Chapter 17

10 6 0
                                    

CHAPTER 17
Miserable Life




"Oh, ba't ginabi kana ng uwi, Elly?" Tanong ni papa ang bumungad saakin pag pasok ko ng bahay. Napayuko ako at kaagad na lumapit sakaniya at nag mano.

"Pasyiensya na po. Nagpasama po kasi si Ana sa bacolod para mag shopping." Nakaupo si papa sa couch ng sala at halatang hinihintay ako. Walang emosyon siyang nakatitig saakin.

"Hindi ka man lang nag paalam o tumawag saamin ng mama mo.." Wika pa niya. Walang bahid na galit sa tono niya pero kahit ganoon pa ay kinakabahan parin ako sa tuwing ang striktong ugali ni papa ang kaharap ko.

"Sorry pa.Nakalimutan ko po kasi eh.." Ang tanging na sagot ko. Napatingin ako sa gawing kusina kung saan nakikita ko si mama na nag hahanda ng hapunan sa hapag.

"Oh, nandiyan kana pala. Halikana mag hapunan na tayo..." Napangiti ako ng kaunti at saka lumapit sa kaniya para mag mano. "Bakit ginabi ka, Elijah?" Tanong rin ni mama saakin.

"Sumama po kasi ako kay Ana sa mall, mama." Sagot ko. Ginulo niya ang buhok ko at bahagya siyang ngumiti sakin.

"O, siya.. Kain na tayo baka pagod ka na. Para makapag pahinga ka narin kaagad." Unlike kay papa. Kahit kailan ay palagi akong iniintindi ni mama. Napangiti ako at umupo na sa mesa para kumain. Naroon narin sila at nagsimula na kaming mag hapunan.

"Kamusta ang pag-aaral, Elly?" Tanong ni papa habang busy sa pagkain. Napalingon ako sa gawi niya.

"Ayos naman po, pa..." Sagot ko at muling inabala ang sarili sa pagkain. "Intramurals na po namin next week," dagdag ko pa.

"Nabanggit nga saakin iyan nina, Angelo." Napatigil ako sa pag nguya ng marinig ang pangalan niya. Hanggang dito ba naman sa bahay hindi nakakatakas sa pandinig ko ang pangalan niya.

Oo, nga pala palaging bumibisita sa municipyo sina Angelo kung saan nag tatrabaho si mama. Palagi silang nagkikita roon.

"Opo ma, kasali po siya sa junior high varsity. May laro po sila sa myerkules." Ngumiti ako ng kaunti kay mama. Napatango naman siya.

"Magaling talaga ang batang, yon.." Sambit ni papa. I was taken a back. Kilala niya rin pala si Angelo dahil driver siya ni mayor at minsan ay sinusundo niya ang ito sa paaralan noong grade seven palang kami.

"Oo nga eh, kaso kawawa rin ang batang yon, maaga ring naulila sa magulang." Natigilan akong muli sa pagkain ng marinig ang sinabi ni mama. Umiling siya ng dalawang beses at lumingon siya sa gawi ko. Siguro ay ramdam niya na nagulat ako sa sinabi niya.

"P-po? Ulila na siya?" Kuryusong tanong ko kay mama. Nagtinginan naman silang dalawa ni papa. Ang alam ko ay si mayor ang nag papa-aral sa kaniya pero lingid sa kaalaman ko na wala na pala talaga siyang magulang.

"Namatay sa aksidente ang mommy niya, Elly at sa pagkakaalam ko, may bagong pamilya na ngayon ang tatay niya sa labas ng bansa." Si papa ang sumagot. Napalunok ako dahil sa mga nalaman.

Angelo's life must be really miserable, but how could he able to hide it?

Those grin and the smile he always shows to his friends, to me. Totoo ba yun? Paano niya natatago ang lungkot at pait ng buhay niya sa pamamagitan ng pagiging masaya? Hindi ko alam na ganito pala kahirap ang nararanasan niya.

Mas nakakalungkot isipin na pati ako. Magagawa ko rin siyang saktan.

Kinabukasan sa school ay wala ako sariling pumasok. Maayos naman ang itsura ko but my mind is so pre occupied sa lahat. Final exams na namin sa first semester ng class next week pagkatapos ng intramurals at idadag pa ang problema ko kay Aiden at Angelo.

"Good morning, Elijah!" Bati ni Liam ng makapasok. Ngumiti ako ng kaunti sa kanya at tumango. "Okay ka lang? Laki ng eyebags mo ah," Tawa niya dahilan para simangutan ko siya.

"Tumahimik ka nga Liam, Buti nga sakin eyebags lang, eh sayo?" Buwelta ko sa kaniya. Hindi ko naman talaga gawi ang mang away ng pabiro pero dumadagdag narin ang isang to sa problema ko. Ka aga-aga ba naman, nambwebweset na agad.

"Ano?ano?" Nag hamon pa talaga. Humakbang si Liam papalapit sa desk ng ng may ngisi sa labi niya. Hinampas ko siya notebook sa mukha dahilan para mapangiwi naman siya sa sakit.

"Kahit dika na bugbog, araw-araw kang may black eye sa mukha!" Inis na singhal ko sa kaniya. Sumimangot naman siya ay hindi na aki pinanasin. Umupo siya sa desk niya habang hagod-hagod ang pisnge niyang namumula dahil sa impact ng notebook ko.

Ngumisi ako sa kaniya. Ano ka ngayon?

" Hayst, buti nalang talaga hindi ako na late." Kunwaring nag punas ng invisible na pawis si Ana sa noo niya. I smiled at her.

"Buti nga eh naunahan mo si, Ma'am." Actually late naman talaga siya pero buti nalang at hindi pa nagsisimula ang klase at wala pa ang adviser namin.

"Kamusta kayo ni Angelo? sinunod mo ba yung advice ko?" Umupo siya at lumapit sa tenga ko para tanungin ako ng pabulong. Ang pangalan ni Angelo ang dahilan kung bakit napalingon ako sa gawi niya habang nag iisip ng isasagot kay Ana.

Noong gumala kami sa mall kahapon ay walang naging ibang laman ang usapan namin kundi si Angelo. Angelo dito. Angelo doon. As much as I wanted to avoid him, I just can't and I don't know why...

Ana kept giving me advices simula nung battle of the bands incident. Mga advice na hindi ko naman na apply sa sitwasyon ko.

"Hindi mo ba siya sasagutin?" Muling tanong ni Ana. Lumapit naman sa desk namin si Jean para makisawsaw narin.

"Oh, nakatingin siya sayo, teh..." Hagikhik ni Jean habang sumusulyap sa desk nina Angelo sa kabila. Umiling ako.

"Hindi ko siya sasagutin. Tsaka, bakit ko naman gagawin yun?" Pag kibit balikat ko sa dalawa. Itinuon ko ang pansin sa nakabukas kong notebook kahit pa hindi ko naman naiintindihan ang notes ko.

Nakita kong nagkatinginan si Ana at Jean dahil sa sinagot ko. Mag sasalita sana ako kaso pumasok na si ma'am at nagsimula na ang klase.

"Alright, class.. This will be our last topic for this semester. Next week is our Intramurals and after that, we'll be having our final examination for the first semester." Wika ng teacher namin sa gitna.

"May I know kung sino ang mga athletes natin dito?" Nagtaas ng kamay sina Jerome, Nimuel at syempre, Angelo. Napalingon ako sa gawi nila at saktong nagtama ang tingin namin ni Angelo.

Sadness. It's all that is written in his eyes. Kahit may distansya at medjo malayo. Kitang kita ko iyon sa mga mata niya at alam kong ako ang dahilan. Ako ang unang umiwas ng tingin ay kunwari kong inayos ang kwelyo ng uniform ko at muling binalik ang atensyon sa teacher na nasa gitna.

"Okay.. Very good, halos nasa section nyo pala ang mga varsity players ng campus. That's great. Let's support them on their upcoming league, next week." Tumango-tango si ma'am habang ngumiti habang nag palakpakan naman sa tuwa ang mga kaklase ko.

"Manood tayo sa myerkules ha?" Sinagi ni Ana ang braso ko.

"H-huh?" Wala sa sariling wika ko.

"Basketball game nila, syiempre kailangan ni Nimuel babayluvs ang support ko, ano kaba!" Napatili sa sariling sinabi si Ana. Kumunot naman ang noo ko sa tinuran niya. Ang cringe talaga ng mga endearments na ginagamit niya.

Hindi ko nalang pinansin si Ana at nakinig na lamang ko sa discussion ng teacher. Sa kalagitnaan ay napapalingon ako sa gawi nina Angelo, at hindi ko alam kung bakit sa tuwing titingin ako sakanya ay sakto ding titingin siya saakin kung kaya ay napapiwas ako kaagad ng tingin.

Kung minsan ay kay Aiden naman ang tingin ko. Mukhang seryoso siyang nakikinig sa discussion habang ako naman ay hindi mapakali. Ewan ko kung bakit. Hindi naman ako ganito dati.

But the thought of Angelo keeps on bothering me. Bigla bigla nalang siyang pumapasok sa isip ko from time to time. Siguro dahil sa nalaman ko tungkol sa kaniya galing kina mama at papa, o dahil may ibang dahilan.

Ano naman kaya?

UnwaveringWhere stories live. Discover now