ang inaalala niya, gusto nang nanay mo ay lumayo sa mga Fernando, patawrin mo kami anak pero kailangang na nating lumayo sa kapahamakan, ayoko ko mang bitawan ang sinumpaan ko pero kinakailangan ko yung gawin dahil mahal na mahal kita, ang gusto ko maging ligtas ka"pinahid ko ang tumulong luha ko dahil sa sinabi ni tatay,  parang may bumara sa lalamunan ko, ang bigat ng nararamdaman ko.

Obsession Of The Young Mafia Boss (PBTYML-season2 'Keven Gregory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon