Kabanata 27

21 2 0
                                    

KABANATA 27

Sa kabila ng mga nangyayari ay may isang lalaking kalmado na paakyat ng lumang gusali ngayon. Mas bumilis ang takbo niya nang marinig si Pacifica na isinisigaw ang pangalan ni Kimberly. Nagulat ang tatlong tao na kasama ni Pacifica nang masaksihan ang pagtalon ng lalaki.

Niyakap niya si Kimberly at sumabay sa pagpapatihulog nito. Kaagad niyang ipinuwesto ang katawan ni Kimberly sa kanyang ibabaw para hindi ito masaktan kapag nahulog sila. Nawalan na ng malay si Kimberly kaya hindi nito alam na may nagligtas pala sa kanya.

Sa kabutihang palad ay nahulog sila sa isang basurahan. Puro damo ito kaya hindi sila nasaktan sa pagbagsak. Ilang minuto silang nasa ganung posisyon hanggang sa dumilat ang mga mata ni Kimberly. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang taong nakayakap sa kanya ngayon.

"Ikaw?! Bakit?! Bakit mo ako niligtas?!" naguguluhang tanong ni Kimberly. Inalis ng lalaki ang mga kamay niyang nakayakap kay Kimberly at inalalayan siyang umupo.

"It's my duty as the first Baron of Pacifica. Hahayaan ko bang mahulog ang assistant ng ating executive," sagot ng lalaki.

"Andrés!" Napalingon silang dalawa kay Casano na kadarating lang.

"Nasa rooftop siya. Bilisan mo dahil nawalan na siya ng malay. Kailangan siyang madala sa ospital kaagad!" saad ni Andrés. Nagmadali naman si Casano na tumakbo paalis nang marinig ito.

"Ikaw ang unang Baron?" nagtatakang tanong ni Kimberly. Ibinalik muli ni Andrés ang tingin sa kanya.

"Yes, I am," nakangiting sagot naman ni Andrés. Napayuko naman si Kimberly at niyakap ang sarili.

"Dapat lang sa akin na mamatay. Ako ang may kagagawan ng paglason sa maraming estudyante noon. At ngayon, inulit ko na naman ito kaya malamang nahihirapan na sila ngayon," lumungkot ang boses ni Kimberly. Hindi na niya napigilang umiyak nang maalala ang ginawang kasamaan sa lahat ng estudyante.

Tinapik naman siya sa balikat ni Andrés para pakalmahin.

"Huwag kang mag-alala. May pinainom na silang antidote sa mga nalason. Malamang nagpapagaling na sila ngayon." Gulat siyang tinignan ni Kimberly nang marinig ang sinabi ni Andrés. Tumigil ito sa pag-iyak saka pinunasan ang mga luha sa mukha.

"Totoo ba yan?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo. Hindi na namin hahayaan na maulit pa ang nangyari noon. Wala ng mamamatay na estudyante."

Nakahinga siya ng maluwag dahil sa sagot ni Andrés. Tila nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Marahil ay matagal na niya itong kinikimkim. Sa loob ng tatlong taon ay puro kasamaan ang nasa isip niya. Hindi naman talaga siya papatay ng ganun karaming estudyante kung hindi lang namatay si Kiro. Hindi niya namalayan na ang pagkapatay ng minamahal niya ang nagsilbing daan para umabot sa kasukdulan ang kasamaan niya.

Paghihiganti. Ito naman talaga ang tunay na pakay niya. Kinokontra lang ito ng kanyang utak at inisip na apo siya ni Crus Alphano kaya niya ito nagawa. Minahal ng puso niya si Kiro. Ang nag-iisang lalaki na minahal niya ng tunay.

Nang malaman niya ang totoong dahilan ng pagkamatay ni Kiro ay labis siyang nagsisi. Ang lason na inimbento niya ang nakapatay sa lalaki. Hindi niya matanggap na ang regalong ibinigay niya ang tatapos sa buhay ni Kiro. Sa huli ay napagtanto niyang siya ang may kasalanan ng lahat. Buong buhay niya, pinaniwala niya ang sarili na si Pacifica ang pumatay kay Kiro ngunit ang mga kamay niya lang pala mismo ang totoong salarin.

Gusto na niyang tapusin ang kanyang buhay. Sumunod na lang sa kabilang buhay at humingi ng kapatawaran kay Kiro. Sobrang sakit ng katotohanang ito na parang sinasaksak parin ang puso niya hanggang ngayon.

Assasino Playground (Completed)Where stories live. Discover now