19

11 3 0
                                    

[Ika-labin siyam na kabanata]

                                            Enero, 17, 1997

Mahal kong Sabrina,

             Nais kong sayo ay ipag bigay alam ang tungkol sa pag balik ko sa El Salvador, marahil ay wala ka paring lubos na interes sa akin ngunit sana ay kahit kaunti man lang ay may pakialam ka patungkol sa liham na ito. Mabigat man sa aking dibdib ay hindi ko maaring baliin ang kahilingan ni papà sapagkat para din naman iyon sa aking ikabu-buti.

Maaring ito na rin ang huling liham na ma ipa-padala ko sa'yo pero nais kong ipag bigay alam na sa loob ng maikli nating pag sasama ay napa mahal kana sa'kin ng labis.

             Ang kuwintas na naka pa loob sa liham ay para sa'yo na ni likha ko sa loob ng dalawang araw, uma-asa ako na iyan ay iyong maiibigan, tanda narin ng aking lubos na pagmamahal.
Hanggang sa muli nating pagkikita, Sabrina.

                                          Nag-mamahal,
                                                           Hugo  

Matapos kong basahin ang huling liham ay itinupi ko na iyon saka isa-isang ibinalik ang iba pang mga liham na binasa ko. Na curious tuloy ako sa kuwintas na sinasabi ditonni papa. Ano kaya 'yun? Sigurado ay maganda 'yun dahil pinag hirapan 'yun ni papa. Naks. Hand made necklace.

Napa lingon ako sa bintana ng aking kuwarto at napansin kong in-abot na pala ako ng dilim sa ka ba-basa ng mga liham na isinulat ni papa para kay mama.

Na pag isip isip ko tuloy na kung may ganun pa bang lalaki sa panahong ito? Sobrang baduy man kung maituturing pero gusto ko ring maranasan 'yung ganun, 'yung gagawa talaga ng effort maka usap ka lang. Napa ngiwi ako sa isipin na kung ano ano na talaga ang puma-pasok sa isip ko. Siguro nga ay masyado na lang akong na bo-boring sa buhay ko dahil hindi naman talaga ganito ang buhay ng mga maka bagong kabataan. Na isip ko rin tuloy kung nasa manila ako lumaki. Siguro ay nag aaral na ako sa UP, USTe, o 'di kaya ay sa Ateneo. 'di sana ay marami na rin akong kaibigan, or na experience man lang 'yung mga gimik sa bar, party sa  mga condo ng kaibigan, Pop-up, or what so ever pang pag papa ka ligaya.

Nag tungo ako sa tapat ng bintana saka hinawi ang kurtina at saka na pag masdan ang buong paligid ng lugar, malawak na lupain at maraming puno, 'yun lamang ang na tanaw ko maliban sa mala hacienda na paligid. Hayst. Ang boring parin talaga kahit ang ganda ng view.

Napa sapo na lamang ako sa aking sariling ulo dahil sa matinding pagka bagot pero bago pa ako maka balik sa aking kama ay narinig ko na ang mag kasunod na katok at agad naman akong tumugon. Nag bukas na ang pinto at pumasok mula roon si mama na nag utos na bumaba na ako para maka sabay sa hapunan.

Isang mahabang hapag ang bumungad sa akin at napa awang ang aking bibig dahil sa dami ng naka hain na pagkain. Lechon, Igado, Inihaw na bangus, sisig, bulalo, menudo, adobo sa gata na manok at ang pinaka na kapag pa takam sa akin ay ang lechon kawali na una kong kinain.

Tahimik lamang ang naging takbo ng buong hapag samantalang na basag iyon ng ibinalita ni aleng karina na may nag hihintay kay lola sa labas. Ilang minuto rin iyon ng maka balik at na bigla ako ng mapansin na may kasama na itong dalawang lalaki.

'yung isa ay mukhang nasa late 40's na ang edad samantalang ang lalaki naman na nasa likuaran nito ay bata pa at sa tingin ko ay nasa kagaya ko rin lang na edad. Naka suot lang ito ng dark grey hoodie na tinernuhan ng black shirt.

Paint My SunflowerWhere stories live. Discover now