06

19 4 0
                                    

[Kabanata 06]

LUMAPIT siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit, habang tila nadudurog naman ang aking puso ng madinig ang kaniyang mga hikbi.

Mga ilang minuto rin kaming nag yakapan at inilabas ang mabigat na emosyon sa isa't-isa hangang sa tuluyan na nga akong kumalas sa pagkakakulong sa kaniyang mga bisig.

Hindi siya makatingin sa akin ng diretso at ganun din ako.

Sa mga sandaling ito ay ang bigat bigat talaga ng aking pakiramdam, parang ilang sandali na lang ay sasabog na ang aking dib-dib, gusto kong sumigaw, mag wala, pero ano namang maitu-tulong nun?

Wala na akong nagawa kun'di ang mag paalam sa kaniya at tuluyan ng lisanin ang silid. Ang bawat kong hakbang papalayo sa kanya ay may kakaibang gibat at lamig na naidu-dulot sa akin.

Pagka-labas ko pa lang ng pinto ay sumalubong na sa akin si Micky dahilan na lang para kabahan ako dahil bukod sa galing ako sa kuwarto ni Arlo na hindi ko naman trabaho ay umiiyak pa ako. Shocks!

"S-saan ka galing?" Tanong niya habang nag lalakad na papalapit sa akin. Sa loob ng halos tatlong lingo kong pamamalagi dito sa mansyon ay never niya pa akong tinanong o kinusap man lang, kaya naman nang laki ang aking mga mata buhat ng pagka-bigla at pananabik na muli siyang maka-daupang palad. Pero kasabay nun ay ang pag takbo sa aking isipan ng pangamba na baka kung ano nanaman ang isipin niya na nakita niya akong nang galing sa kuwarto ni Arlo. Woaaaah.

"Ah...E—" hindi ko na na-ituloy ang aking sasabihin ng mag salita na siya.
"G-gusto lang kitang makausap" seryoso niyang tugon na biglaang nagpa-tango sa akin. Makikipag-bati na ba siya sa akin? Kung ganoon ay dapat akong matuwa dahil mababawasan na ang aking mga alalahanin.

NGAYON ay kasalukuyan na akong nakahiga at pa pihit-pihit sa kama  dala na lang ng maraming bagay na gumugulo sa aking isipan.

Hindi ko magawang maalis sa aking isipan ang bagay na ipinag tapat sa akin kanina ni Micky. Ayon sa kaniya, kaya niya lang daw ako hindi pina-pansin ay dahil sa na hihiya siya, nahihiya sa nagawang pag-sisinungaling sa akin na nag tungo siya sa Manila para mag bakasyon, pero ang totoo ay nandito lang naman siya sa mansyon ng mga Salvador, at naninilbihan pa. Kung 'yun lang naman ang dahilan, bakit ipinag palit niya sa hiya ang lahat? Hindi ganun si Micky, kilala ko siya at kailangan kong malaman ang buong dahilan ng paglayo niya sa akin. Isa pa... Bakit nga ba siya na mamasukan dito? E hindi naman sila ma hirap na kagaya ko, sa totoo lang... Negosyante ang tatay niya, at ang Nanay niya naman ay isang public school teacher. Bakit sila pumayag? Anong dahilan at nandito si Micky? Sa dinami-dami ng bagay na gumugulo sa aking isipan ay hindi ko na namalayan na naka tulog na pala ako.

"Thenang! Thenang! Tawag ng isang babae na naka-tayo sa 'di kalayuan, malabo ang kaniyang mukha at hindi ko ito maaninag. "Anak? Saan ka ba nag-pupupunta? Nag-aalala na ako sayo, bakit ba kasi umalis ka sa higaan mo?" Sunod -sunod niyang tanong habang papalapit sa akin.

Matapos niyang maka-lapit ay marahan niyang tinuyo ang aking mga luha sabay halik sa aking noo.

Naka luhod siya sa aking harapan habang ako naman ay naka-tayo, hindi ko alam pero sa sandaling iyon ay ang liit-liit ko. May isang bagay siyang dinukot mula sa kaniyang bulsa at ini-abot niya iyon sa akin. "Mirasol" wika niya sabay hawak sa aking kamay na nakahawak naman sa sunflower at iyon ay itinapat niya sa aking dibdib. Kahit malabo ang kaniyang mukha ay nagawa ko paring maaninag ang ilang detalye sa kaniyang mukha. Mestiza at maninipis ang labi, 'yun lang ang aking nakikita, ngunit naka sisiguro ako na isa siyang magandang tao.

Paint My SunflowerWhere stories live. Discover now