18

9 3 0
                                    

[Ika-labin walong kabanata]

"Miss Athena, ito na po ang iyong bagong kuwarto" saad ni aleng Karina sabay bukas sa pinto nang nasabing silid at agad namang tumambad sa aking paningin ang kulay dilaw na pader. Kalmado akong nag lakad papasok sa pinto nang silid pero sandali akong natigilan dahil sa mga dekorasyon na naka paligid sa loob.

Maraming painting pero lahat iyon ay sunflower na iginuhit ng sikat na pintor, si Van Gogh. Pumanaw na ito subalit tumatak na ang kaniyang mga obra at ang ilan ay napa bilang sa mga maituturing na 'impressionism'.

"S-sino po ang dating may ari nang kuw—" hindi ko na na-ituloy ang aking sinasabi nang mapag tantong wala na pala akong kasama at kausap.
Napa kamot na lang ako sa ulo dahil paulit-ulit nanamang gugulo sa isip ko ang mga painting at ang ganitong ayos nang silid.

Isinara ko na ang pinto upang maka pag pahinga at pansamantalang na upo sa kama. Kahit ngayon lang ako rito, ramdam na ramdam ko ang magaan na atmosphera nang paligid bagay na nakaka dagdag pa sa kumportable kong pakiramdam.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago ituon ang tingin sa paligid. Bakit ba kasi puro sunflower rito? Tuloy, nag sisimula nanamang mag halo-halo ang aking emosyon. Tsk, una ay saya, saya dahil paborito ko ang sunflower, pangalawa, hindi maunawaang kasabikan at ang huli ay mag ka halong sakit at lungkot. Tsk. Bakit ko nanaman ba na aalala ang lahat.
Napa ngiwi na lamang ako bago maka dama nang pagka bagot. Muli ko na lamang inilibot ang aking paningin sa paligid at saka naka ipon nang sigla upang pakialaman ang disenyo at mga gamit.

Nag simula na akong mag-libot sa katamtamang sukat nang silid. Siyempre, hindi ako maka kampante hangga't hindi ko na sisiyasat ang kabuoan nang kuwarto.

Maganda ang bawat detalye nang kuwarto, maaliwalas, presko sa paningin, malinis, mamahalin ang mga gamit, pero bakit parang may kulang? Sandali akong naka pag isip isip at isang magandang ideya ang nag laro sa aking isipan pero . . . Antok. 'yun ang naging hadlang para ipag-patuloy pa ang gawain kung kaya't agad na lamang akong lumundag sa kama at ilang minuto pa ang naka lipas nang matagpuan ang sariling may mahimbing na na tulog.

***

Third peron's POV.

"Arlo, saan mo ba ako dadalhin?" Inis na wika ni Sofia habang ma-ingat na hinahakbang ang paa upang maka iwas sa pagka-dapa. Naka piring kasi ito gamit ang mala-lapad na palad ng binata na siyang mag hahatid nang surpresa.

"Oy! Arlo ano nanaman ba kasi ito? Nai-inis na ako!" Ulit pa nito subalit nanatili lamang ang ngisi ng binita tanda nang pangiinis."Hoy! Ano kaba? Imbes kasi nandodoon ako sa bahay, gumagawa nang mga assignments and project, heto! Ina abala mo pa ako. Kaya ayan, since busy ako at inaabala mo ako, sabihin mo na kung saan tayo pupun—" natigilan sa walang humpay na pag sa-salita ang dalaga at napa pikit dulot nang matinding sinag na nangga-galing sa sasakyan.

"Saan tayo pupunta? Ha?, nako! Saan ba galing ang sasakyan na 'to? Hayst. Mamaya . . .  ninakaw mo 'no"

"Shsh, shsh, ang ingay mo talaga Sofia, ang mabuti pa, sumakay kana lang at siguradong magiging masaya 'to" giit nang binata subalit hindi parin niya nagawang makumbinse ang dalaga. Hay. 'Paano ba naman, malupet na babae ang napili mo'.

"Hindi ka sasakay" Mapag banta nitong ani subalit inirapan lamang siya nang dalaga at dahil dun, mabilisan niyang pinasan patiwarik ang dalaga na mgayon ay naka bihis uniporme parin.

Paint My SunflowerWhere stories live. Discover now