16

12 3 0
                                    

[Ika-labin anim na kabanata]

"M-mama?"

Sandali akong hindi naka imik at matapos 'yun ay gulat na lamang na napalingon kay Arlo na ngayon ay uma-agos na ang dugo sa kanang balikat at maging sa . . . likod na bahagi.

"A-arl-lo!" Takbo ko papalapit sa kaniya subalit isang napaka lakas na pag sabog ang aking narinig na mas lalo pang naka dagdag sa kaba na iniinda.

"S-sofia—umalis n-na—kayo rit-to" pa utal utal nitong saad na mas lalo pang nag hatid nang awa sa akin. "Hindi! Hindi ka namin iiwan ni Nathan nang ganito . . . Naiintindihan mo ba 'yun?" Pag-tutol ko habang hindi ina alis ang tingin sa paligid sa isipin na anomang oras ay maaaring may panibagong bala nanaman ang tumama . . . O bomba.

"Kahit kailan . . . Sofia ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko . . . Sa oras na may masamang mangyari sa'yo . . . nang dahil lang sa pag aalala mo sa akin, naiintindihan mo ba 'yun?" Saad pa nito subalit hindi iyon sapat para iwanan kona lang siya nang basta basta. Kailangan naming maka alis dito nang buhay,  maka balik nang mag-kasama.

"Ate, I Can't . . . Sobrang sakit na nang sugat ko sa paa" reklamo ni Nathan na halos hindi maka tingin sa kaniyang kabuuan. "Please po!" Ulit niya subalit napako na ang aking tingin sa ka awa-awang si Arlo.

Tuluyan nang kumawala ang mga luha sa aking mata na halos hindi na maidilat. Masakit sa aking makita ang kalagayan nang dalawa, una ay si Nathan na sobrang bata pa, siguradong napa ka sakit nang sugat niya sa paa kaya hindi na siya maka lakad. At si Arlo na hindi kona alam kung paano pa maisa-salba. Sobrang lala na nang tama niya sa likod at kung hindi siya agarang maisu-sugod sa Ospital ay malamang, mauubusan siya nang dugo.

"Sofia!"

Tawag nang isang babae na naka pag pa gising sa aking natutulog na pagka tao, kanina pa akong naka tulala sa kawalan at siguro ay dulot nang lubhang pangamba.

"Mama" sa wakas ay muli siyang lumitaw ngunit nasa masukal na gubat ang kaniyang kinaroroonan.
Mabilisan itong nagta-takbo papalapit sa amin saka nag wika. "William! Tulungan mo akong maisakay siya sa sasakyan" nagulat naman ako nang may tawagin siyang pangalan at nang sundan ko ang kaniyang tingin ay nanghina ang aking mga tuhod dahil ang tinutukoy niyang William ay . . . Ay si Jared.

"Bilis na Sofia! Saka kona sa'yo ipapaliwanag ang lahat, pero sa ngayon, kailangan muna nating maka alis rito at mabigyan na nang lunas . . .  Si Arlo" saad nito kaya tuluyan na akong naglakad papalapit sa isang pick-up car at nang maka sakay roon ay bahagya akong naka hinga nang maluwag.

Si tita ay na upo sa passenger seat at kami naman ni Arlo ay nasa likod na mag kabilang sulok, pinapagitnaan namin si Nathan.

Tahimik lang ang naging biyahe at ni isa ay walang umimik. Siguro ay dahil narin sa awkwardness na namamagitan sa isa't isa, ilangan ba.

***

"Sofia! Gising na!" Naalimpungatan ako dahil sa pagyugyog sa aking balikat at nang imulat ko iyon ay bumungad sa akin ang kalmadong mukha ni ti . . . Mama.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at saka na pag tantong nasa loob parin ako nang kotse. Madilim parin ang buong paligid kaya siguradong ilang oras o minuto pa lamang akong nakaka idlip at ganun din ang biyahe. Pero teka, nasaan na si Nathan at Arlo na kanina ay katabi ko?.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto nang kotse at bumungad sa akin ang madilim na paligid. Tumingala ako sa kalangitan at ang nag ku-kulay asul at ma hamog nitong bahagi ang aking natunghayan. Tsk. Siguradong madaling araw na ngayon, at nasaan naman kami? Dahil sa kakulitan at kaaatatan na masagot ang mga tanong na gumugulo sa isipan ay walang pag aatubiling nag lakad patungo sa kinaroroonan ni tita. Naka tayo ito sa tapat nang pinto, sa pinto nang maliit na barong barong.

Paint My SunflowerWhere stories live. Discover now