Kabanata 14

25 6 0
                                    

KABANATA 14

(Recommended song while reading, Paint it Black- Wednesday Addams)

Nangyayari lang isang beses sa tatlong taon,

Nagtitipon ang apat na makapangyarihang estudyante ng Assasino University,

Naghaharap-harap sila,

Mata sa mata, bibig sa bibig,

Hinuhulaan ang iniisip ng bawat isa,

Isang pagkakataon para mapatay ang isa't-isa.


(ZETA'S POINT OF VIEW)

Nandito na sila.

Isa-isang maglalakad papasok sa isang silid.

Naghihintay ang lahat.

Nasasabik na masilayan ang mga mukha ng apat na estudyanteng naghahari sa eskwelahang ito.


Ang unang dumating. Si Casano, ang executive ng Prime Org.

Diretso lang ang tingin.

Walang pakialam sa mga nagkukumpulang mga estudyante sa gilid.


Ang pangalawa sa dumating. Inaasahan ang executive ng Hunter Org ngunit hindi ito dumating.

Ang kanyang assistant na lalaki ang dumalo.

Hector, rinig kong pangalan niya mula sa mga estudyanteng nagbubulungan.

Hindi man ito ang executive ay hindi siya nagpakita ng kahit na anumang takot.


Pangatlong dumating. Ang executive ng Red Org, si Oceanía Pacifica.

Ang aming executive.

Ang nag-iisang babae sa kanila.

Ipinakita niyang kaya niya pagharian ang eskwelahang ito kahit isa siyang babae.


Ang huling dumating. Ang naka-maskarang executive ng Seeker Org.

Ang pinaka-misteryoso sa kanilang apat.

Habang naglalakad at papalapit sa aming tapat, biglang bumigat ang pakiramdam ko.

Tinitigan ko ang lalaking ito na ang mukha ay nababalot ng husto.

Nanlaki ang mga mata ko nang titigan niya din ako.

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa mukha nang mapagtanto kung sino ito.

Ang misteryosong lalaking ito, ang awrang inilalabas niya, nagdudulot ng matinding kaba.

Iisang tao lang ang nakapagparamdam nito sakin.

Sa tuwing malapit siya, hindi ko maitago ang takot.

Walang ibang salita ang kumawala mula sa bibig kundi ang pangalan niyang...

Apolo...


(OCEANĺA'S POINT OF VIEW)

Nakaupo ako samantalang nanatiling nakatayo ang tatlong kasama ko rito.

Isa-isa ko silang tinignan at mukhang walang gustong magsalita. Hindi makatingin ng diretso sa mga mata ng isa't-isa. Bihira lang talaga na magkaharap kaming apat at iniiwasan namin na magkatagpo ang aming mga landas.

Assasino Playground (Completed)Where stories live. Discover now