17

9 1 0
                                    

[Ika-labin pito na kabanata]

HABANG Sumusunod sa pag lalakad nina mama at kuya Jared na tinatawag niya ring William ay naka dama nang pagod ang aking binti kaya't natigilan ako sa paglalakad.

Matataas na damo ang naka paligid sa amin at wala ring kasiguraduhan ang aming pupuntahan. Saan nga ba kami papunta kung ganitong klase nang lugar ang madaraanan?

"William, sigurado ka bang dito ang daan nun?" Tanong ni mama na hanggang ngayon ay madumi parin ang kasuotan. Naka puting jocket ito at magulong naka pusod ang buhok paitaas. Samantalang ako, heto, naka pag palit na matapos mag suot nang black jeans at white na may manggas.

"Tita sigurado po ako, imposible namang mag ka mali ako rito e halos kaga-galing ko lang rito apat na buwan ang nakalilipas" saad naman nung william na hanggang ngayon ay gumugulo parin sa aking isipan ang pangalan niyang 'William', at isa pa, hindi ba sadyang tita lang ang gusto niyang itawag kay tita? Este mama? Hayst.

Ngayon ay kasalukuyan na naming tinatahak ang malawak na pilapil at mata-tanaw rito ang kumi-kislap na tubig alat dulot nang repleksyon ng araw. Maaliwalas ang paligid at malakas rin ang hangin dahilan para tangayin ang mahaba kong buhok. Hinawi ko ito saka nag simulang ilibot ang paningin sa paligid.

Maraming puno rito at tanging mga huni lamang nang ibon ang maririnig.
Narinig kona ang malakas na agos nang tubig na bahagi rin nang fishpond kaya't nilingon ko iyon at bahagya akong nanlumo nang mapag tantong daraan ako roon. Basta, hindi ko alam ang tawag sa part nang pilapil na may tabla at parang . . . Basta!

Naka tawid na si mama at Ja . . . William at parang bale wala lang sa kanila ito. Bakit ganun. Napa buntong hininga na lamang ako at natagpuan ang sariling naka titig sa daan na nag iisang tawiran. "Sofia kaya mo ba 'yan?" Na tauhan naman ako nang mag salita si William na ngayon ay naka lahad na ang palad sa akin. Kahit no choice at bahagyang nai-ilang ay hinawakan ko na lang ang kaniyang kamay at dahan dahan lang na nag lakad, at akalain mo naman o. Tatlong hakbang lang pala ang tatawirin pero hindi ko pa nagawa nang mag isa. Ang tanga tanga mo naman talaga Sofia.

Pag lapat pa lang nang aking paa sa kabilang bahagi nang pilapil ay agad ko nang binitiwan ang kamay nang lalaki at parang wala lang nangyari matapos akong mag lakad sa harap niya at sumunod kay mama.

Pakiramdam ko tuloy ay ang sama ko sa part na nilagpasan ko lang siya matapos kailangin ang kaniyang tulong. Pero wala akong pake. Ini-imagine ko pa lang na nag papa salamat ako sa kaniya at tumitindig na ang balahibo ko. No! No ! No! Mataas yata ang pride ko. Muli ay napa buntong hininga na lamang ako at ibinalik ang atensyon sa paglalakad at sinubukang habulin ang kanina pang tahimik na si mama.

"Ma— sabay na po tayo" napa pikit ako sa hiya matapos kong hindi magawang ituloy ang dapat sanay sasabihin. Bakit ba kasi hindi mo magawang tawagin na 'Mama' ang totoo mong Nanay. Bakit?

Inabot niya ang kaniyang kamay sa akin at hinawakan kona lamang iyon bago sabayan ang mabilis niyang paglalakad.

***

"Tatay!" Hagulgol ni mama habang naka hawak nang mahigpit sa akin. Mula pagka rating palang namin dito ay ayaw niya nang magpa awat sa pag luha at maging ako ay naha-hawa narin.

Kahit nag tataka sa mga nangyayari ay hindi ko parin nagawang itanong sa kaniya kung ano ang totoong nangyari sa tatay niya na lolo ko. At kung bakit rito naka libing gayung napapalibutan nang damo ang paligid at malawak na fish pond ang daraanan? Bakit sa isang lupa na dinaganan nang malaking bato na kung hindi ako nag kaka mali ay isang buhay na bato.

May kalayuan ito sa kalsada na kanina ay hinintuan nang pickup car na sinakyan namin kaya't hindi mawala sa akin ang ma pagod sa paglalakad.

"Siya ang lolo Isko mo" Samantalang, gulat naman akong napa lingon kay Jared/William na ngayon ay naka tingin lamang sa kawalan. Napuna ko na may luhang namumuo sa kaniyang mata subalit agad naman itong tumingala sa kalangitan, bagay na makaka iwas sa pag patak nang kaniyang mga luha.

Paint My SunflowerOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz