Kabanata 18

21 5 0
                                    

KABANATA 18

(OCEANĺA'S POINT OF VIEW)

Simula nang mangyari ang di inaasahan, wala ng estudyante ang nagpunta dito. Itinuring na isang cursed place dahil sa namatay na estudyante. Maski ako ay ayaw ko ng makita o mapuntahan ang lugar na ito dahil ako mismo ang nakasaksi ng aksidenteng yon.

Dito mismo namatay ang kaibigan namin, sa tinatapakan namin ngayon. Lahat ng masasayang alaala ay napalitan ng galit at poot. Ang naging dahilan ng matinding pagkamuhi sakin ng maraming estudyante. Hinayaan ko silang isipin na ako ang may kasalanan dahil ayokong malaman nila ang totoo. Tinanggap ko ang lahat ng masasamang salita, pagbabanta o kung anong gusto nilang gawin sakin.

Hindi ko na maibabalik ang nakaraan. Hindi ko na siya maibabalik.

"Iniisip mo siya?" nabalik ako sa wisyo dahil sa tanong ni Casano. Pinili naming lumayo sa isat'-isa, limang metro siguro ang pagitan namin ngayon. Wala siyang hawak na kahit anumang armas samantalang dumampot naman ako ng isang kutsilyo.

Hindi pa magaling ang kaliwang kamay ko kaya natitiyak akong mahihirapan ako na labanan siya.

"Simulan na natin." Mabilis akong tumakbo palapit sa kanya. Kanang kamay lang ang ginagamit ko hawak-hawak ang kutsilyo. Agad siyang nakailag kahit na nagulat sa ginawa ko.

Dinoble ko ang bilis ng paggalaw at sinusubukan siyang sugatan ng sunod-sunod kong pag-atake. Alam kong mas magaling siya kumpara sakin ngunit hindi ko hahayaan na hindi ko man lang siya masusugatan.

"Sineseryoso mo naman masyado ang mensahe nila..." Saglit akong napatigil at napatingin kay Casano. Magkatalikod kaming dalawa.

"Hindi masamang subukan," ngumisi ako saka mabilis na inatake ang likod niya ng kutsilyo ngunit nahawakan niya ang kanang kamay ko.

Hinawakan niya ang likod ko at hinila papunta sa kanya saka nilapit ang mukha sakin.

"Sigurado ka bang ginagawa mo lang ito para sa ka-miyembro mo o dahil sa iba pang rason..."

Tinulak ko siya palayo. Ilang araw lang naman ang ipinahinga ko, parang mabilis ko na atang mapagod. Nagsisimula na akong pagpawisan kahit wala pang isang oras na nandito kami.

"Ano pa bang ibang dahilan?" tanong ko naman.

Nagsimula siyang maglakad palapit sakin. Nasa likod ang mga kamay niya at nakangiting tinignan ako.

"She reminded you of our dear friend, right?"

"Eh ano naman ngayon?" Sinalubong ko din siya gamit ang hawak na kutsilyo.

Muntik ko ng tamaan ang mukha niya nang bigla niyang i-bend ang katawan. Mabilis niyang iginalaw ang mga paa patungo sa likuran ko. Ginamit ang kaliwang kamay at ipinulupot sa leeg ko. Hinawakan ng kanang kamay niya ang isang kamay ko at nilagay sa likod. Alam niyang hindi ko kayang igalaw ang kaliwang kamay ko ngayon.

"Nakita mo ang resemblance sa mukha nila. Nakaramdam ka ba ng konsensya kaya tinanggap mo siya sa organisasyon mo?" Nagpumilit akong makawala ngunit hindi naging sapat ang lakas ko.

"Wala kang pakialam! Kung ayaw mong seryosohin ang laban natin, pwes hindi ako papayag. Naghihintay sakin si Zeta!" Binitawan niya ako at lumayo. Nagtaka naman ako nang itaas niya ang dalawang kamay na parang sumusuko na.

Hindi ko ito pinansin. Nagpatuloy ako sa pag-atake sa kanya hanggang sa mahawakan ng mga kamay niya ang batok at likod ko. Hinila niya ako palapit sa kanya at tila sinadyang yakapin ako.

Nanlaki ang mata ko nang marinig ang ibinulong niya. Muntik na akong maiyak dahil sa sinabi niya ngunit mas nangibabaw ang determinasyon ko.

Mabilis na gumalaw ang kaliwang kamay ko at isinaksak ang kutsilyo sa tiyan niya. Nagsimulang lumabas ang dugo sa tiyan niya ngunit hindi siya bumitaw sa pagyakap sakin.

Assasino Playground (Completed)Where stories live. Discover now