Kabanata 02

46 10 0
                                    

KABANATA 02

(ZETA'S POINT OF VIEW)

Huminto kami sa gitna ng malawak na field. Natatanaw namin ang apat na gusali na may kalayuan mula sa pwesto namin. Magkakalayo ang agwat ng bawat gusali.

Nagsimula na ulit kaming maglakad at nagtungo sa unang gusali. Mabuti na lang hindi mainit ang panahon. Presko ang lugar ngayon. Walang masyadong damo at sementado ang daanan.

Tumigil siya nang mga anim na metro ang layo namin sa gusali.

"If you want to survive in this school, there's one thing you should do. Join an organization. There are four organizations here. May pang-limang organisasyon noon pero hindi ito tinanggap ng officials. Ito ay ang Black Org. Dahil nga hindi ito naging opisyal na organisasyon, napilitan silang sumali sa ibang org. Nabuwag ang grupo nila at naghiwa-hiwalay ang mga miyembro. At ang nakikita mo ngayon ay ang org na naging tahanan ng mga ibang taga-Black Org."

"The HUNTER Organization. It's the organization with the largest number of members. Obviously, they're known as hunters because they hunt whoever students they like."

Hindi pa masyadong na-poproseso ng utak ko ang sinasabi niya pero sunod na agad kaming nagtungo sa pangalawang gusali. May itatanong pa sana ako tungkol sa Black Org pero huwag na lang.

Malayo ang agwat ng mga gusali kaya bawat hinto namin ay hinihingal na ako. Mukhang sinadya talagang paglayuin ang mga ito para maiwasan ang rambulan.

"This is the PRIME Organization's building. You can only join here if you're an officer."

Sa lahat ng mga gusali dito, ito ang pinakamaayos. Walang kahit na anong dumi sa pader di gaya ng ibang gusali. Mukhang disente ang mga estudyanteng nandito. Sabagay, kasasabi niya lang na officer ka dapat para makapasok dito.

"Next! The SEEKER Organization." Tinuro niya ang pangatlong gusali. Wala itong pinagkaiba sa unang gusali pero mas maayos ito ng konti.

"They're the silent type. Hindi sila basta-basta umaatake unlike the Hunter members. Kumbaga, lowkey lang din sila. Pero once na ginalit mo sila, they will show no mercy on you. Pangalawa sila sa may pinaka-maraming miyembro."

Nagsimula na ulit kaming maglakad. Hindi ko aakalain na tatapak kami mismo sa palapag ng pang-apat na gusali. Ito lang ang nag-iisang gusali na nilapitan namin ng husto. Wala kayang tao dito??

"There's no one here right now because an incident happened a week ago." Nahulaan niya ata ang tanong sa isip ko.

"The university has its own canteen, hospital, and mini grocery. I'm sure na-inform ka na din sa dormitory ng school at naibigay na sayo in advance ang floor and room number mo."

Yeah, nagulat nga ako nang malaman ko na may mini grocery dito. Bagong-bago sakin ito. Kalilipat ko lang ng mga gamit ko kahapon sa dorm. Dalawang dormitory yun, syempre hiwalay ang babae sa lalaki. May kalapitan ang canteen at ang building kung saan kami magkaklase kaya hindi masyadong nakakapagod. May silong ang daanan kaya maganda din.

"Oh! And there's one thing I want to share with you. Each organization has its own leader which we call as EXECUTIVES. Overall, there are four executives."

"Sino--" gusto ko sanang malaman kung sino ang mga executives na tinutukoy niya pero parang nagmamadali siya.

"By the way, regarding sa tanong mo kanina. Those students that you met are either targeted or rejected by one of the organizations. Be careful and choose the right org."

So hindi basta-basta tinatanggap ang mga bagong estudyante na sumali? Meron kayang pagsubok na binibigay? Paano kung ayaw din nila ako tanggapin??

Assasino Playground (Completed)Where stories live. Discover now