20

8 2 0
                                    

[Ika-dalawa'mpong kabanata]

"Athena . . . "

"Bakit po?" Taka kong tanong kay kuya William dahil kanina ko pa siya ka harap pero wala man lang itong sinasabi. Puro simula lang at kung minsan ay mati-tigilan.

"Ahh . . . Ganito kasi 'yan, Athena, alam kung wala ako sa lugar para ungkatin ang tungkol sa inyo ni Arlo . . . Pero . . ."

Napa tikhim ako. "Na ano po? Na kalaban ng pamilya ko ang nanay niya?" Diretso kong ani habang masinsinang naka tingin kay kuya William. Na iilang siyang tumingin sa akin pero ilang sandali lang ay tumugon na rin. "Hindi naman sa ganun pero, isipin mo na lang ang kalagayan niyo, napa kumplikado 'di ba?" Saad niya pa subalit na pa buntong hininga na lamang ako.

Oo, totoo ang sina sabi niya, sobrang kumplikado ng situwasyon namin ni Arlo at maging ako ay hindi na rin akam kung saan pa patungo ang lahat. Kung ano ang kahahantungan naming dalawa?

"Pero . . . Susubukan kong kumbinsihin ang lola mo dahil—" hindi ko na siya pina tapos pa ng agad akong mag salita.

"Ano pong ibig sabihin mo?" May pag tataka kong tanong dahil sa totoo lang ay naku-kuha ko na rin ang kaniyang sina sabi.

"Hindi sa ganun pero . . . Ano kas—"

"Nasaan si lola?" Tanong ko kung kaya't na pipilitan na lamang itong tumugon.

"Basta kausapin mo siya ng maayos ha!" Paalala niya pa bago ako maka layo. Sumenyas na lamang ako hudyat ng 'Noted po!' kuno.

KASALUKUYAN kong tina-tahak ang hallway patungo sa opisina ni lola. Gusto ko siyang maka usap tungkol sa bagay na ito dahil ayaw ko namang magkaroon ng conflict sa pagitan naming dalawa.

Dalawang katok ang aking pinakawalan at ilang sandali lang ay nag bukas na ang pinto.

"Oh, hija? Anong kailangan mo?"

"Gusto lang po ki—" "Pumasok ka muna para maka pag usap tayo ng maayos" nag lakad na ito pabalik sa loob ng silid na sinundan ko naman upang maka usap.

Kulay brown na paligid ang sumalubong sa aking paningin. Parang puro varnish ang ginamit rito. May mga antigo rin na kagamitan. Mga lumang inukit na kahoy at ilang paintings na tanyag sa in the late 19th and early century. Siyempre. Hindi mawawala ang 'stary night' by Vincent Van gogh.

Nag lakad ako patungo sa upuan na nasa harap ng lamesa nito at ng maka upo ay direkta ng sinabi ang pakay.

"Ah, Oo, totoo na sinabi ko 'yun kay William dahil na hi-hiya naman ako na ako pa ang mag sa-sabi sa'yo . . . Ng tungkol sa bagay na iyon" Kalmado nitong paliwanag.

"Uhm, madam—lola, gusto ko lang din po sanang sabihin na . . . Hindi po natin kalaban si Arlo, at kahit kailan ay hindi magiging . . . "

"Paano mo naman na sabi?" Diretso ang pag kaka titig nito sa akin dahilan upang maka dama ng pagka ilang.

"Dahil matagal ko na po siyang kilala, at—"

"Hija, matagal na nga ba? E, ang sabi sa akin ng nanay mo ay halos walong buwan pa lang raw ang nakakaraan ng pumasok ka sa mansyon ng Salvador. Hindi ba't masyadong mabilis para ma hulog ka ka-agad sa kaniya?" Sandali akong natigilan. Bakit ba napaka kontra bida niya?

"Ah, Bueno, ikaw ang bahala!"

"Lola, Oo, walong buwan pa lang pero sa loob ng maikling panahon na iyon ay nakita ko na ang totoong siya" may pag mama-laki kong ani na naka pag pa ngiti sa kaniya. Ang baduy nung line ko dun ha! So cringe.

"Mukhang in-love na in-love ka nga sa kaniya" isang ma pang asar na ngiti ang pinukol niya sa akin dahilan para ma alala ko ang mga nangyari ka gabi. Nakaka hiya!

Paint My SunflowerWhere stories live. Discover now