PBTYML (season 2) - Episode 39

539 25 4
                                    

~Evelyn Eva Kyla POV~

Napangiti ako para sa aking sarili, dahil sobrang ganda ko at sobrang sexy pa, isang super toned tummy racer ang pinasout sa akin, ito yung binigay ni bruhang Maria kanina, sobrang ganda ko tingnan sa sout kung to, kanina binigyan ako ng mga tauhan kanina ng dalawang paper bag, yung isang paper bag ay naglalaman ng make up set at make up brush, yung isa naman ay color block na 4 inches na heels.

Ang bongga ang taas ko na tingnan.

Lumabas na ako ng cr dahil daw ang tagal ko, naiinip na sila, exited atang makita ang kagandahan ko.

"drag racing will start in just two hours, let's hurry na kasi Kier"maarteng reklamo ng bruha, tulad ko ay nakabihis na din ng tulad ng sinosout ko, tang*na sobrang ganda ng bruha, parang nanliit ako sa sobrang tanggkad niya at sobrang pinagpala ng dibdib, mapapa sana-oll ka nalang sa ganda niya, bagay na bagay sa kanya ang sout niya.

"bitch, what take you so long ba?"tumingin ito sa akin mula ulo hanggang paa saka umirap sa akin, sarap talaga sabunutan.

Hindi na ako nakasagot dahil bigla itong nag walk out palabas ng kwarto.

Bruhang to.

Si Kier naman ay naka racing custome narin, napaka gwapo rin pala yang Keir nayan, pero sympre walang makakapantay sa kagwapuhan ng mylabs ko, for sure sobrang gwapo niya ngayon.

Namimiss ko yung boyfriend ko,  kahit naman galit ako ay hindi naman nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya.

"let's go"hinila na ako ni Kier palabas ng kwarto, napa irap nalang ako sa kanya.

Nilibot ko ang boung paligid, puro itim at puti ang kulay ng gusaling ito, pumasok kami sa isang may kaliitang silid na kulay gray na makintab na metal? ang weird talaga, nalaman kung isa pala itong elevator dahil itong pinasukan namin at pataas, ibig sabihin ay sa basement underground nila ako dinala.

"Ang ganda naman dito.... "

"tumahimik ka"singhal nitong si Keir, kaya napatikom ng bibig ko, ang sungit naman niya, nag comment lang naman ko, ito yung building na pinagdalhan nila sa akin dati, kaso lang noin dinala nila ako sa itaas ng building o kung ano ba ang tawag sa gusaling ito, bahay mansion? o hundted house?/mansion? kasi puro white and block ang kaibahan lang ay makikintab ang bubong at ang block and white na tiles.

At ang ganda dito, kahit block and white ay naatrack ako, kahit boring ang bawat sulok, malungkot ang atmosphere, bilang lang ata ang gamit dito.

Bumaba kami sa malaking parking lot, maraming sports car na ibat ibang kulay ang aastig ng mga sasakyan, may mga sasakyan ding ibang brand pero mas maraming sports car.

Edi sila na ang mayaman.

"get in"masungit na saad ni Kier at naunang sumakay sa magara niyang sports car, hindi man lang niya ko pay nagbuksan ng pintuan, ang ganda ko pa naman sa outfit ko.

Agad akong pumasok ng sasakyan at umirap sa kanya, agad niyang pinaadar ng bongga ang sports car niya pagkatapos kung magsetbelt, kaya nagmura ako ng bongga, minura ko pa siya ng paululit ulit sa sobrang bilis niyang magpatakbo ng sasakyan.

Tang*na niya.

Napatigil ako sa pagmumura ng medyo kumirot itong puson ko, nalala ko na ngayon pala ang petsa ng dalaw ko, tang*na wala akong napkin.

Obsession Of The Young Mafia Boss (PBTYML-season2 'Keven Gregory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon