CHAPTER TWENTY-TWO

0 0 0
                                    

SELENE'S POV

"Makakapag intay 'ho ba kayo? Kailangan ko lang po iprepare ang mga gamit na itatahi ko po sa sugat ninyo." tumango lang ang matanda at sinimulan ko na mag lakad.

Naramdaman ko ang presensiya na kevin sa labas ng tent pero nagpatuloy nalang ako at pumunta ng kabilang tent para kuhain ang gamit... Nagtatanong pa nga ako sa mga kasamahan ko kung nakita ba nila si Yohan pero hindi daw. Siya dapat ang assistant ko dito pero wala naman siya.

Pumasok na uli ako at naramdaman na naman ang pagpintig ng puso ko nang makita ko siya sa peripheral vision ko...

"Punta nalang 'ho kayo dito para makita ko po ng maayos ang sugat ninyo." naglakad palapit sa akin ang matanda at umupo sa maliit na hospital bed. Tinutok ko din ang malaking ilaw namin dito para makita nang tuluyan ang sugat niya. "Kailan pa 'ho ito?"

"Kahapon lang. Nasanggi ako sa yero ng bahay namin." tumango lang ako dito sinabi sa kanya ang mga gagawin ko para hindi na magbuhkas pa ang sugat niya.

Habang ginagamot ko ito ay nag kukuwento lang siya para bang paraan niya din para hindi matuon ang atensyon niya sa sakit ng sugat niya. Ako din naman ay sumasagot sa kanya habang ginagamot siya. Naka medical mask naman ako kaya okay lang...

"Pinilit ako ng batang iyan na mag pagamot e." hindi ako agad nakasagot at hindi alam kung sino ang tinutukoy.

"Sino 'ho?"

"Yung lalaki diyan sa labas. Siya ang nagpumilit." narinig ko pa ang maliit na pagtawa niya dahil sa sinabi niya.

"Mas okay lang po na pinilit niya 'ho kayo kaysa naman po pasukan pa ng mga bacteria ang sugat ninyo baka lalo lang po itong lumalala."

Ilang minuto pa ay natapos na ako sa paggagamot at pagtahi sa sugat niya. Niresetahan ko lang siya ng gamot para mas lalong maghilom ang gamot.

"Pumila po kayo duon sa mga nagbibigay ng gamot. Libre po nilang ibinabahagi iyon basta ibigay niyo lang po prescription ko."

"Salamat, hija." nginitian ko lang siya at patuloy nang lumabas. Dumiretso na ako sa pwesto ko kanina para ligpitin ang mga kalat. Napalingon uli ako saglit sa labas at nakitang wala na ang bulto ni kevin duon at nang matanda.

Day Three na namin sa Pangalawang Baranggay dito sa Tanay. Masaya na may natutulungan ka nang libre dahil ang community talaga nila ang mga dapat pagtuunan ng pansin dahil malayo sila sa kabayanan. Kanina nga ay may nakita kong mga katutubo na nag punto dito at pinaunalakan namin sila ng mga programa na mayroon kami.

Nuong nalaman ko nga na ako ang isa sa mga kinuha ni Kuya Levin para sa project na ito ay nag reklamo ako e. Dahil halos wala pa akong isang buwan na nagtra trabaho sa hospital ay gusto niya agad ako ilagay sa iba.

Nag lunch break muna kami at binigyan kami ng isang oras na pahinga. Pagkatapos kong kumain ay hindi ko napigilan na pumunta sa kwarto namin ng mga iba kong kasamahan na doctor. Hinihila ako ng antok ko.

Naalimpungatan ako nang gising at agad na umupo sa kama. Tiningnan ko ang phone ko at napatayo nalang ako bigla na kinasakit din naman ng ulo ko dahil tumama ang ulo ko sa double deck na hinihigaan ko kanina.

Napasapo ako ng wala sa oras dito at napatingin din sa phone ko na halos alas dos na pala ng hapon. shit, Bakit hindi ako nag ring tone???! Ala una ang simula ng afternoon shift para sa medical mission.

Nag ayos lang ako ng sarili ko at tinali uli ang buhok ko. Kinuha ko na rin ang white coat ko at nagmadali na lumabas ng transient house na tinutuluyan namin. Imbis na five minutes walk ang nangyari papuntang gym ay tinakbo ko ito ng three mnutes dahil panigurado ay nagagalit na sa akin ang mga tao dito.

The Basketball Player and The Club PresidentWhere stories live. Discover now