CHAPTER ONE

4 0 0
                                    

"Selene, Make sure that you're grades this Midterm is on line of 1." It's Mom. So strict when it's comes to my studies, future and also those people around me. The cons of being the only child. "Selene! Did you hear me?" tsaka lang ako napatingin kay mom nung tinawag niya uli ako. Ganon din si Dad.

"Yes, Mom." tumango nalang ako. I have no choice but to do what her wants or else she will not allow me to lead my organization in school. Kahit alam kong hindi pa tapos ang umagahan ko ay mas pinili ko nalang na pumasok na ng school.

Ihahatid na sana ako ng family driver namin ng may bumisita sa labas ng bahay kaya nilabas ko kung sino ito. Si Thea pala, she's my cousin and at the same time my friend. Sinesenyasan na niya ako na sumabay na sa kanya kaya nagpa alam muna ako sa driver na kay Thea nalang ako sasabay.

"Buti pinayagan ka ni Tita, gamitin yan?" pagtutukoy ko sa vios niya.

"Ahuhhhh. Nasa good mood ang mother ko ngayon kay okay lang. Hahahahha. Sana araw araw siya ganon." Sa sobrang good mood ni Tita mukhang nahawaan niya ang magaling niyang anak.

Hindi na ako nagsalita. Salungat na Salungat yung mood namin this morning.

"Party tayo after Midterm Exams ha?" Di napapagod ang bunganga niya kadadaldal. Napahilot naman agad ako sa ulo ko dahil naalala ko na naman ang Midterm.

"Please, Thea! For a meantime, stop thinking about the freaking Midterm." Nasigawan ko pati siya sa sobrang stress ko.

"Selene!!! Cheer up! Ang ganda ng umaga ko tapos ikaw itong..." hindi ko na siya pinatapos at may tinuro sa kanya.

"Baba muna tayo ng Conviniece Store." pagka baba niya sa harapan bumaba na agad ako sa sasakyan at bumili ng makakain. Naalala kong hindi din pala ako nakakain ng maigi sa bahay.

Habang kumakain ako yung katabi ko naman ang nag dra drive. Nasa tapat na kami ng school duon na ako nagpababa, mas malapit ang Building Department namin sa Entrance.

Maglalakad na sana ako ng may nakita akong dalawang batang lansangan na naghahalungkat sa trashbin ng school. Lumapit ako sa kanila, at halatang wala talaga silang matitirhan.

"Mga bata, anong hinahanap ninyo diyan? Madumi diyan." nung narinig nila ako tsaka lang sila lumingon masyado silang busy sa paghahalungkat.

"Makakain po." sabi ng isang lalaking bata na sa tingin ko ay nasa pitong taong gulang. Kinuha ko naman ang pagkain na nabili ko sa Conviniece Store kasama na ang Chocolate Drink.

"Eto." hinarap ko sa kanila ang pagkain. Ngayon nasa harap ko na silang dalawa at parehong nakatingin sa akin. "Tig isa kayo ng tinapay tsaka hati nalang kayo sa chocolate drink, okay ba yon?" tumango naman sila parehas na may ngiti sa labi.

"Salamat po, ate. Kagabi pa po kami hindi kumakain" kumakain na sila parehas at halatang gutom na gutom nga. Hahaha Sobrang laki ng kagat sa pagkain nila. "Ako nga po pala si Jericho tsaka kapatid ko po si Jerica." halatang wala ng maisip na pangalan ang magulang nila sa kanila. Napatawa nalang ako sa isip isip ko.

"Alis na ako, may klase pa ako." tatayo na sana ako ng may maalala ako. "Alam niyo ba uwian dito?" umiling naman si Jericho "Sige, umhhhhh dito lang kayo, okay? Tapos tanungin niyo siya" tinuro ko si Manong Guard. "Kung malapit na uwian, okay? Huwag kayo aalis. Babalik ako ng Tanghali, dadalhan ko kayo ng pagkain, okay ba yon?" Tumango naman si Jericho habang nakikinig sa akin. Kumaway na ako sa kanila tsaka pinagbilinan ko din sila kay Manong Guard.

Napangiti nalang ako sa mga bata. This is what makes me happy, helping the kids. They're really make my heart softed. I am already in 2nd year College taking up Bio, my parents are both Doctors as well, kaya wala din choice kundi I take up and related sa Medicine. To be honest, my mom wants me to be a Surgeon but it's a no for me, sabi ko mag pe pediatric ako.

The Basketball Player and The Club PresidentWhere stories live. Discover now