CHAPTER EIGHT

0 0 0
                                    

What does ninang mean??? I mean it is clear on my head on what word ninang said pero ang hindi ko lang maintindihan ay bakit siya magiging pasyente?

Wala namang mali sa kanya diba? He looks fine. Wait--- okay nga lang ba siya?? Kasi hindi naman lahat ng nakikita natin sa tao ay okay talaga sila diba?

"Oh, hi!" napatingin ako sa taong nasa likod ko. "May nakaupo?" he asks. Siya yung basketball player na pinag autographan ni scoth.

Umiling lang ako sa tanong niya. Nasa library ako hindi para magbasa kundi para mag isip ng mga salita na binitawan ni ninang aireen nang gabing yon.

"Tourism Student ka?" napalingon naman ako dito sa katapat ko.

"hindi." maikling sagot ko lang

Narinig ko lang siyang tumawa na para bang peke pa ito.

"Bagay sayong mag tourism." kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi. "kasi maganda ka." ayown! Bumanat, kaya pala.

Nginitian ko lang siya ng peke at nag excuse na ako na aalis. I have a bad feeling about his presences kaya mas gugustuhin ko nalang na umalis sa tabi niya.

WEDNESDAY. Wala akong pasok at saktong wala din duty si daddy habang nanunuod kami ng movie ay napatanong ako tungkol kay Ninang Aireen.

"Dad..." lumingon ito sa akin. "Lahat ba ng pasyente ni Ninang Aireen ay may mga major problems?"

"Hindi naman lahat... Bakit mo natanong?"

"How about ano dad.... Umhhhhh" pinakikiramdaman ko pa siya dahil baka mag taka siya sa tatanungin ko. "May idea ka ba sa mga tao na dina diagnose ni Ninang Aireen?" dad creased his forehead.

Eto na nga ba ang sinasabi ko e. Talagang magtataka siya sa tatanungin ko sa kanya pero kahit ganon ay hindi pa rin nag atubili na sagutin ang tanong ko.

"Yung may mga sleeping difficulties, eating behaviors, depression or pstd" p-possible kayang ganon yung meron siya?? Paano kung mas worst pa?

pero huwag----- hindi naman siguro ganon kalala ang conditions niya.

"It depends... Alam ko mas madami pa don." napapatango nalang ako sa sinasabi ni dad.

Hindi masyadong alam si dad sa ganito pero mas lalong ako... Wala akong idea sa ganito since hindi pa naman ako med student.

"What are the ways treat them, dad?" he think first.

"Depends... There's a Medicines, Psychotherapy Talk or sometimes just a peer group." napatahimik lang ako habang malalim ang Iiisip sa sinabi ni dad.

"Bakit mo natatanong ang mga yan?? Hindi na ba pag pe pediatric ang focus mo ngayon?" Napa tingin naman agad ako sa sinabi ni dad.

"no dad.... Uhmmm" nag iisip ako nang pang alibi ko kay dad. "May kakilala lang ako kaya nag tatanong lang ako."

KINUHA ko ang pe uniform ko sa locker dahil pe na namin ang susunod na subject and yes, wag na kayong mag taka dahil hanggang college may pe pa rin.

Pagkatapos kong mag palit at mag ayos ay pumunta na rin kami sa gym dahil nanduon na daw ang pe instructor namin.

"Attention everyone!!" si sir na yon. "As you can see, may mga obstacles....." nag explain lang si sir ng gagawin namin. "Sila ang mga tutulong sa inyo... Our Stars Player Vera, Vierre and..... Arcello"

my eyebrow arches when i hear his surname kaya napasilip ako sa pagitan ng mga blockemates ko... Nakatayo siya duon kalapit ni sir at bakit kailangan naka jersey uniform pa siya?? Hindi naman siya maglalaro dito.

The Basketball Player and The Club PresidentWhere stories live. Discover now