07

9 4 0
                                    

[Ika-pitong kabanata]

HINDI nanaman ako maka tulog bunga ng panaginip at mga alaala na bumabagabag sa akin. Bakit nga ba nangyayari sa akin ang lahat ng ito? Bakit tila totoo ang lahat? Hindi ako mata-tahimik hangga't hindi nabibigyan ng sagot ang lahat.

Ang isa pa sa aking mga iniisip ay ang kabaitan na ipinapamalas ni Sandra. Aking na pag-alaman na siya ang nagbigay ng pera kina Geneva at Pipay para maka pamili ng bagong mga gamit. At isa pa... Bakit niya kaya kami isa-sama sa party? Ayon kay Geneva na siyang naka rinig sa usapan ng dalawa ay si Sandra ang naki usap kay Rico para maka punta kami sa birthday party ni Don Enrique.

Hayys. Mababaliw na ako dito!

"Sofia" narinig kong tawag ni manang Carmen mula sa aking likuran, nagulat ako dahil wala man lang akong narinig na kahit ka unting ingay ng maka pasok siya rito.

"B-bakit po" tanong ko sa kaniya ngayon ay naka bangon na sa kama.

Tinugunan niya lang ako ng ngiti sabay hawak sa aking braso.

Lumabas kami ng silid saka nag lakad patungo sa pool area dahil pribado raw ang aming pag uusapan. Dama ko sa kaniyang kamay ang kaba dahil na lang sa lamig ng mga palad nito na naka hawak sa akin.

Sinusubukan ko siyang pakalmahin pero paulit-ulit lang din ang kaniyang sinasabi. At 'yun ay ang ayos lang siya.

Nang makarating kami sa area ay nagtungo kami sa pinaka-sulok na bahagi roon. Maliwanang naman ang buong palagid dahil sa mga ilaw na naka pwesto sa bawat sulok ng mansyon.

Hinawakan niya ako sa mag kabilang braso saka ihinarap sa kaniya.

Balisa na si manang at may mga luha na rin ang namu-muo sa kaniyang mata, 'Ano bang nangyayari?'

"Sofia... M-may mahalaga kang dapat malaman" panimula niya na nagpa-kunot sa aking noo.

"A-ano naman po 'yun?" Tanong ko na lang na kahit sa hindi maunawaang dahilan ay nakadama ng magka-halong kaba at takot.

"Si-" hindi niya na naituloy ang kaniyang sasabihin at na tulala na lang sa aking likuran, gulat, takot, kaba, at sindak ang tanging namumutawi sa kaniyang mukha.

Nilingon ko kung sino ang kaniyang tinitingnan at maging ako ay na pa urong sa kinatatayuan ng makita si madam Zarina. Naramdaman ko pa ang pag lapat ng aking paa sa mismong paa ni manang dahilan na lang para alisin ko iyon. Siguradong na saktan siya doon pero hindi kona nagawa pang humingi ng paumanhin dahil ang lahat ng atensyon ko ay naka tuon na lang kay madam Zarina na dahan dahang nag lalakad papalapit sa amin.

Naka pang-tulog na ito at naka lugay ang buhok. Sa tingin ko ay nasa edad 40's na siya pero hindi parin kumu-kupas ang kaniyang taglay na kagandahan.

"Anong mahalagang bagay na dapat malaman... Manang?" Wika niya ng maka-lapit sa aming dalawa.

Lalo pang natulala si manang at ilang sandali pa ay dahan dahan ng bumagsak ang kaniyang katawan, na salo ko naman sana siya ngunit dahil mahina ako at mas malaki siya sa akin ay pareho din kaming nag landing sa damuhan.

Nagpa-panic na lumapit sa amin si madam Zarina at inalalayan pa akong maka tayo.

Matapos nun ay nag sisigaw na siya dahilan na lang para maagaw ang atensyon ng lahat at mag si pag-takbuhan patungo sa amin.

Pinag-tulungan ng dalawang lalaki na mabuhat si manang Carmen para maihatid sa silid ngunit kasabay nun ay isa nanamang alaala ang pumasok sa aking isipan.

Natigilan ako sa paglalakad ang napa hawak pa sa ulo na tila sasabog na sa sakit.

Dalawang lalaki ang nag tutulungan sa pag alasa sa isang babae na wala ng malay, may dugo ito sa gitnang bahagi ng tiyan na talaga namang pumukaw sa aking atensyon.

Paint My SunflowerWhere stories live. Discover now