21

21 3 0
                                    

[Ika-dalawampo't isang kabanata]

"Kumain lang kayo ng kumain, marami pa akong naka handa-Karina i-labas mo na nga ang iba pa nating pagkain, bilis!" Halos ma-taranta si lola habang naka tayo lamang at pina-panood kaming kumain. Kanina pa siyang ganiyan. Hindi ko alam kung bakit ganyan na lang ang pag trato niya kay tito Bernardo but I guess ay may sapat namang dahilan.

"Ma, okay lang 'yang si Bernardo, ang dami-dami mo namang pina-pakain, e. Siguradong busog na busog na 'yan. At baka mas lalo pang lumaki ang tiyan niya" pag bi-biro pa ni mama na ngayon ay nag hatid ng sigla sa hapag. "Ay hindi! Kilala ko 'yan si Bernardo, at alam ko na sobrang takaw niya!" Saad naman ni lola na ikina-tuwa ko. Bakit parang ang main goal lang naman nila ay dog-showin si Uncle. Napa iling-iling na lang si mama habang hindi na ma-alis ang ngiti sa labi. Ito ang unang beses na nakita kong sobrang saya niya.

"Huy Soyang, 'yang pagkain mo" naagaw ni Pipay ang aking atensyon ng ituro niya ang aking pagkain. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin iyon naga-galaw. Ito kasing sila lola,e. Nakaka distract.

Ibinalik ko na lang ang tuon sa pagkain, mabilisan ko lamang na natapos 'yun kung kaya't ma-aga rin naman akong naka balik sa kuwarto, Kasama si Pipay. Nakaka lungkot lang na hindi ko na kaka sabay sa pagkain si Arlo. Ayaw niya rin naman kasi.

"Hala ka! Kuwarto mo ba 'to!" Manghang tanong ni Pipay bago lumundag sa kama at mag sisigaw.
Para siyang timang.

"Bakit? Ano bang nakaka gulat sa kuwarto na 'to?" Tanong ko naman habang sarkastiko pang idinilat ang mata pero inirapan niya lamang ako.

"Luh, kanino namang painting 'to?" Nilingon ko ang bagay na tinutukoy niya at napa ngiti ako ng mapansin niya ang isang painting na nagla-laman ng kumpol ng sunflower.

"Hindi ko rin alam kung sino ang nag pinta niyan dahil pagka dating ko palang ay ganito na ang ayos ng silid" paliwanag ko ng maka lapit sa kaniya.

"Talaga?! Mukhang napaka swerte mo naman pala sa lola mo, mabait na, mayaman pa" mangha niya pang saad kaya napa iwas na lang ako.

"Hindi gaano"

"Huh? Anong sabi mo? Narinig ko 'yun" Natigilan ako ng itanong niya ang tungkol sa bagay na iyon. 'di ko in-akala na maririnig niya pa pala ang sinabi ko. Grabe. Inayos ko na lang ang aking tindig bago mag salita.

"Alin? Wala naman akong sinasabi ha?" Pag mamaangmaangan ko

"Ikaw ha! Ano 'yun?" Tinitigan niya ako sa mata kaya napa iwas ako at nag lakad na lang pabalik sa kama. Inilapat ko ang aking likod habang naka dipa ang mga braso.

"Hoy! Ikaw babae, umamin ka nga sa akin, may problema ka ba sa lola mo?" Bumangon ako mula sa pag kaka higa.

"Uy, sumagot ka nga! May problema ba?!" Ulit niya pa bago ko aminin ang totoo.

"E, kasi naman, e, lahat niya na lang pinapakialaman, kanina ay kina usap niya ako tungkol sa amin ni Arlo. Parang may iba siyang gustong ipahiwatig. Nakaka inis!" Paliwanag ko sa kaniya habang tila isang bata na nag su-sumbong sa ninang.

"Yun naman pala, e, may problema ka nga talaga. Nako girl! 'Wag mong hayaan na mag karoon kayo ng mis understanding ng lola mo dahil kay Arlo. At 'wag mo ring pabayaan na masira 'yung relationship ninyo ni Arlo . . . Wait? Ano nga bang meron sa inyo?" At tingnan mo nga naman ang bruha, e, ke dami daming sinasabi tapos ang ending ay ita-tanong sa akin ang ganiyang klaseng tanong. Napa yuko tuloy ako.

"Hoy! Tinatanong ka lang naman, bakit parang napaka lalim na agad ng ini-isip mo?" Ibinalik ko ang tingin sa kaniya.

"Kase . . . "

"Direktahin mo na kasi! Itanong mo kung ano nga ba kayo? Tapos kapag sinabi-" hindi ko na pina tapos ang sina sabi niya. "Stop! Do you think na magandang idea. 'yan? E, 'di ako 'yung nag mukha-" natigilan ako sa pag sa-salita ng nakaka inis na tumawa si Pipay. "Oy! Ikaw Patricia Aliye Marivelez! 'Wag mo nga akong pag-tawanan ng ganyan!" Pang aawat ko sa kaniya pero mas tumawa pa siya bagay na nag udyok sa akin para masabi ang bagay na hindi naman dapat. Christ! Nasabi ko na nag kiss kami ni Arlo!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 03, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Paint My SunflowerWhere stories live. Discover now