Chapter 1

30 18 5
                                    

CHAPTER 1
News

"Congratulations, Elly!"

I was walking on the corridors and the students who saw me keeps on approaching, some are smiling at ang iba naman ay namamanghang nakatitig saakin.

I nodded at them and smiled. Actually, hindi ko rin talaga alam kong paano ko sila haharapin. Ganito na ang pakikitungo nila saakin noon pa man pero hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung ano ang e rereact ko sa tuwing nakakatanggap ako ng papuri galing sa iba.

Nanalo kasi ako sa quiz bee contest kahapon na dito lang din ginanap sa paaralan. Simula noon ay suki na talaga ako ng mga patimpalak sa school. Palagi akong nakakatanggap ng papuri sa mga teachers dahil palagi kong naipapanalo ang bawat competition na sinasalihan ko. Ever since elementary ako rin ang na ngunguna sa klase. If you call it a genius then maybe ganoon nga talaga ako.

Kaya kapag sumasali ako sa mga contest na dito lang din sa school ginaganap ay may iba na kaagad na umaatras ang iba naman ay napapayuko nalang at nawawalan ng tiwala sa sarili. No one wanted to be my rival. Lahat sila natatakot at humahanga saakin, but above all of it. I remained being humble.

Ayokong magmayabang dahil matalino nga ako hindi naman kami mayaman, so para saan pa kung magmamayabang ako tungkol sa mga academic achievements ko e wala iyon kumpara sa kayamanan na meron ang iba dito sa school namin.

Deretso lang ang lakad ko. Nasa third floor ang classroom namin. One week nalang at final exams na namin sa last semester ng school year. I'm grade nine now at moving up to grade ten na pagkatapos nito.

"Uy, Elly, balita ko ikaw ang nanalo sa quizbee competition ah!" Kaagad na kantiyaw ni Jeff ng makapasok na ako sa classroom. Tumango lang din ako sa sinabi niya at ngumiti saka nilapag ang mga gamit sa desk ko at umupo narin doon.

"Wow! Ang talino mo talaga, Elly" Hirit pa ng mga iba kong kaklase which tinawanan ko nalang. May iba pang nag lahad ng kamay para makipag shake hands saakin at ang iba naman ay naki high-five.

"Oy, oy, tigilan nyo na nga muna si Elly!" Rinig kong suway ni Ana sa mga kaklase kong tumambay na sa desk ko. Kaagad niya silang pinagtutulak at pinaalis doon. "Ano bayan, gusto lang namin makausap si Elly eh," Reklamo pa ng kaklase namin pero kalaunan ay nagsi balikan din sila sa mga desk nila.

Ana just rolled her eyes at nilapag narin niya ang mga gamit niya sa tabi ko. pang dalawahan kasi ang desk namin dito sa classroom kung kaya mag katabi kami ni Ana. Ngumiti ako ng umupo na siya sa tabi ko.

"Hindi ka na naman ang open ng socials mo no?" Sabi niya dahilan para mangunot ang noo ko.

"Last week ako huling nag log in sa fb, why?" Tugon ko naman sakaniya. I'm not fond of posting or scrolling on social media. Mayroon akong mga acc sa ibat-ibang platforms at marami din akong followers doon pero hindi ko masyadong ginagamit bilang libangan because for me, studying is my only hobbie.

I'd rather prefer reading books and searching on google than posting and sharing pictures online at ipagmayabang iyon sa kung sino man ang makakita. I agreed na halos lahat ng kabataan sa henerasyon ko ay nasa gadget's na ang pansin dahil halos lahat ng trends and top issues ay doon narin nila nalalaman but count me out. Hindi ako mahilig sa mga ganoong bagay. Though I have a lot of gadgets at home pero ginagamit ko iyon for educational purposes only.

"So ikaw na naman ang huli ngayon sa balita," She chuckled at kinuha ang cellphone sa bag niya. My brows furrowed.

"Why? Ano bang balita?" I turned to asked her. Kaagad namang nagningning ang mga mata niya and she squinted like a little girl. Mayroon siyang hinanap sa phone niya at kaagad niya itong ipinakita saakin.

UnwaveringWhere stories live. Discover now