Wakas

39 1 1
                                    

WAKAS

Unti-unti ng nagsisidatingan ang mga estudyante sa Gym na pagdadausan ng welcoming party. Bihis na bihis ang lahat at halata ang excitement sa kanilang mga mukha. Nakisabay sa pagpasok sina Magi na kapartner si Roman habang magkapartner naman sina Ivy at Paris. Pinaghiwalay nila ang kambal dahil baka may gawin na naman silang kalokohan.

Umupo sila sa isang malaking table at hinintay ang mga kasama. Sunod na dumating si Andrés na mag-isa lang. Natanaw niya ang pwesto nila Magi kaya dumiretso na ito sa kinaroroonan nila. Magkasama namang dumating sina Zeta at Apolo at ilang minuto lang ay dumating na rin sina Casano at Pacifica.

Naupo na silang lahat dahil magsisimula na ang party. Umakyat naman si Casano sa stage at may hawak na mic. Siya ang magbibigay ng opening message. Nakasuot siya ng puting suit kaya kitang-kita siya ng lahat. Itinutok sa kanya ang ilaw na syang kumuha ng atensyon ng lahat. Nagsimulang magpalakpakan ang ibang mga estudyante nang makita siya.

Nakangiti naman niyang tinignan ang lahat. Kumikinang ang kulay asul niyang mga mata ngayon. Isang katangiang nagpapakita ng pagiging kakaiba niya sa lahat.

"Good evening my fellow students. Excited na ba kayong simulan ang party na ito?" panimula niya.

"Oo!" sigaw naman ng mga estudyante.

"Wala munang announcement ngayon. Mag-enjoy tayong lahat ngayong gabi. Pansamantalang kalimutan ang mga masasamang nangyari sa atin. Gaya nga ng sinabi nila, this is our PLAYGROUND. Magsaya tayo, mag-inuman, magtawanan, at magsayawan. Let's party tonight, ASSASINO UNIVERSITY!" Yun lang at bumaba na si Casano. Naghiyawan at nagpalakpakan ang lahat sa sinabi niya.

Bumalik siya sa table nila at umupo sa tabi ni Pacifica. Nagsimula na ang tugtog kaya nagsitayuan na ang ibang mga estudyante para sumayaw sa gitna.

"Naks! Iba talaga ang hari ng Assasino University!" biro ni Roman. Natawa lang si Casano sa sinabi nito.

"I'm not a king," saad ni Casano.

"Sus! HAHAHA! Bahala ka dyan, aagawin ni Andrés yang pagiging hari mo!" sabat naman ni Paris.

"Sure. I wouldn't mind it at all." Ibinaling ni Casano ang tingin kay Pacifica.

"What?" salubong ang mga kilay na tinignan siya ni Pacifica dahil sa laki ng ngiti nito.

"Let's dance. Madami tayong pag-uusapan," aya nito saka hinawakan ang kanang kamay ni Pacifica. Wala namang nagawa ang babae nang hilahin na siya papunta sa gitna. Naiwan naman ang limang Baron na kasalukuyang umiinom.

"Teka, nasaan sina Zeta at Apolo?" nagtatakang tanong ni Magi. Ngayon niya lang napansin na wala na pala ang dalawa sa table nila.

"Itinakas na ni Apolo si Zeta kasi nandito si Andrés. HAHAHA!" natatawang sagot ni Ivy na nakatingin kay Andrés.

"Wala akong gusto kay Zeta. Kilala niyo naman ako, bihira akong magkagusto sa isang babae," saad ni Andrés tsaka uminom ng alak.

"Eh ano? Sa lalaki ka mas interesado?!" biro naman ni Paris na ikinatawa ng lahat maliban kay Andrés.

"Tss." Uminom lang ulit si Andrés.

"Si Kimberly? Kamusta na siya? Balita ko textmate kayong dalawa." Nanunukso ang mga tingin ni Magi. Muntik ng maibuga ni Andrés ang iniinom na alak dahil sa sinabi nito. Tinawanan lang siya ng apat nang makita ang reaksyon niya.

Assasino Playground (Completed)Where stories live. Discover now