Kabanata 09

33 6 0
                                    

KABANATA 09

(ZETA'S POINT OF VIEW)

Kinabukasan.

Nandito ako sa labas at kasalukuyang naglalakad. Nasa may tapat ako ng mataas na gusali kung saan kami nagkaklase.

Nakasuot ako ng jogging pants at maluwang na t-shirt. May balak kasi akong mag-exercise sa malawak na field. Simula nang sabihan ako ni Magi na tumataba ako, hindi na talaga ito mawala sa isip ko. Binibiro lang ako pero sineryoso ko naman.

Kakaisip ko kay Magi, natanaw ko siya sa di kalayuan. Patalon-talon pa siya habang naglalakad. Good mood siya ngayong umaga.

Kumaway siya sakin nang makita niya ako. Binilisan niya ang paglalakad papalapit sa akin.

"Kamusta, Mrs. Dee?" bungad nito. Lumingon-lingon naman ako para hanapin kung sinong kinakamusta niya. Walang tao maliban saming dalawa.

"Sinong kinakausap mo Magi?" Kinabahan naman ako. Baka may nakikita na pala siya na di ko nakikita.

"Ano ka ba?! Syempre ikaw!"

"Ha?" naguguluhang tanong ko.

"E anong Mrs. Dee ang pinagsasabi mo? Zeta ang pangalan ko. Nagka-amnesia ka na ba?" dagdag ko pa.

"HAHAHA! Huwag ka ng maglihim. Nakita ko kayo kahapon ni Apolo, nakaakbay pa nga sayo e." Natahimik ako bigla. Bakit sa dinami-dami ng makakakita, e si Magi pa??

"Teka, wala kaming relasyon, okay?" pagtatanggi ko naman.

"Sus! Mabait naman si Apolo, hindi naman siya katulad ng mga basagulerong estudyante dito."

"Mabait?! Alam mo ba kung anong ginawa niya sakin nung welcoming party? Hinila ba naman ako tas niyakap at kung ano pang pinagsasasabi niya. Hinalikan pa ako sa leeg!" Napatigil ako nang mapagtanto ko kung anong nasabi ko. Pahamak na bunganga.

"YIEEEE!!!" Napatili naman si Magi at tumalon-talon. Hindi ko maintindihan. Ano bang nasabi ko at parang kinikilig pa siya?

"Magi! Mabait ba ang ganon?!" inis na bulalas ko.

"Sorry sorry...Naexcite lang ako sa sinabi mo." Inayos niya ang suot niya at hinarap ako.

"Ha? Anong nakaka-excite don?" Nagkatitigan kaming dalawa. Kapag ganyan ang laki ng ngiti ni Magi, pakiramdam ko hindi ko magugustuhan ang mga susunod niyang sasabihin.

"Wala ka ba talagang ideya kung anong ibig-sabihin ng ginawa ni Apolo?"

"Wala, hindi ko alam," sagot ko naman.

"Ako na den ang magsasabi sayo. Sayang naman kung hindi mismo si Apolo ang magsasabi nito."

"Sabihin mo na lang, Magi." Hinawakan ko ang balikat niya. Kinakabahan ako pero mas gusto ko na lang na marinig ito kay Magi kesa kay Apolo.

"O sige na nga."

"Nang sandaling hawakan ka niya at yakapin, idineklara niya ng pagmamay-ari ka na niya. Syempre ikaw, hindi mo siya pinigilan---

"Magi, pinilit ko siyang itulak," pagsisingit ko naman.

"Ayaw ka na niya sigurong pakawalan. At isa pa, nang halikan ka niya sa leeg ay may ipinapahiwatig na siya sayo..."

"At ano naman yon?"

---

I'm his bride?!

I'm the assassin's bride?!

Nakahawak ako sa buhok ko habang iniisip ang mga sinabi kanina sakin ni Magi. Naglalakad ako pero hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.

Assasino Playground (Completed)Where stories live. Discover now