Kabanata 11

28 6 0
                                    

KABANATA 11

(ZETA'S POINT OF VIEW)

Nagising na lang akong buhat-buhat ni Casano habang naglalakad.

"You're awake." Diretso lang ang tingin niya sa daan.

"Anong nangyari?" tanong ko at tinignan si Casano. Naghihintay sa sasabihin niya ngunit hindi na siya nagsalita pa. Tahimik lang siya hanggang sa makarating kami sa isang pamilyar na gusali.

Maayos na gusali. Ang pinaka-malinis sa lahat. Nasa gusali kami ng Prime Org.

Dahan-dahan niya akong ibinaba saka naunang naglakad papasok. Sumunod na lang ako kahit na wala akong ideya kung bakit niya ako dinala dito.

Binuksan niya ang pinto ng isang room at sinenyasang pumasok ako dito. Walang tao sa loob ng room nang pumasok ako. Umupo ako at tinignan si Casano.

"Bakit ba ako nandito?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"May nagsumbong na estudyante kanina samin na may nakita siyang dalawang babae na nakahandusay sa sahig. Sugatan ang isa sa kanila at ang isa naman ay may hawak na kutsilyo. To cut it short, you're the one holding the knife meaning you're the number one suspect."

"Nandito ka para depensahan ang sarili mo. Panonoorin namin ang nakunang video footage kung anong nangyari bago masaksak ang babae na kasama mo. Dito ka muna maghintay ng magiging desisyon ng council at magpahinga ka narin. Huwag kang mag-alala, may ipapatawag ang council para ipagtanggol ka." Hindi na ako nakapagsalita pa matapos marinig ang mga sinabi ni Casano. Isinara na niya ang pintuan. Yumuko ako at tinitigan ang sahig.

Napabuntong-hininga na lang ako nang mapagtantong nasa pareho na naman akong posisyon ng buhay ko na... pinagbibintangan ako sa hindi ko naman talaga ginawa.

Saglit akong natahimik at inalala ang nangyari kanina.

May nakasunod sa akin na babae. Galit ito sa akin dahil kay Apolo. Binanggit niyang may gusto siya kay Apolo at hindi niya matanggap ito. Hanggang sa umabot ang usapan sa nakaraan ko. May nalalaman siya sa nangyari noon sakin sa dati kong eskwelahan. Biglang sumakit ang ulo ko nang mga oras na yon at pagkatapos ay unti-unti na akong nawalan ng control sa sarili ko.

Nang makabalik ako sa katinuan ay sinasakal ko na pala siya. Hindi ko alam kung bakit nagawa ko ito. Binitawan ko siya ngunit nagulat ako nang may dugo akong nakita sa katawan niya. May sumaksak sa kanya.

Pinagmasdan ko ang aking mga kamay. Hindi ako ang may gawa nun kahit pa na may hawak akong kutsilyo nun.

Kutsilyo? Tama, walang dugo dapat sa kutsilyo ko. Napatayo naman ako at kinapkap ang sarili para hanapin ang kutsilyo. Nawawala. Baka kinuha ni Casano.

Nabuhayan ako na may pag-asang malinis ang pangalan ko. Desidido akong patunayan na hindi ako ang sumaksak sa babaeng yun.

Nagsimula na akong maglakad at bubuksan na sana ang pintuan nang may makita akong imahe ng isang babaeng kakaiba ang itsura. Sa katunayan ay apat na litrato ang nakadikit sa likod ng pintuan.

May litrato ni Casano, lalaking nakasuot ng maskara, isa pang babae at ang nasa pinakataas ay litrato ng babaeng nakakuha ng atensyon ko. Namangha ako sa kaputian ng buhok nito na kakaiba sa lahat. Mukhang bata pa kaya pinakulay niya lang siguro.

Bukod kay Casano ay hindi ko na kilala ang ibang nasa litrato. Walang nakasulat na mga pangalan sa naka-maskarang lalaki at isa pang babae. Hindi ko rin naman mamukhaan yung naka-maskarang lalaki dahil balot na balot ang mukha niya.

Binasa ko ang nakasulat sa ibaba ng litrato ng babaeng puti ang buhok.

'Oceanía Pacifica' Pangalan niya ito. Sugoi(amazing). Ngayon lang ako nakabasa ng gantong pangalan. Parang sinadya talagang maging kakaiba sa lahat.

Assasino Playground (Completed)Where stories live. Discover now