12

19 4 1
                                    

[Ika-labin dalawang Kabanata]

ILANG-MINUTO na akong naka titig sa salamin matapos kong maayusan.

I can't believe na mag susuot ako ng ganitong damit, 'yung damit na pinili ko pa sa mall ang mag pa-pahamak sa akin. Hayys. Hindi talaga ako sanay ng naka labas ng husto ang aking katawan kaya't nag da-dalawang isip pa talaga ako kung itutuloy ko ang pag dalo sa birthday celebration ni Don enrique.

Wala naman akong mahalagang bagay na gagawin roon, ang usapan ay patungkol sa plano, may mangyayari ba kung makiki join ako sa mga mayayaman na 'yun? Siguradong ma o-over place lang ako d'on 'no.

Na-putol na ang aking pag iisip ng magka-sunod na katok ang aking narinig mula sa pinto. "Sofia! Are you ready? Ma l-late na tayo, seven minute na lang ang natitira para sa biyahe" narinig kong paalala ni Arlo mula sa labas ng silid kaya naman tumindig na ako ng tuwid saka ibinalik ang tingin sa sariling repleksyon sa salamin.

Seryoso ba talaga 'to? Maganda naman sana pero hindi ako kumportable, Fitted gown siya kaya kitang kita ang magandang hubog ng aking katawan, kaso ang problema ay ang peklat ko sa balikat, ang peklat na bunga ng pag baril sa akin ni madam Zarina, elleven years ago. Sobrang kapal na foundation na ang in-apply rito pero hindi 'yun sapat para maitago ang peklat.

"Sofia are you okay!" Nagpa-panic na na tanong ni Arlo, sinimulan niya ng kalampagin ang pinto ng kuwarto kaya't nag desisyon na akong lumabas ng silid. Hayys. Napaka OA talaga nito.

Naglakad na ako papalapit sa pinto at bago buksan ay marahan ko munang ipinikit ang aking mata kasabay ng pag buntong hininga. Sa sandaling ito ay gusto kong i relax ang aking sarili ngunit hindi ko pa man lang naha-hawakan ang door knob ay kusa na itong bumukas at bumungad sa akin ang nag aalalang ayos nina Arlo at kuya Edwin na siyang driver naman ni madam Zarina.

"Bakit ba ang tagal tagal mong lumabas Sofia" tanong niya sa akin na nag aastang super worried about me.
"Ano bang pakialam mo?" Bwelta ko kasabay ng pag tingin sa kaniya na tila nag sa-sabing 'Control your emotions, baka mapag halataan'

Tinaasan niya lang ako nang kilay bago tuluyang maglakad paalis ngunit bago pa man siya maka layo ay muli niyang ibinalik sa akin ang kaniyang tingin, tingin na nagsa-sabing 'Oh, You look wonderful' Inarapan ko lang siya saka muling tiningnan na ang kahulugan naman ay 'You look nice too baby boy'.

'O ayan na nga, nag balik nanaman ang bangayan ng dalawa'

"Ah, Sofia, tara na"

Wika ni kuya Edwin dahilan para mag balik ako sa katinuan, bakit ba kasi ang lakas ng tama ko kay Arlo? Simula kasi ng pareho naming malaman ang katotohanan ay nag balik na ang dati kong sigla, grabe naman kasi 'yung malaman mong kapatid mo pala 'yung lalaking ini-ibig mo 'diba napaka heart breaking nun? Hayys jusko!

"Esusss Esusss, pag ibig nga naman, tsk tsk tsk, nakaka loko" pang aasar niya sa akin habang naglalakad narin papalayo, saka ko lang na realize na natulala nanaman pala ako.

Maputi si kuya Edwin habang may kulay brown na mata, matangkad at payat rin ang pangangatawan, pwede mo nga siyang ihambing sa foreigner e. Pero may edad na rin siya a.

Habang nagla-lakad ay maloko pa akong sinusulyapan ni kuya Edwin, puro irap lang ang pang-laban ko dahil sa tingin ko ay nakita niya 'yung mga unnecessary movements namin ni Arlo kanina. Nakakahiya. Teka! Napansin rin ba ni kuya Edwin 'yung eye contact naming dalawa, my gosh, legit! Nakakahiya!!!

Pagka rating namin sa sasakyan ay pinag buksan pa ko ni kuya Edwin ng pinto at matapos kong maka-sakay ay antimano niyang pina takbo ang sasakyan, may kabilisan dahil paniguradong mahuhuli na kami, at dahil 'yun sa ka artehan ko.

Paint My SunflowerWhere stories live. Discover now