Kabanata 21

20 4 0
                                    

KABANATA 21

(ZETA'S POINT OF VIEW)

Nagising ako sa pagbukas ng ilaw ng taong kararating lang. Wala na ang mga kasamahan niya maliban sa kanya.

Nakatulog ako kanina at hindi na alam ang sunod na nangyari. Agad akong napalingon kay Apolo. Mahimbing ang tulog niya. Gusto ko sana syang tanungin kung anong nangyari pero hindi na siguro. Alam kong pagod din siya at kailangang makabawi ng tulog.

Nilingon ko muli ang taong ito na kadarating lang. Hindi na siya nakasuot ng lab coat. Normal na lang suot niya ngayon, nagmumukhang normal na estudyante. Medyo magulo ang buhok niya ngunit maayos naman ang kanyang damit.

Nilapitan niya ang nakapikit paring si Casano na may benda na sa tiyan. Ginamot talaga siya ng mga taong yun kapalit ng buhay ni Apolo...

Paano kung habang tulog ako ay nilagyan na pala ng lason ang katawan ni Apolo? Kahit sumakit pa ang ulo ko kakaisip ay wala akong makukuha na sagot.

Lalapitan ko sana si Apolo nang marinig ko ang mahinang pagtawa ng taong ito. Kaharap niya si Casano na kagigising lang. Nakatayo lang ako at pinanood silang dalawa.

Yokatta (I'm glad). Gising na siya. Nabawasan na tuloy ang pag-aalalang nararamdaman ko. Ang problema lang ay tinali rin ang mga kamay at paa niya sa upuan kaya hindi siya makakagalaw.

Kahit nasa ganon na siyang sitwasyon, walang bahid na takot ang ipinapakita niya. Kakaiba talaga ang isang Casano. Nanatili parin siyang kalmado sa kabila ng mga nangyayari. Komportableng nakasandal sa kinauupuan, walang pakialam kung nakatali ang mga kamay at paa.

Saglit niyang nilingon ang pwesto namin ni Apolo. Nangungusap ang mga mata niya. Ipinapahiwatig na magiging maayos din ang lahat.

Muli niyang ibinalik ang tingin sa taong nasa harapan niya. Tila naglalaban ang mga mata nilang dalawa. Ni hindi siya nasindak nang makita niya ito. Kung ganon, maaaring alam niya na ang pagkatao nito.

"Gising na ang taong may malaking bahagi sa plano ko. Kamusta ang tulog?"

"Huh? Ikaw lang pala. Ikaw ba ang nakaisip ng lahat ng ito?" may panghihinayang sa boses ni Casano.

Imbes na mainis ay natawa lang ang taong nasa harap niya.

"Sino pa ba? Bilib ka na ba sa akin? O may inaasahan ka pang ibang tao na may pakana ng lahat?" Kunwari pang napaisip si Casano.

"Hmm. Is it Kiro?" Napaka-simple lang ng sinagot ni Casano ngunit bigla na lang siyang sinampal ng malakas. Ganun ba kabigat ng sinabi niya para mainis ng todo ang taong kausap niya??

At isa pa, sino ang Kiro na binanggit ni Casano? Ngayon ko lang narinig ang pangalang ito. Hindi kaya siya yung tinutukoy na matalik na kaibigan nila Apolo na namatay?

"Wala kang karapatang banggitin ang pangalan niya! Kahit ikaw pa na mismong kaibigan niya ay walang ginawa para ipagtanggol siya!" sigaw ng taong ito sa mismong mukha ni Casano. Galit na galit at nanlilisik ang mga mata. Hindi naman natinag si Casano sa pwesto niya.

Kung ganon, buo na ang puzzle sa isip ko. Sina Casano, Apolo, ang executive namin na si Pacifica at ang estudyanteng namatay na si Kiro ay magkakaibigan.

"Hee?? His name is not forbidden to say. At tsaka, sino ka ba para ipagbawal ito? Ow! Naalala ko na... ikaw ba ang kapatid ni Kiro?" ani Casano.

"Magpasalamat ka, hindi kita kayang patayin ngayon dahil ang dugo mo ang kumumpleto sa lasong ginawa namin."

"Kawawa naman ang dugo ko, ginamit sa kasamaan..."

"Kung makapagsalita ka parang wala kang nagawang kasalanan. Hindi mo na ba natatandaan ang mga nagawa niyo noon? Anong klaseng tao ka?" asik naman ng taong nasa harap niya.

Assasino Playground (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum