Kabanata 17

19 5 0
                                    

KABANATA 17

(Flashback)

"Kuya Annong, nakita mo ba si Akkong?" tanong ng batang Apong sa kanyang kapatid.

"Hays. Nandon na naman siguro, naglalaro sa lab niya," turo niya sa isang maliit na kubo kung saan naglalaro palagi si Akkong.

Kumaripas ng takbo ang batang si Apong at nagtungo agad sa kubo.

"Wahhh!!!" bigla nitong sigaw pagkapasok na syang ikinagulat ni Akkong. Nabitawan niya ang hawak na test tube kaya nabasag ito. Umiyak ito nang makita ang laman nito na nakakalat sa sahig.

"Hala ka. Pinaiyak mo na naman si Akkong. Lagot ka kay teacher," pananakot ni Annong na kadarating lang kasama si Ikang, ang nag-iisang babaeng kaibigan nila.

"Binibiro ko lang naman siya e," ngumuso ang batang Apong. Pinukpok naman ni Ikang ang ulo nito.

"Tulungan mo kaya siya. Ikaw naman ang may kasalanan e."

Sinamaan muna siya ng tingin ni Apong saka tinulungan si Akkong na damputin ang mga piraso ng test tube na nabasag sa sahig.

"Sorry ah," nahihiyang sabi ni Apong sa kalagitnaan ng pagdadampot nila ni Akkong.

"Okay lang. Pwede ko namang gawin ulit yun." Ngumiti sila sa isa't-isa.

Napangiti din ang dalawang nanonood na si Annong at Ikang. Tumulong na rin sila sa pagdadampot dahil may klase pa sila mamaya. Magkaklase si Annong at Ikang. Mas matanda sila ng isang taon. Sina Apong at Akkong naman ang magkaklase. Sobrang close nilang dalawa at halos di mapaghiwalay.

(End of Flashback)


(ZETA'S POINT OF VIEW)

"At bilang isang nagmamahal sa kanya, itutuloy ko ang mga nasimulan na niya..."

Nagtataka naming tinignan ang taong ito.

"Ano bang pinaplano mo?" kunot-noong tanong ni Apolo.

"Una, kailangan kong ma-perfect at tapusin ang lason na hindi niya naituloy noon dahil pinatay siya ng mismong kaibigan niya!" Nanlaki ang mga mata nito at galit na galit kaming tinignan.

"Hindi yan totoo! Hindi siya pinatay ni---"

"Enough. Wala na akong panahon para makinig pa sa paliwanag mo," pagpuputol niya sa sinasabi ni Apolo.

Naglakad ito at kumuha ng isang test tube para ipakita samin. Binasa ko ang nakadikit na papel dito. Loveshot. Ito ba ang pinangalan niya rito. Ano naman kayang ibig-sabihin nito?

"Siguro naman alam mo na kung paano namin ginagawa ang mga lason dahil pinapanood mo siyang gumawa nito noon..." Makahulugan ang ngiti niya.

Sinamaan siya ng tingin ni Apolo. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ng taong ito.

"Hindi lason ang iniimbento niya kundi lunas. Magkaiba kayo ng gustong gawin. Hindi siya kailanman gagawa ng lason na papatay ng maraming tao."

"Sigurado ka bang kaibigan mo siya? Kung ganon, bakit niya nilihim sayo ang ginawa niyang formula ng isang lason?" Ipinakita nito ang isang papel na mukhang luma na. May nakasulat dito ngunit hindi ko na mabasa. Iyan ata ang pinagbabasehan niya ng paggawa sa lason.

Tumataas na naman ang mga balahibo ko sa katawan. Habang nagsasalita ang taong ito, hindi ko siya makitaan ng konting pagsisisi sa ginagawa niya. Para bang kaligayahan niya pa ang makagawa ng lason. Ito ba talaga ang gusto ng kapatid niyang namatay?

Assasino Playground (Completed)Where stories live. Discover now