PROLOGUE

9 0 0
                                    

"Ladies and Gentlemen. Welcome to Ninoy Aquino International Airport. Local Time is 5 in the afternoon, and we are about to land at time of 5:25 with the temperature of 25°c..." Panimula ng Cabin crew na naghahanda na sa pagland ng eroplano.

"...On behalf of Asialine Airlines and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice day!"

Pagkababa ko ay tinanggal ko na agad ang eye glass ko na Harry Potter specs ang style at trench coat dahil nasa tropical country na naman ako. It's been 7 or 8 years I guess, simula nung huli kong tapak dito. Kinalimutan ko na ang lahat ng memories na meron dito at nag start ulit ng panibagong buhay sa South Korea.

"Ate Selene! Here!" Napalingon tuloy ako sa taong tumawag sa akin. Tsk. It's Daphne, my cousin. Nakita ko rin ang iba ko pang mga pinsan. Nagtaka naman ako kung bakit sila pare parehas na naka blue na shirt.

Isa isa ko naman sila niyakap ng makalapit ako sa kanila. Apat silang nandito. Bakit kelangan nandito silang lahat, wait si Scoth lang ang wala. Anong meron? May party? Di ako informed ah.

"Selene, Tara na. Baka hindi pa natin maabutan ang Game 6 Finals ni Scoth." It's Kuya Levin, ahead siya ng 5 years sa akin.

"Game 6 ng Finals?" Tanong ko dito, anong finals na naman kaya itong mga sinasabi nito?

"Yea. Alam mo naman na nasa Professional Basketball na si Kuya Scoth diba? Nakapasok ang team niya sa finals at nakuha pa ni Kuya ang Rookie of the year. Kaya kailangan daw niya ng support." Mahabang litanya naman nitong si Daphne.

Napangiti nalang ako ng mapait nang banggitin niya ang basketball. Did he still pursue his dream to be a Professional basketball player? I am pertaining to a guy I know way back my college days.

"Yabang niya. Kapag natalo sila, nakakahiya siya. Pfft- Lt yon, jusme." Natatawang sabi ko. Naglalakad na kami papunta sa sasakyan namin.
Dalawa ang dala nila kaya pinasok na ni Kuya Levin ang luggage ko sa compartment ng Sasakyan niya.

Nagpark lang sila sa malapit na parking lot ng arena. Nung bumaba ako sa kotse tsaka ko lang naalala ang suot ko.

"Thea, tingnan mo ang suot ko. Para akong balot na balot." pagrereklamo ko sa pinaka close kong pinsan, we're just same age.

"Papupuntahin mo ako ng arena na ganito ang suot ko?" tiningnan naman ng mga pinsan ko ang suot ko. Naka highwaist na jeans at naka turtle neck na longsleeve ako na kulay pula. Naka boots pa. Sobrang init! Argh, what a weird clothes.

"Ayos naman Selene e." Natatawang sabi ka nito. At natatawa talaga siya ah?.

"Mukha kang endorser ng H&M." Dugtong pa nito. Sumama naman ang tingin ko sa kanya. Silang lahat ay palihim na tinatawanan ako.

"O, nag provide na kami ng shirt mo. Pare-parehas tayo sasabog mamaya." Binato niya sa akin iyon. Buti nalang, kala ko mag turtle neck ako hanggang mamaya.

"Wait lang. Buksan ko lang luggage ko, parang may highwaist short ako dito." binuksan ko yung compartment ng kotse ni Kuya Levin at hinanap ang highwaist ko at tsaka nagpalit.

Nag lalakad na kami papasok ng arena, mabuti nalang konti lang ang tao sa labas at lahat yata ay nasa loob na. Nung nasa seat na kami, nagpasama ako kay Thea sa CR, natawa naman ako sa shirt na suot namin dahil nakatatak duon ang surname ng family namin at number ni Scoth.
Mas di hamak na mas malaki pa Surname namin kaysa sa logo ng team ni Scoth. Sinuot ko na rin yung Harry Potter style shade ko, dati may grado ako sa mata pero di ko na rin tinanggal ang eye glasses ko dahil nasanay na rin ako.

The Basketball Player and The Club PresidentWhere stories live. Discover now