03

21 5 1
                                    


[Ikatlong kabanata]

Alas-onse na ng gabi pero hindi padin ako dinadalaw ng antok.
Habang nakahiga at tulala lang sa kisame kasabay ng pang gugulo ng mga alalahanin ay naalala ko ang aming tagpo ni Arlo kaninang umaga.

Tumakbo na ako papalayo, hindi masyadong matulin dahil baka madulas ako sa putik ngunit hindi
Pa man lang ako nakakalayo ng tawagin niya ako.

"Sofia!"

Sigaw niya dahilan para mapalingon ako.

Bigla siyang ngumiti at sumilay nanaman ang kanyang magandang mga ngipin. Maging ang kanyang mga mata ay nangungusap din sa akin.

Sandali akong hindi nakaimik hanggang sa maramdaman ko na ang pag-tila ng ulan at pag-silip ng araw.

Hindi ko na mapigilan ang aking nararamdaman.

Pakiusap Arlo! Wag mo na sana akong itrato ng ganito! Dahil baka...

Baka tuluyan akong mahulog sayo.

Bagay na pinaka ipinagbabawal.

Isang malaking tunog ang umalingaw ngaw sa buong kalangitan at ang mabilisan na pag liwanag sa paligid na idinulot ng kidlat.

Sa hindi ko maunawaang dahilan ay napatakbo ako kay Arlo at napayakap pa habang nakapikit ang mga mata.

"Takot ka pala sa kulog at kidlat?" Ngisi niya dahilan para magising ang aking diwa at mapakalas sa pagkakayapos sa kanyang matitigas na bisig.

Para akong batang takot na takot sa kulog na napa yakap sa tatay. Nakakahiya!

Nilingon ko si Arlo kahit pa hindi ko talaga magawang tumingin sa kanyang mga mata.

Nakangiti siya habang nakatingala sa langit at tila tuwang tuwa sa pagtigil ng ulan.

Bigla siyang tumingin sa akin kaya naman na pa iwas ako at naudlot ang aking tingin na may halong pagnanasa. Hyaaaah.

Tumikhim siya bago mag salita.

"So... Tayo na?" Tugon niya dahilan para gulat akong mapatingin sa kanya with matching taas kilay. My gosh ka Arlo... Ang bilis mo naman ha! Kami na daw? Sesegeten ke ne be? Hmmmm... Dapat siguro mag pakipot muna ako. Kimii.

"Hoyy, Sofia ayos ka lang ba, babalik na tayo dahil baka umulan nanaman. at baka hinahanap na din tayo dun... Balik na lang tayo next time para mapuntahan natin yung lawa" saad nya kaya natauhan ako at napatango na lang sabay takbo na parang bata.

Alas-sais na ng umaga ng makarating kami sa mansion, sa likod padin kami dumaan at saka ko napuna na napaka dami din palang puno ng saging na madadaanan, madilim pa kasi kanina kaya hindi ko masyadong napansin.

Paint My SunflowerWhere stories live. Discover now